M.E 29

60 5 0
                                    

M.E 29 - Let's break up







---







Sunny's POV





{2 days before the marriage}





3 days na lang, ikaasal na ako. Thursday na ngayon at hindi kami pumasok ni Suho dahil pinaghahanda nila kami. Andito kami sa loob ng mall at naghahanap ng singsing.



"Sunny, tara doon tayo," sabi sa akin ni Suho at hinatak ako papasok sa isang jewelry shop.



"Heto kaya?" tanong niya sa akin at tinuro ang isang singsing.



"Ikaw ang bahala," sabi ko at sumimangot naman siya dahil sa sagot ko.



"Give me that ring miss," sabi ni Suho at halatang kinikilig pa yung babae sa kanya. Psh. Nakita ko namang nakatitig sa akin si Suho at tumatawa.



"Ano!?" iritado kong tanong sa kanya.



"Someone's jealous," sabi niya at tinarayan ko na lang siya. Hindi ko na lang siya pinansin. Hindi ako nagseselos, nakaka-irita lang talaga. Bakit naman ako magseselos? Alam kong kunwari lang lahat ng ginagawa niya. Nothing's sincere.



Nagulat naman ako ng inabot ni Suho yung kamay ko at isinuot yung singsing. Sakto ito sa akin kaya napangiti siya at tinry naman niya yung singsing at sakto rin ito kaya binili na niya.



After naming bumili ng singsing ay yung wedding dress naman daw. Nagpunta kami sa isang shop where you can find lots of wedding dress and shoes.



"Suho, dapat si Mom yung kasama ko," sabi ko at halata namang naguguluhan siya.



"Syempre, lalaki ka. Ano namang alam mo sa wedding dress?"



"Imaginin mo na lang na ako ang nanay mo ngayon kaya itry mo ito at ito," sabi niya at inabot sa akin yung dalawang dress. Nababakla na nga si Suho.



"Ito pa. Ito, ito, ito at ito," sabi niya at wala na akong nagawa kung hindi maglakad papunta ng dressing room. Ano ba 'yan. Hindi ba't malas ang isuot ang wedding dress ng hindi mo pa kasal? Okay, isusuot ko para hindi matuloy. Great idea.



Isinuot ko ang unang wedding dress. Backless siya, which I don't like, at fitted. Lumabas na ako ng dressing room at nakita kong naka-upo si Suho sa isang sofa sa harap ko. Ngumiti nama siya pero tinarayan ko lang siya at napa-crossed arms.



"Turn around," sabi niya at umikot ako. Gusto kong takpan yung likod ko dahil nakakailang at baka magkapulmunya ako.



"Change. I don't like it," sabi niya at umalis na lang ako. Bakit ba ang bossy niya ngayon?



Pumasok ulit ako at isinuot yung sleeveless na dress at turtle neck. Lumabas ulit ako at pinapasok niya ulit ako.



After 45 minutes na labas, rampa, pasok at palit na routine ko ay last na gown na ang isusuot ko. Sana naman pumayag na siya, pago na ako kapapalit. Ang last na dress at lumabas na ako.



Nakita ko namang ngumiti siya at nagok sign. Buti naman. Dapat pala inuna ko na 'to edi sana marami pa akong energy ngayon.







***







Naka-uwi na kami at dumiretso ako sa kwarto dahil pagod na pagod na talaga ako ngayon tapos bukas prom pa namin. Namili na rin kami ni Suho ng magiging damit niya sa wedding namin. Magpapadala daw si Suho ng stylist ko para ayusan ako sa kasal namin.







***







Suho's POV





Naka-upo ako sa sofa at inis na inis ako. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. This stupid heart. I don't what to do now.



FLASHBACK



Hindi ako mapakali habang naka-upo ako rito sa sofa sa living room. I should text her para matigil na 'tong puso ko. Nagui-guilty na ako.



Me: Hey



Siya: Hey, love.



Me: I just want to say something.



Siya: What is it?



Me: Let's break up



Oo, nakikipagbreak na ako sa kanya dahil nalaman ko na mahal ko na nga si Sunny. Kahapon ko nalaman na mahal ko na siya. Parang bakla mag pakinggan but I really love her.



Naghihintay ako na magrereply siya pero hindi na siya nag reply. I want to say sorry pero parang may kakaiba akong naramdaman nung hindi siya magreply.



END OF FLASHBACK



Kahit na naiinis ako sa sarili ko. Naging komportable naman na yung pakiramdam ko at least ngayon, wala na akong tinatago kay Sunny at ang alam ko lang ay mahal ko siya. Alam kong masyadong mabilis ang mga pangyayari, kaninang umaga, nagui-guilty ako at mahal ko na si Sunny.







---







last chapter, naga-iloveyou-han pa sila tapos ngayon mahal na niya si Sunny. ang bilis po ng pangyayari. sorry po, hindi ko rin alam kung bakit. HAHAHA joke.

- kate

Marrying EXOWhere stories live. Discover now