"SUMMER, Tara na! Aba, Male-late na tayo sa bagal mo'ng kumilos."
Napairap ako sa sinabi ni Haze. "Ito na oh. Naglalagay na po ng sapatos." Matapos kong malagay ang sapatos ko ay binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang nakabusangot na mukha ni Hazel habang naka-halukipkip. Gusto kong matawa sapagkat sampung minuto lamang siyang nakatayo sa harap ng aking pinto. Pero kung makapagreklamo akala mo ay trenta y minutos na ang nakalipas.
"Akala ko kinain ka na ng kuwarto mo eh." Sarkistong sabi niya pero nag kibit balikat lang ako. Nauna na akong maglakad pababa ng hagdan.
Bago pa ako makapunta sa hapag ay may binigay nang supot sa akin si Haze mula sa likod ko. Nagtataka man ay kinuha ko ito.
"Baka kasi abutin tayo ng siyam-siyam kaya sa school ka na kumain." Nakasimangot na sabi niya. Gusto kong magreklamo pero pinagsawalang bahala ko na lang. Tama naman siya sapagkat medyo malayo ang school sa bahay at katulad ng nakaraan ay late na naman akong nagising.
Pumunta na ako sa labas at sumakay sa aking malaking bike. Mayroon itong basket sa harap kung saan ko nilalagay ang mga kagamitan ko sa school.
"Haze, Let's go." Tinignan lang ako ng bugnuting si haze bago sumakay sa sarili niyang bike. Pero kumpara sa akin ay mas maliit ito.
Pagkaraan ng limang minuto dahil sumisingit lang kami sa mga sasakyan nakarating agad kami sa school.
Pagkababa ko ay nilusot ko ang kamay ko sa braso ni haze habang naglalakad kami papasok sa campus.
"Andami nanaman na nagkalat na studyante."
"Duh, Sammy. School ito. Anong aasahan mo?"
"Hmp. Sungit." Inalis ko ang kamay ko sa braso niya at inayos ag side bangs ko.
"Nga pala. May assignment ka na ba kay Ma'am Santos?"
"Hmm. Oo. Gumawa ako kagabi."
"Pakopya ako hehe."
"Tsk. Ang bait mo kapag may kailangan ha." Sarkastik na sabi ko kay Haze.
"Ito naman. Dali na. Hehe. Parang hindi nama kita pinabaunan ng Sandwich. Nga pala, Maiba. Ano nga pala yung topic natin kahapon?"
"Tss. Hindi ka talaga nakinig huh. Mmm. Bermuda Triangle."
"Right! Yan ang gusto ko sayo Sammy. Nakikinig ka sa mga Prof. Kaso nga lang." Ngumiwi siya sa akin "Ang hirap mong gisingin."
Inirapan ko siya ng pabiro. "Hindi mo pa din nakalimutan. Well, Isipin mo na lang na Napupuyat ako kaka-aral." Natatawang sabi ko at kinidatan siya. Umasta naman siyang nasusuka. Arte talaga haha.
BINABASA MO ANG
Parallel Universe
FantasyDalawang tao, magkapareho nang panlabas na anyo pero magkaiba nang pang loob na ugali. Ikaw, alam mo ba na may kapareho kang mukha? Pero hindi sa mundong ito kundi sa kapareho nang mundo na ating ginagalawan. Welcome to the World! To the Parallel Un...