Ayris
Lumabas na kami ni Travis. Inubos namin yung Goto kahit na, Pwera Grasya nang Diyos. Ay may iba sa lasa.
"Hmm, Saan naman kaya tayo?" Tumingin tingin ako sa paligid para maghanap kung saan yung next stop namin. Bukod sa Gotohan ni Aling Roselda dito, Wala na gaanong tindahan. May tindahan naman pero puro mga Groceries Store na. Puro bahay na kasi ang makikita mo dito. Kaya maraming bumibili sa Gotohan.
"Tara na, Ako na magda-drive. Ang bagal mo kasing magmaneho eh." Kinuha nya yung Susi sa kamay ko at nauna nang pumasok sa loob nang sasakyan. Tingnan mo'to! Hindi na nga ako hinintay hindi pa ako pinagbuksan nang pinto. Padabog akong sumakay sa Passenger seat.
"Minsan try mo ring mag paka-gentleman." Sarcastic na sabi ko. Hindi nya talaga alam yung salitang 'Respeto sa Babae' eh.
"Alam mo kasi may binabagayan yung pagiging gentleman ko. Eh sa issue mo.." Tiningnan nya ako. " Wag na lang." Ngumisi sya sa akin at nagsimula nang mag drive.
"Hindi mo talaga alam yung salitang Pa-Humble eh noh?"
"Bakit pa ako magpa-pahumble? Hindi na kailangan lahat nang babae nag kakandarapa na sa akin. Gwapo ko kasi eh. Hays! Ang hirap maging perpekto."
Ang sama talaga! Hindi na ako umimik. Grabe, Wala talagang makakatalo sa pagiging arogante nya. Humalukipkip ako at nakabusangot na tumingin tingin sa mga dumadaang sasakyan at nadadaanang mga bahay.
Maya-Maya, Huminto kami sa...Jollibee!?
Pababa na si Travis pero pinigilan ko sya.
"Wag tayo dito. Foodtrip nga eh diba kailangan yung kasya sa Budget ko." Hindi naman sa ayaw ko sa Jollibee pero kasi dapat yung sa mga mura lang. Well, Hindi naman mahal ditto kaya lang gusto ko yung maraming makakain.
"Tsk. Sige na nga. Kuripot talaga." Bumalik ulit si Travis sa puwesto nya at nag drive ulit.
"Hindi ako kuripot, Nagtitipid lang Wahaha!"
"Whatever." Para talagang bakla. Umirap pa HAHAHA. Pero infairness ha! Imbes na magmukha syang Ewan, Lalo syang gumwapo. Hindi manly yung pag irap nya pero may dating talaga. Haist! Ang gwapo talaga nang loko.
BINABASA MO ANG
Parallel Universe
FantasiaDalawang tao, magkapareho nang panlabas na anyo pero magkaiba nang pang loob na ugali. Ikaw, alam mo ba na may kapareho kang mukha? Pero hindi sa mundong ito kundi sa kapareho nang mundo na ating ginagalawan. Welcome to the World! To the Parallel Un...