Ayris
Nang makabawi na ako sa gulat hinabol ko si Travis sa Labas nang Guest Room.
"Wait lang!" Tawag ko sa kanya. Lumingon sya sa'kin.
"Bakit ngayon.. I mean Bukas."Nakakunot na ang noo ko pero hindi nya ako sinagot. Ngumisi lang sya.
Ang gulo talaga nitong tao na'to. Bigla bigla na lang magbibigay nang paper bag tapos sasabihin na pupunta na kami sa Second Dimension na mundo nila. Hindi kaya ako ready.
"Bakit nga kasi. Hindi ba dapat ako yung magsasabi kung kailan ko gusto." Ako yung may gustong pumunta dun kaya dapat ako din magsasabi kung kailan kami pupunta.
Umiling lang sya sa akin. Nakakainis na talaga itong Travis na'to. Hindi ko naman mabasa yung utak nya. Tapos hindi sasagot.
"Bahala ka dyan hindi ako sasama." Tumalikod na ako sa kanya. Kainis.
"Uy joke lang eto naman. Sasabihin ko na kung bakit." Hinila nya yung kamay ko at pinaharap sa kanya.
Inirapan ko sya at humalukipkip ako.
"Ano na." Naiinip na sabi ko. Tinapik tapik ko ang paa ko.
"Kasi nga.. Ano..Diba yung ano.. Kasi ano sya..Tapos nawawala si Ano."
"Seriously, Sino si Ano." Bored na tumingin ako sa kanya. Ang dami kong naintindihan Promise.
"Hayyy. Okay eto na. *ehem* Kailangan nating pumunta agad sa mundo namin dahil kailangan kita." Nagtaka ako sa sinabi nya. Kailangan? Ako? Bakit?

BINABASA MO ANG
Parallel Universe
FantasíaDalawang tao, magkapareho nang panlabas na anyo pero magkaiba nang pang loob na ugali. Ikaw, alam mo ba na may kapareho kang mukha? Pero hindi sa mundong ito kundi sa kapareho nang mundo na ating ginagalawan. Welcome to the World! To the Parallel Un...