Parallel 13

48 2 0
                                    

Ayris P.O.V


"Hayyy!! Grabe naman pala ang bilis mapa oo ni tita." Sabi ni Brittany.


Kahit ako hindi parin ako makapaniwala. Grabe lang kasi si Mama.


Flashback----


"H-Hoy! Anong Acting acting ka jan! Sipain kita jan eh." Nakikipaghilahan ako kay Travis.


"Tch. Just Go with the flow. Can you?" Tingnan mo, Tingnan mo! Napaka bipolar talaga! Kanina kung maka kindat parang wala nang bukas. Tapos ngayon kung mag sungit parang may buwanang dalaw!


"Go na Sis! Tama naman tong si fafa travis. Maki Go ka nalang! Yiee." Sabi ni Brittany.


"Oo nga Ayris! Wag ka nang choosy. Gwapo na kumakaladkad sayo aarte kapa?" Nag twinkle yung mata ni Christine at ikinawit yung kamay sa braso ni Travis.


Yung totoo? Sinong kaibigan dito? -_-


At dahil nga sa pinagtulakan ako nang mababait at suportive kong mga kaibigan ( Take note of sarcasm here) bumaba na rin ako.


Nasan ba si Mama? Kinakabahan ako sa reaksyon nya.


Imagination***


"Ma, Si travis boyfriend ko nga pala." Sabi ko kay mama.


Nanlalaki ang mata ni mama na tumingin sa amin. Pero agad ding ngumiti.


"Ow! Ako nga pala ang nanay ni Ayris." Nagulat ako at naglahad nang kamay si mama sa harap ni Travis na agad nitong tinanggap.


"Ahm. Wait lang ha! May kukunin lang ako saglit." Nakangiting paalam ni mama.


"Sige po." Magalang na sagot ni Travis.


Nakahinga ako nang maluwag.


Maya maya dumating na si mama na may dalang. I-Itak?!!


"Anong akala mo tanggap kong may boyfriend kana!! Ang bata bata mo pa!! Halika kayong dalawa nang maitak ko yang mga utak nyo!!!"



End of imagination**


"Waaaaah!!!" Iniling iling ko yung ulo ko.


"F*ck! Why are you shouting?!"


"Oh my god! Anong nangyari?"


"Sis, are you ok?"


Kanya kanya sila nang reaksyon.


"W-wag nalang kaya natin ituloy?" Kinakabahang sabi ko.


"Relax Nandito lang ako." Sabi ni Travis at inakbayan ako.


Tinanggal ko yung pagkakaakbay nya at inirapan sya.


"Halika na. Nasan na ba si Tita?"


Pumunta kami sa kusina at nakita namin si mama duon na nakatalikod at nag luluto nang pagkain.


"Ahm. M-Mama." Kinakabahang tawag ko.


Dahan dahan namang lumingon si Mama sa amin.


Kumunot ang noo nya. Sabi na nga ba magagalit to eh. Huhu. Pumikit ako at inaantay kong sigawan nya ako.


Pero maka ilang segundo na wala parin akong naririnig na sigaw. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.


-,-


-,^


^,-


^,^


Eh? Nakita kong nakangiti si mama sa amin.


"Oh? Sino naman tong gwapong lalaking nasa tabi nang anak ko?" Nakangiting tanong ni mama.


"Hi po tita. My name is Travis, Ayris boyfriend." Inilahad ni travis ang kamay nya sa nakangiting si mama.


Tinanggap ni mama yun.


"Napakagwapo naman pala nang napili nang anak ko." Kumikinang pa ang mata ni mama habang sinasabi yan.


Pag lingon ko kila Christine at Brittany shock parin yung reaksyon nila. Gusto ko tuloy matawa. Pfft. 0o0


Kinalabit ko sila. Parang bumalik na sila sa reyalidad at agad na ngumiti nang kay luwang luwang.


"Tita pwede ko po bang ayain si Ayris para sa first date namin?." Paalam ni travis at inakbayan ako.


"Hehe." Tumawa nalang ako nang peke. Di ko alam ang sasabihin ko.


"Oh. Ok! Bye. Ingatan mo princess ko ok? Bye na."


Literal na napanganga ako. Seriously? Akala ko mahihirapan kami para magpaalam kay mama tapos ngayon? Parang ang bilis nya akong ipamigay huhu.


Hinila na ako ni travis at sumunod na sila christine at brittany pagkatapos namin magpaalam.


End of Flashback***


"So girls nandito na tayo ano bang gagawin nyo?" Tanong ni Travis na prenteng nakasandal sa sasakyan ko. Oo sasakyan ko yung ginamit namin pero sya yung nag drive.


Napapalingon naman ang karamihan nang kababaihan na napapadaan sa amin.


Hinila ko na si Travis at hinawi ko ang buhok ko.


Back off girls. He's mine Nyehehe.



Kasunod lang namin sila Christine.


"Possessive eh?" Taas kilay na sabi ni Travis. Inirapan ko lang sya.


Kung saan saan kami pumupunta nila Brittany at nakasunod lang samin si Travis. Nagrereklamo na nga sya at kung bakit daw puro sa pambabae kami pumupunta.


Bahala sya. Ginusto nyang sumama kaya magdusa sya. Hmp.


Pumunta kami sa Isang boutique at nakasunod parin si Travis sa amin. Naghahanap hanap ako nang dress nang may narinig akong sales lady na nagtitilian nang mahina.


Paglingon ko sa likod. Aba't may kumakausap kay travis na sales lady. Pero walang wala sya sa ganda ko. Psh.


Di ko na mapigilan at lumapit na ako sa kanilang dalawa.


Tinaasan ko naman nang kilay yung flirt sales lady na yun. Eh sa naiinis ako eh.


"Bakit mo kinakausap yung 'Boyfriend ko'?" Inemphasize ko talaga yung word na boyfriend ko. Napalapit naman sa akin sina brittany.


Napayuko naman yung sales lady.


"I'm sorry ma'am."


"Psh. Babe naman kasi bakit kaba lumalayo ang dami tuloy higad na gustong umagaw sayo." I said sweetly to him.


Napangisi naman sya at inakbayan ako.


"Napakaselosa naman nang girlfriend ko. Alam mo namang ikaw lang eh." Hi said at ang gago hinalikan pa ako sa pisngi.


Kanya kanya naman reaksyon ang mga tao. Na kesyo ang sweet raw namin. Na bagay kami. Psh. If they know na pretend lang to.


Bakit parang ang sakit isipin na nag pe-pretend lang kami? Na parang naglolokohan lang kaming dalawa.

Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon