Ayris P.O.V
"Wow ang gandaaa!!" Nililibot ko ang paningin ko sa paligid sa baba. Nasa flying car parin kami ni Travis. Makulay ang paligid kaya hindi nakakasawang tingnan. Ibang Iba talaga ito sa Mundong kinalakihan ko. Dito, Maaliwalas, Masaya at Halatang magkakakilala ang mga tao. Parang walang problema.
"Elibs ka nanaman!" Hindi ko pinansin si Travis. Occupado ng paligid sa ibaba ang mga mata ko.
Napansin ko na papalapit kami sa isang palasyo. Malaking palasyo na kahit nasa malayo ka ay makikita mo. Nang makarating na kami ay unti-utnting bumaba si Xander--Travis's Flying car.
Bababa na dapat si Travis pero kinalabit ko sya. Tingnan mo ito wala talagang pag ka-gentleman sa katawan.
"Hoy, Baka nakakalimutan mo na 'Asawa' mo ako dito." Nakangiting bulong ko dahil may mga tauhan na nakahilera sa labas ng palasyo. Halos masuka na ako sa sinabi kong Asawa. Eww.
Dali-Dali naman akong inalalayan ni Travis habang nakangiti. "Oo nga pala Honeymunch." Kinurot ko agad sya sa tagiliran. "Ayusin mong hayop ka." Bulong ko ulit. Bumaba na ako ng tuluyan habang nakalingkis kay Travis--Should I call him Prince Travis now? Ang pangit pakinggan XD
"Ang sweet nyo naman."
"Ay, Palaka!" Nakakagulat naman itong Prince Andrei na'to! Ngumiti lang ako sa kanya ng peke.
Lahat ng mga Tauhan nila dito ay yumuyuko. Siguro bilang paggalang sa dalawang prinsipe na kasama ko.
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng palasyo. This Universe's Technology never fails to amaze me.
Pinaghalong kulay Gold at Blue ang kulay ng Palasyo. Mayroong malaking Chandelier sa Ceiling sa gitna ng Palasyo. Marami ding nakahilerang Royal Maid na nakasuot ng Dress na above the knee. Mga nakayuko sila. Dumiretso kami sa hallway at bawat Wall dito ay mayroong Portraits. Mga kuha ng mga yumaong Reyana at hari. Ang aamo ng mga mukha nila. Nakita ko rin ang Pamilya nila travis. Makikita ko na sana ang sunod na Royal Family picture pero hinigit na ako ni Travis. Tsk, Panira talaga.
Pumasok kami sa Malaking kwarto na kasing laki na ng isang bahay. Sa gitna ng kuwarto ay mayroong mahabang lamesa at sa dulo nito ay may nakaupong--- Ohmyghad! S-Si King Cornelius at sa katabi nito ay si Queen Aubrey! Ang gwapo at ganda! Ang amo ng mukha ni Queen Aubey parang ang bait bait nya sa mala anghel nyang mukha. Si King Cornelius naman ay may pagka-strikto ang mukha pero nakadagdag ito sa kaguwapuhan nya.
Gosh Ayris! Matanda na yan! E-Eh, Kahit na ag gwapo nya parin.
BINABASA MO ANG
Parallel Universe
FantasyDalawang tao, magkapareho nang panlabas na anyo pero magkaiba nang pang loob na ugali. Ikaw, alam mo ba na may kapareho kang mukha? Pero hindi sa mundong ito kundi sa kapareho nang mundo na ating ginagalawan. Welcome to the World! To the Parallel Un...