Parallel 18

22 1 0
                                    

Ayris



Nang marinig ko sila Brittany at Christine na tumili tumayo agad ako at si Travis.



"He-He." Gosh! Bakit sa lahat nang scenario yun pa ang naabutan nila?



Mag-Eexplain na sana ako pero pinigilan ako ni Christine.



"Shhh. Wag nang mag-explain! Okay lang naman sa'min yun eh. Tsaka mag-On na kayo diba. Yieeh!" Sinundot sundot pa ni Christine ang tagiliran ko. Sinamaan ko nang tingin si Travis.



Gusto ko sanang mandiri sa pinagsasabi ni Christine eh! At tingnan mo pa'tong Travis na'to inakbayan pa ako.



Pasimple ko syang siniko.



"OMO Ayris! Ang Sweet nyo naman! Sa lahat nang pwede nyong gawing place sa lapag pa!" Namula ako sa sinabi ni Brittany.



Ngumisi pa lalo si Travis at hinigpitan ang pagkakaakbay nya sa akin.



"Oo nga, Ito kasing GIRLFRIEND ko. Uhaw na uhaw sa halik! Bigla ba naman akong sinunggaban." Inemphasize pa nya yung 'Girlfriend.



Napalunok ako sa sinabi ni Travis. Yung mga tingin ni Christine at Brittany parang tinutukso ako.



Cactus ka talaga Travis Forever!!!



"Grabe Ayris, Ganun ka na pala ka-wild." Pabirong sabi ni Christine na lalong nagpamula sa akin.



"A-Ah, Pinayagan na ni Mama tumira dito si Travis." Sabi ko para lumihis yung usapan. Kuminang naman ang mata nang dalawa kong kaibigan.



"OMO! Buti naman!" Yung totoo hindi halatang favorite ni Brittany ang 'OMO' noh? Hindi talaga. Promise.



Nginitian naman ako ni Christine. Matured talaga 'tong babae na'to.



"Ay teka, Ba't nga pala kayo nandito?" Tumaas ang kilay ko. 



"Hello Girl, Nag ka boyfie ka lang nakalimutan mo na agad yung School! Pinapasabi ni Ma'am kung bakit daw ang tagal mong umabsent! Kausapin nya daw parents mo. Secong year College na tayo kaya dapat hindi ka umaabsent nang tatlong araw! Bukas pumasok kana!" Sabi sa akin ni Brittany. Oo nga pala! Ito kasing si Travis inasikaso ko pa eh.

Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon