Parallel 3

93 2 2
                                    

"Ahm, Summer. Do you really mean it?" Kinagat ni haze ang kuko niya sa hintuturo habang nag-tatakang nakatingin sa akin.

Do I? Well, Yes. Hindi sa lahat ng bagay mahaba ang pasensiya ko. At naubos ni anne yun.

"Oo. May isa akong salita Haze." Seryosong sabi ko. Bago pumunta sa bench sa garden. Mabuti na lang at hindi pa namin oras ng klase dahil maaga kaming pumasok ni Haze ngayon para sana ibigay yung materials kay Anne kaso mukhang nabalewala lang iyon.

"Akala ko gusto mong tumulong?" Nag-aalangan pa niyang tanong.

Pinagmasdan ko ang mga puno at fountain sa gitna. Napaka-peaceful talaga dito.

"Gusto ko Haze. Alam mo yan. Pero paano ko siya matutulungan kung siya mismo sa sarili niya ayaw niyang tumanggap nito? Seryoso ako sa mga sinabi ko kanina Haze. I will no longer help her."

"Gusto mong maglibot?" Napatingin ako sa kaniya. "Hmm. Para lumamig ng konti ang ulo natin hehe."

Tumango ako bago naunang maglakad.

Ang garden ng university namin ay malaki din. Private school ang pinpasukan namin that's why malaki ang school.

Mayroong malaking fountain sa gitna na kulay puti at mayroon din tubig na bumubuhos dito. Sa paligid naman ay mayroong malalagong puno at sa tapat ng bawat puno ay may bench. Mayroong daan na magdidiretso sayo sa loob ng canteen.

Nakaka-relax. Kung tatanongin ako kung ano ang Comfort zone ko? Isa itong lugar na ito. Pakiramdam ko hinehele ako ng malamig at sariwang simoy ng hangin.

Lumipas ang oras at kay Ma'am Santos na ang susunod na klase.

"Class, I want you to do a research about UFO's or anything that is related with aliens. You will pass it tomorrow."

At nagtuloy-tuloy na si ma'am sa kaniyang lesson.

Hindi ko masyadong mapakinggan ngayon si ma'am dahil ang konsentrasyon ko ay nasa nakakabinging katahimikan sa pagitan namin ni Anne. Ano bang bago? Eh dati ka pa naman hindi iniimik ni Anne. Pero iba ngayon. dahil ramdam mo iyong awkwardness na hindi ko aakalaing mararamdama din ni Anne.

"Bring 1/4 sheet of paper!"

Sunod-sunod ang nagbubulungang reaksyon ng mga kaklase ko. Tsk. Lagi namang nagpapa-quiz itong si ma'am eh. Ang kaso ngayon wala akong alam! Hindi ako nakinig! Anong isasagot ko?!

Labag man sa loob ay kinuha ko ang 1/4 sa loob ng bag ko. At syempre may mga kuripot na nanghingi nanaman. Pakiramdam ko tuloy ay mangangandidato ako.

Palihim kong sinulyapan si Anne gamit ang gilid ng mata ko. May papel na siya. Kaya dineretso ko ulit ang tingin sa harap.

"How deep is the ocean?."

Napakunot ang noo ko. Teka ano yun? Anong sagot?! First time kong mangungulelat sa subject na ito at hindi maaari! Pero yun na nga ang mangyayari.

"Number 2. Pyramid is made of..?"

Bakit iba-iba? Napapikit ako sa inis sa sarili. Posible pa yun ano? Yung hindi mo maririnig ang isang bagay kapag wala dun ang atensyon mo.

Natapos ang quiz na wala akong nasagot. Pero buti na lang at may iba akong tama dahil na din natandaan ko pa ang past lessons namin.

Natapos ang mga subject ko at oras na ng uwian. Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa parking kung saan namin pinark ang bike ko.

Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon