A/N: Tagal ding hindi nakapag Update! HOHOHOHO!! Here I am!
PS: Yung mga names na binibigay ko or mga universe na ibibigay ko ay gawa gawa ko lamang po. Thank you! Enjoy~~~!
-------
Ayris
"Nakakainis yang mga ngiti nyo ha!" Sigaw ko kila Brittany at Christine dahil sobrang laki nang ngiti nila sa akin pag tinitingnan ko sila sa rearview nitong kotse.
At pag sinabi kong sobrang laki as in halos mapunit na yung mga labi nila sa kakangiti sa akin.
"Eh kasi naman girl! Bongga yung pasabog mo kanina sa mall!" Kinikilig na sabi i Brittany sa akin at niyugyog pa ako.
Nakaupo ako sa Front seat at si Travis naman ang nasa Driver seat. Ito ding isang'to!
"OA nyo! Parang yun lang naman." sabi ko sa kanila.
Nag kibit balikat lang si Christine habang si Brittany naman kinikilig at pinapalo palo pa sya.
"Hoy ikaw! Ayaw ko pang mamatay kaya tumingin ka nang diretso sa daan hindi yung tingin ka nang tingin sa akin!" Kanina pa sumusulyap sulyap sa akin si Travis at naka ngiting maluwag din pero yung mga mata nya parang nangaasar.
Napadaan kami sa matraffic na lugar at mukhang mamaya pa'to uusod kaya nagkaroon nang pagkakataon si Travis na kausap ako o baka naman asarin ako.
"Bakit mo kinakausap yung Boyfriend ko?" He said mimicking my voice.
"Hoy ang kapal nang mukha mo ha! Wag kang assuming ginawa ko lang yun para ano.." Teka ba't ko nga ba sinabi yun? Ba't nga ba ako sumingit sa paguusap nila nung sales lady na yun?
"Para..?"
"P-Para...Ah basta!" Sabi ko nang wala akong mahagilap na dahilan o kasinugalingan.
"Tingnan mo na! HAHAHA." Mapangasar nanaman syang tumingin sa akin. Shocks! Feeling ko ang pula pula ko na ngayon!
"Dapat ga mag thank you ka sa akin eh! Kasi sinave kita dun sa mga sales lady! Kung hindi ako sumingit sa inyo edi malamang wala ka dito ngayon kita pinagkakaguluhan ka pa!" Sabi ko sa kanya. Totoo naman eh. Halata naman kasi sa mga mata nang mga sales lady na nandun ang pagnanasa sa kanya.
"Wala eh! Gwapo." Mahanging sabi nya at tumigin pa sa rearview, pinapungay nya yung Mata nya habang hinihimas yung baba nya. Bilib din ako sa Aircong dala nito eh.
"Yuck kadiri ka!" SIgaw ko. Umubo naman yung dalawa kong kaibigan sa likod na parang pinapahiwatig na nadito pa sila.
Tumaas lang ang isang kilay ni Travis at tumingin na sa daan. Umuusod na rin ang Traffic.
Nag kachansa akong tumingin at I-Examine ang mukha nya.
BINABASA MO ANG
Parallel Universe
FantasíaDalawang tao, magkapareho nang panlabas na anyo pero magkaiba nang pang loob na ugali. Ikaw, alam mo ba na may kapareho kang mukha? Pero hindi sa mundong ito kundi sa kapareho nang mundo na ating ginagalawan. Welcome to the World! To the Parallel Un...