Ayris
"Kumain ka muna Travis." Sabi ni Mama at kinuha ang maleta ni Travis.
Parang nagi-guilty ako. Kasi feeling ko niloloko..Hindi pala feeling kasi niloloko ko na talaga si Mama. Dati hindi ako nagsisinungaling. Bihira lang. Tapos nang dumating ang Pesteng si Travis wala na atang totoo ang sinasabi ko kay Mama.
"Ako na po Tita." Sabi ni Travis at kinuha ang maleta nya.
"Kumain kana ba?" Tanong ni Mama kay Travis at naglakad papuntang kusina.
"Hindi pa po." Kapal Muks, Talaga 'tong si Travis eh. Hindi man lang nagpa-Humble.
"Ganun ba? O, Sya kumain ka muna, Sumabay kana sa amin ni Ayris." Nakangiting tumango si Travis sa anyaya ni Mama sa kanya.
Nang kumakain na kami nagtatanong tanong si Mama kay Travis.
"Saan ba yung Condo mo dati Travis?" Tanong ni mama. Ako naman napahinto sa Pagsubo nang pagkain. Nakita kong natigilan din si Travis. Hala ang tanga ko syett! Hindi ko pala naisip kung anog condo ang iimbentuhin namin! Isip, Isip!
"Ahm, Mama sa D-Davao pa po yun." Sabi ko.
"Dumayo ka papala dito?" Tanong ni Mama. Pinanlakihan ko nang mata si Travis para sabihing 'Opo'
"Opo, Tita." Nakangiting sabi nya.
"Sinong nagbayad nang plane ticket mo? Diba your Dad get all your credit cards?"
Napalunok ako.
"M-Mama pinahiram po sya nila Brittany at Christine." Nakangiting sabi ko.
"Kung sa Davao pa yung Condo nya, Bakit nandito sya Kahapon at Nag-Mall pa kayo?"
Oo nga noh, Shocks! Kala ko Okay na si Mama tatadtarin pa pala ako ng mga tanong.
"Ma, Nung hapon po hinatid namin sya sa Airport, Hindi na po sya nagpaalam sa'yo kasi Four o'clock yung flight nya. Tsaka mabilis lang naman po yung Byahe." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Parallel Universe
FantasyDalawang tao, magkapareho nang panlabas na anyo pero magkaiba nang pang loob na ugali. Ikaw, alam mo ba na may kapareho kang mukha? Pero hindi sa mundong ito kundi sa kapareho nang mundo na ating ginagalawan. Welcome to the World! To the Parallel Un...