"Ayris P.O.V"
Kanina pa ako nakabusangot dito mula umaga. Nakakainis kasi si Travis! Ang tagal tagal nyang kumilos. Daig pa ang babae. Tch.
"Travis! Kapag ako talaga hindi na nakapagtimpi. Pupunta ka sa Second Dimension ng mag-isa!" Sigaw ko. Nasa CR palang si Travis. Mga isang oras na syang nandun at mukhang nagsasabon palang sya. Ang bilis nya diba. Tss.
"Patapos na ako! Wait lang. Ay shit, Yung mata ko!" Lalong bumusangot yung mukha ko. Siguro mga limang beses nya nang nasabi yung salitang 'Patapos na ako '.
"Bwisit." Nakaready na ako dito. Bihis na Bihis na! Tapos sya naliligo palang. Pero sabagay, Baka pagod sya kasi nag-igib sya ng tubig sa Kanto ang Subdivision. Eh kahit na din! Slave ko sya. Tsaka ang daya nga nya. Nagpatulong pa sya sa mga lalaki sa palengke.
--
"Ready kana ba?" Tanong nya. Binigyan ko sya nang Bored look.
"Oo, Sa sobrang ready ko. Hinintay pa kita nang dalawang oras at ngayon inaantok na ako. Nagdadalawang isip nga ako na baka dahil nga sobrang ready ko hindi na ako sumama sa iyo." Bored na sabi ko sa kanya. Dalawang oras ko syang hinintay para lang maligo at magbihis. Nakakain na din sya.
"Hehe, Sorry na. Oh gagawa na ako nang portal. Wait lang." Naexcite ako sa sinabi nyang Portal kaya mabilisan akong tumango.
Pinindot ni Travis yung Center nang Relo nya, Pagkatapos ay may lumabas na sobrang liwanag. Napapikit ako dahil sa pagkasilaw sa ilaw na nagmumula sa relo. Pagmulat ko nang mata ko ay mayroong Liwanag na nagmumula sa harapan ko. Mukhang ito na yug portal na sinasabi ni Travis kasi Base sa pagkakakita ko para itong Lagusan.
"Ready?" Tumango ako. Hinawakan ya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob nang portal at..
"Owwww!! Waaahh!!" Sobrang bilis nang pagkakagalaw. Para akong hinihigop pati ang kaluluwa ko. Gash! Hindi sinabi ni Travis na sobrang bilis ang pag ikot sa portal.
Pagkaraan nang Dalawang minuto--Oo Dalawang minuto lang. Dahil nga mabilis ang pagikot namin sa loob at mabilis ding tumatakbo ang oras.
Pagewang gewang ako at umiikot yung paningin kong Nilapitan at pinalo si Travis na tuwang tuwa na makita akong parang lasing.
"Sabi ko sayo Ayris wag ka masyadong uminom nang alak eh. Hahahaha." At talagang tuwang tuwa pa sya. Bwisit!
"Abnormal ka talagag Travis ka! Hindi mo naman sinabing nakakahilo pala sa loob nang portal. Edi sana nag Rocket nalang tayo."

BINABASA MO ANG
Parallel Universe
FantasyDalawang tao, magkapareho nang panlabas na anyo pero magkaiba nang pang loob na ugali. Ikaw, alam mo ba na may kapareho kang mukha? Pero hindi sa mundong ito kundi sa kapareho nang mundo na ating ginagalawan. Welcome to the World! To the Parallel Un...