Parallel 23

21 1 0
                                    

Ayris

Nagising ako nang nakaramdam ako nang pangangalay sa leeg ko. Ouch!



Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Travis na natutulog nang nakasandal sa sofa habang ako naman nakahiling ang ulo sa balikat nya.



Mastiff neck ata ako.



"Travis." Niyugyog ko ang balikat nya pero nakapikit parin sya. Hay! Eto nanaman tayo.



"Travis, Wake up." Hindi pa rin sya sumasagot. Nakapikit lang sya.



For the nth time pinagmasdan ko ulit ang mukha nya. Napakaguwapo nya. Atsaka ang puti nang balat nya.



Masasabi ko na kahit napaka presko, Napaka yabang, Napaka maasarin, Napaka nakakainis. Alam kong Mabait sya.. Hindi man napaka. Pero natatakpan nun ang nakakainis nyang ugali. Napangiti ako.




Siguro kapag umalis sya paniguradong malulungkot ako. Mamimiss ko yung kakulitan ni Travis. Yung napakamaasarin nya. Hindi na nga siguro mabubuo ang araw ko kapag hindi nya ako inaasar.



Meron kasi akong nararamdaman na kiliti kapag nakikita ko sya. Hindi lang dahil sa guwapo sya kasi gaya nga nang sabi ko..Sya si Travis. Hambog, mayabang, Mahangin.



Teka nga. Bakit ko ba naisip na aalis na sya. Hindi naman siguro...Hindi Pa.



Napaiwas ako nang tingin nang dumilat sya.




"Goodmorning." Nakangiting sabi nya.




"Walang maganda sa morning kapag ikaw agad ang kaharap ko." Umirap ako. Ginagawa ko'to kasi gusto kong asarin nya rin ako pabalik.



"Sungit. Kala mo naman napakaganda nyang view."



"Maganda talaga ako."



"Hindi ikaw. Yung T.V yung tinutukoy ko."

Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon