Parallel 2

116 1 0
                                    


Sinenyasan ako ni Haze na ilagay na ang research na ginawa namin sa upuan ni Anne.

Maaga kaming pumunta sa school para hindi ma-late at syempre para mabigay namin ang research na pinaghirapan naming kagabi para kay Anne. I'm sure na hindi na siya nakagawa dahil gabi na din ang shift ng trabaho niya base na din sa naabutan ko kagabi.

Nakakatawa na ayokong umaasa sa ibang tao ang isang tao. Pero sa ginagawa namin ni Haze, Kami mismo ang gumagawa ng paraan para matulungan si Anne. But still, I know na tama ang ginagawa namin.

"Summer, Punta muna tayo sa canteen." Binitbit ni Haze ang mga gamit niya. Tinanguan ko siya at niligpit na din ang mga gamit ko.

Habang naglalakad pababa ay binasag ni Haze ang katahimikan. "You know what, I admire you Summer."

Kumunot ang noo ko at nagtatakang tiningnan siya. Admire me? For what?

"Ha? Bakit?" Natatawang sabi ko dahil ang seryoso ni Haze ngayon.

Huminto siya sa paglalakad at ganon din ako. Diretso niya akog tinignan.

"Kasi, Kahit hindi mo close si Anne or kahit nga kausap. Hindi ka niya kinakausap. Pero gusto mo pa din siyang tulungan. I mean I don't have any problem with that. It's just that I admire you kasi kahit na hindi mo kakonekta ang isang tao. Bukal pa din sa loob mo ang tumulong." Nakangiting paliwang niya.

Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi ni Haze. Am I really a good person? O dahil may dahilan ako kaya naaawa ako sa mga tao sa paligid ko?

Hindi ko pinsan o kamag-anak si Haze. Frankly I am no connected with her. I'm her bestfriend yes. But there are no blood line between us. I treated her as my sister and my bestfriend.

Thankful ako na biniyayan ako ng isang Haze at tita Hailly. Bata pa lang ako wala na akong kinagisnan na magulang. All I know is nakita ako ni Tita Hailly sa tapat ng bahay nila at narinig niya ang pag-iyak ko bilang isang sanggol. Naawa si tita kaya naman kinukop niya ako.

Tita Hailly is rich. Kaya naman hindi siya nahirapan para kupkopin ako. Bilib nga ako eh. Kasi, That time sanggol pa lang din si Haze. Imagine, Dalawang sanggol ang inaalagaan mo.

At the age of 6 kinuha sa amin si Ttio hendrick. Nalungkot ako noon kasi katulad ni Tita Hailly, Sobrang bait din sa amin ni Tito Hendrick. Ni minsan hindi ila pinaramdam sa akin na hindi ako totoong anak. They treated us equally. Pero syempre, Alam ko ang limit ko.

Noong tumuntong ako ng highschool, Pinakiusapan ko si Tita Hailly na pag trabahuhin ako. Kahit part time-job lang pero ayaw ni tita. She even cried infront of me. Sinabi niya na hindi ba sapat ang mga bagay na binibigay niya. Nakakatawa na imbes na malungkot ay natawa ako sa inasta ni tita. That's Her. Iyakin at madrama at pinaparamdam niya ang pagmamahal ng isang magulang and that's why we loved her.

"Hey, Summer. Grabe ha antagal mong nag muni-muni. Nandito napo tayo sa canteen." Natatawang sabi ni Haze habang nakahalukipkip at nakataas ang kilay. Iling-Iling na napangiti naman ako.

"Anong order mo?" Tanong niya sa akin habang tumitingin sa menu sa harap ng counter.

"Tuna sandwich tsaka Tapa with fried rice." Sabi ko habang nakalagay ang kamay sa ilalim ng baba.

"Dinks..?" Ani Haze. "Pineapple Juice na lang." Dumukot ako ng isang daan sa wallet ko at naka-ambang ibibigay na kay Haze pero pinigilan niya ito.

"Ako na muna magbabayad. Ikaw na lang mamayang Tanghalian. Hanap ka na ng table natin." Binalik niya ang paningin sa counter habang nakahalukipkip na pumipila.

Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon