Destined To Love You ; 40

404 10 0
                                    

Chapter 40

Albert's POV

Nang makapasok kami sa bahay nila huminga ako ng malalim at sinabi sakin ni Thania na simulan ko na daw. 

Hindi ko naman kase alam kung pano....

" Ano ba ha? Magkwekwento ka ba o magkwekwento ka?" Napatitig na lang ako sakanya wala parin siyang pinagbago ang talak niya parin.

" Alam mo nung iniwan kita ganyan ka na eh lakas parin ng bibig mo wala ka man lang bang improvement?" Masyado kasing tahimik pinagagaan ko lang.

" Ang kapal mo rin no?! Dali ikwento mo na dahil nag aalala parin ako kay Althea." Hayy nasan na ba yung batang yin? Kasalanan ko to eh.

Huminga ako ng malalim at nagkwento.

"Noong una nagtaka ako kung bakit madalas akong mahilo laging sumasakit ang ulo ko. Pero nung tumagal mas lumala minsan nahihirapan akong mag salita minsan rin napapadalas ang pag suska ko kaya hindi na ako nagdalawang isip pa. Nag patingin ako sa Family Doctor natin dahil kahit papano nakaramdam ako ng kaba dahil sa mga nararamdaman ko." Tumigil muna ako at tiningnan siya mukha intersado nga siya kaya nag patuloy na lang ako.

"Yun nga nung nagpatingin ako madami silang ginawang test at ayun nga lumabas sa rsultang may brain tumor ako. Hindi ko alam kung pano ko iyon sasabihin sa inyo lalo na kay Clatice nung nalaman ko yun nasa stage 1 pa lang siya kaya sabi ng doctor pwepwede pa daw maagapan. Kaso hindi daw dito dahil mukhang hindi kaya ng mga doctor natin."

 

 

 

" Kaya rinecommend mila sakin na mag puntang ibang bansa at dun daw ako magpunta para daw kahit papano may chance na gumaling yung sakit ko isa pa walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ko nun dahil ooperahan nila ako. Kaya ayun nag desisyon akong magpanggap na may iba akong pamilya para maiwan ko kayo."

 

 

 

" Gago ka pala eh hindi naman ganon kakitid ang utak namin Albert napaka gago mo talaga." Sabi niya habang kunot noong nakatingin sakin.

'Alam ko pasensya naman tanga at gago ako eh. Yun nga nagpanggap akong may ibang pamilya para maiwan ko kayo dahil akala ko yun yung makakabuti sa ating lahat dahil akala ko kung gagawin ko yun kakalimutan niyo na ako para kung sakaling mamatay man ako dun hindi kayo maapektuhan. Isa pa wala namang kasiguraduhan na makakabalik pa ako dito pagkatapos ng operasyon nung mga panahon na iyon."

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon