Destined To Love You ; 48

331 11 5
                                    

Chapter 48 

Yan-yan's POV

"My dad died... Due to car accident at tingin nila kasalanan ko yun" Parang binibiak yung puso ko nung nasabe ko yan... Ang sakit parin...

"Tapos? What is the connection between the death of your dad to the things that's happening now.?" Takang tanong ni Eddie.

Oo nga ano nga bang connect ng pagkamatay ng tatay ko sa mga nangyayare ngayon? Ano nga bang kinalaman niya sa pag hihirap ko ngayon? Yun nga walang koneksyon lahat pero bakit ganun? Lahat dinudugtong ng pamilya ko sakin.... Napabuntong hininga na lang ako..

Mapagkakatiwalaan ko si Eddie kaibigan ko siya... Siya lang ang kaibigang meron ako kaya ikwekwento ko to sakanya...

~Flashback

My life isn't perfect it has a lot of imperfections..

Wala na ang mommy ko... yung tunay kong mommy wala na

Iisa na lang ang magulang ko ang Daddy ko... Oo may mommy ako pero hindi tunay. Oo may Ate ako pero half sister lang....

In short anak ako sa labas. Noong una isang sikreto lang ako... Noong una isang pagkakamali lang ako isang pagkakamaling hindi inaasahan....

Hanggang sa mamatay yung tunay kong nanay noong 1st year high school ako. Hindi mahal ni Daddy ang tunay kong nanay magkaibigan lang sila.. Hanggang sa nangyare ang isang gabing pagkakamali... Pagkakamali na nabuo ako..

Noong una dinadalaw dalaw lang ako ni Daddy.. Binibigyan ng regalo at sustento pinapasyal at kung ano ano pang ginagawa ng isang ama sa anak nila. Ang kaibahan nga lang pinupuntahan niya ko ng palihim walang pwedeng maka alam at hindi ko siya pwedeng makasama sa iisang bahay dahil may pamilya siya. Isang pamilyang minamahal niya...

Simula bata ako ganyan ang ayos namin. Tuwing sabado niya lang ako pinupuntahan.. At since bata pa ko nun naiinggit ako... Naiingit ako sa ibang bata. Sa ibang batang may kumpletong pamilya. Napaisip ako nun. ' Ako kaya? Kelan ako magkakaroon ng buong pamilya? Hindi yung ganto. Puro tago lang.. Lahat lihim hindi ko siya pwedeng makasama kelan kaya ako makakaranas ng buong pamilya katulad ng iba?'

Yan yung naisip ko nun. Hindi kami mayaman ng tunay kong mommy. Tama lang sapat lang para mapakain ako at mapag aral tyaka kaya naman kasi sinusustentuhan ako ng daddy ko. Mayaman kasi ang daddy ko eh...

Pero kahit nga ganto yung buhay ko.. Kahit isa lamang ako produkto ng isang napaka laking pagkakamali. Mahal ako ng mommy ko at hindi ako tinuturing na pagkakamali ng daddy ko.. Hindi man nila mahal ang isat isa sinusuportahan nila ako kahit patago lang.

At ang Daddy ko? Hindi siya nawala sa mga importanteng events sa buhay ko katulad na lang ng mga school activities pag nakakasali ako ng mga quiz bee o kung ano ano pang contest lagi siyang andun sumusoporta sakin kaya naisip ko.. 'Hindi ko na kailangan ng buong pamilya... Kasi kahit lahat patago nararamdaman ko namang mahal nila ko..'

Hanggang sa grumaduate ako. Grumaduate ako ng Elementary. First Year high school na ako. Mahal ako ng mga kaklase ko.. Madami akong kaibigan.. Lahat gusto akong maging magkaibigan dahil masiyahin.friendly at matalino daw ako.

Masaya ako kasi marami akong kaibigan. Masaya ako kasi maraming nagmamahal sakin. Masaya ako kasi kahit isang pagkakamali lang ako madami nang nagmamahal sakin kaya wala na akong mahihiling pa noong mga panahon na yun.

Hanggang sa isang araw umuwi ako ng bahay napaka lakas ng ulan may bagyo ata?... Walang tao wala si Mama nagtaka ako nun kasi ang alam ko hindi naman un naalis ng bahay lalo na pag week days baka may binili lang siya pero bat naman un aalis? Eh ang lakas ng ulan?

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon