Destined To Love You ; 47

312 13 3
                                    

Chapter 47 

Yan-yan's POV

Hi. I think hindi ko pa  naiintroduce ang sarili ko hahaha. My name is Yanessa Ayra Salavador 17 years old 4th year student.

"Wag kase mabilis baka ma out of balance ka."Sabi ni Eddie na kakaturo lang saking mag bike hahaha.

"Hindi yan magaling yung teacher ko!" Hindi kase ako marunong mag bike since wala akong kaibigan walang mag tuturo sakin. Bute ngayon I have one he's nice pa.

"Ewan ko sayo tara nga kain na muna tayo!" Sabi niya bumaba naman ako dun sa bike at siya naman yung sumakay I-aangkas niya daw ako.

"San tayo kakain?" Tanong ko kase hindi ko alam kung san papunta yung bike palabas na ng subdivision nila eh. Pagkatapos kase ng class nagkita kami nag promise kase siyang tuturuan niya ko'ng mag bike kaya dun kami sa subdivission nila malawak kasi.

"Diyan lang sa may 711. Malapit na yun, Diyan lang paglabas." Sabi niya.

"Okay "Yun lang yung nasabe ko at tumingin na ulit sa daan. Ang sarap palang umangkas. Hahahaha.Natanaw ko na yung 711 na sinasabi niya at ayun tinabi niya yung bike at kinadena baka daw kasi manakaw hahaha.

Kaso pag tingin ko sa loob. May mga kaklase ako ayokong pumasok.. Huhusgahan nanaman nila ako Mga Mean girls sila na lagi akong binubully sila ang mga unang taong nanghusga sakin sa school na yun.

"Tara na." Sabay hawak ni Eddie sa braso ko pero hinigit ko siya.

"Hindi ba pwedeng sa iba na lang?"Sabi ko habang hinahatak yung polo niya paalis Nagtaka si Eddie Pero ako napatingin ako dun sa loob nakatingin sila dito lagot nakita nila ako.

"Dahil ba sakanila.?"Napatungo na lang ako at tumango binitawan ko na ang pagkakahawak ko sa polo niya at tumungo na lang.

"Akong bahala sayo." Ano d-daw? Siya ang bahala sakin? Hinatak na niya ko papasok. At narinig ko nanaman ang bulungan ng tatlo kong kaklase.

"Omhaygosh! Nakikita niyo ba yan Rachelle? May nabiktima nanaman si Social Climber.Hahaha."Sabay tawa ni Mitch.

"Yeah right may nabiktima nga siya isa pa si Eddie Jimenez yan,Gimayuma siguro."Napatingin ako kay Eddie tumitingin lang siya ng chocolates dun hindi niya pinapansin yung mga babae hinawakan niya lang yung kamay ko para wag daw akong kabahan.

"That girl is such a flirt no? Social Climber na nga Gold Digger pa.Hahaha."Napatungo na lang ako sa mga sinasabi nila. Pero nakita kong papalapit sila sakin kumakain sila ng Sundae eh.

"Hi Yan! Ang landi mo naman." Sabi ni Rachelle na mistulang leader ng groupo nila sinasabi niya yan habang naka smile. Ang ganda naman ata ng bati niya sakin  -__-

"Tigilan niyo siya. Wala siyang ginagawa sa inyo!" Sabi ni Eddie nagulat naman ako dun kasi mukhang galit na galit siya. Mas napa higpit yung hawak niya sakin at yung ibang tao sa loob pinag titinginan na rin kami.

"Bakit ka ano ano mo ba siya? Hindi ka bagay sa mga babaeng katulad niya! Gold Digger! Malandi! Social Climber! "Napaiyak na ako dun okay lang naman sakin na laitin nila ako eh wag lang nila akong ipapahiya sa harap ng maraming tao... Sobra naman ata yun.

"At kanino ako nababagay? Sa mga babaeng katulad niyo? Sa mga babaeng kung makapag lagay ng make-up akala mo rarampa. Isa kung makapag salita kayo napaka kapal kasing kapal ng make-up na nilalagay niyo sa mga mukha niyo.Mas ayos ng maging simple kaysa mag mukhang clown. At Kung ako sainyo aalis na ako bago pa may magawa akong masama sainyo baka makalimutan kong babae kayo." Sabi ni Eddie na kumuha ng panyo sa bulsa niya at binigay sakin.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon