Chapter 41
Thea's POV
February 14, 20**
Nandito ako ngayon sa open field, mamayang gabi na pala yung Valentines Ball ngayon yung mga fun booths. Nandito ako kase out of place lang ako dun sa mga lovers sa loob ng school. May ibang tao dito iilan lang puro lovers pa! Hmp!
Hindi ako bitter no naawa lang ako sa sarili ko dahil hindi ko mahagilap yung mga kaibigan ko hahaha! Tapos ang sakit sa mata alam niyo yun? Yung puro mag kayakap at holding hands yung mga tao sa paligid mo. Yayakapin ko na lang tong punong nag sisilbing lilim ko.
I know this past few days masyadong madrama ang aking buhay pero ano nga bang magagawa ko? Maikli lang ang buhay no kaya pag lumalabas ako ng bahay nagpapakasaya ako. Sa bahay na lang ako mag kukulong ulit.
Sa totoo lang ayoko talaga ng araw na to masyado akong Op bakit ba naman kase kailangan puro lovers ung nasa paligid ko? Grabe naman! Nandiyan yung si girl may hawak na rose may hawak na chocolate at Bear. Ayan naman si boy may hawak na bouquet, rose, chocolates and whatever para sa mga Girlfriends nila!
Oo na innggit na ko! Hindi dahil sila may love life ako wala.. Pero dahil sa...
Sa mga chocolates nila! Huhuhuhu ferrero!
Pag may nagbigay lang sakin! Okay na kahit sino pang mag jowa ang iharap nila sakin hindi na ako mag iinarte o maiinggit kase may ferrero. Bute nga hindi ako pinagbantay dun sa booth namin eh. Iba na lang daw mag babantay ang ganda daw kase ng design namin!
"Hoy! Bat parang pinag bagsakan ng langit at lupa yang mukha mo?" Sabi ni Eddie na umupo sa tabi ko naka indian seat lang kami dito sa ilalim ng puno.
"Eh kaseeeeee. Gusto kong ferrero! *pouts*" Tinawanan niya lang ako.
"Kala ko naman naiingit ka na kase puro lovers yung nandito. Hahaha your wish is my command!" Sabay pakita niya sakin ng ferrero na nasa isang box OMG!
"Grabe! Hulog ka ng langit! Bat ngayon ka lang?! Bwiset ka! Hahahaha! Oh well alam mo naman diba?" Alam naman niyang ayokong umasa siya.
"Oo na alam ko yun. Pero kung ayaw mo ng ferrero akin na lang din to. Ikaw na binibigyan nag iisip ka pa grabe ka naman!" Umakto siyang ilalayo yung box ng ferrero hinablot ko naman agad grabe mukha kaming bata dito.
"Oo na sorry na! Hindi ko to tatanggihan ito lang ang karamay ko ngayon! Hahaha" Binigay naman niya sakin at tinago ko na sa bag ko aba! Baka mag kabawian pa kame!
"Uy alam mo na plano mamaya diba?" Yup plano para sa secret admirer ni Elise na ngayon daw magpapakita.
"Oo alam ko hahaha kiligmats nga ako nung nakilala ko eh. Sarap batukan ang daming alam ahahaha! Anong oras nga pala?"
"Mga four siguro okaya maaga pa dun alam mo naman yun sobrang excited" nagkatinginan lang kame at sabay tumawa.
"Hahaha." May nakita kaming palapit second year or firsst year siguro to may mga hawak silang blindfolds.
"Hi Ate! Hi Kuya! Ako nga po pala si Diana tyaka siya naman po si Grace!" Pag papakilala niya dun sa kasama niya.
"Ate naka violet po kayong bag. Kaya sasama po kayo samin"Sabi nung Grace daw ba yun teka oh ano naman kung ganun ang bag ko?
"Huh? Krimen na ba ang pag dadala ng violet na bag?" Tinawanan lang nila ako pati ni Eddie
"Hindi po ate nakalagay po kasi sa listahan namin. ~Look for a person with a violet bag. Ikaw po ang una naming nakita kaya sasama po kayo sa booth namin." Booth thingy lang pala to eh.
BINABASA MO ANG
Destined To Love You
Fiksi RemajaTwo person looking for their one true love. And thinking if they can love without any fear again.Both of them had loved and failed for the frist time they have loved. Now, they are scared to love again. Will they find true love to each other? or let...