[ c h a p t e r t w e n t y - t h r e e ]
Ngayon na ang araw ng competition.
Kaya naman abalang-abala na ang lahat sa paghahanda dahil ilang oras nalang ang natitira bago magsimula ang event. Kanina habang papasok ako ay marami na akong nakasalubong na suot na ang mga costumes nila. I got amused looking at students wearing princess costumes like Cinderella and Snow White, pero mas natuwa ako sa isang Grade 7 student na nakasalubong ko kanina na na nakasuot ng Rapunzel costume. Halos lahat ng nadadaanan niya napapalingon sa kanya at sa bitbit niyang napakahabang wig.
Three hours nalang ang natitira bago ang official start ng parade. Ang unang planosana ay sila Lindsey at Keisha ang mag-aayos sa'kin pero dahil nga F.O. kami ng barkada ngayon, nag-presinta ang buong Girls' Football Team na tulungan akong mag-ayos. Hindi naman ako tumanggi kasi alam kong hindi ko rin kakayanin mag-isa dahil hindi ako ganon kagaling pagdating sa paglalagay ng make-up.
Medyo na-late pa ako ng gising kanina kaya naman nagmamadali na ako ngayon dahil kanina pa sila naghihintay sa'kin. Habang patungo ng Vesant Building ay sinusubukan kong tawagan si Aya dahil ilang araw na rin kaming hindi nakakapag-usap. I just want to check up on her. Tatanungin ko na rin siya kung may balak ba siyang magpunta sa event. Pangatlong subok ko na 'to kaya naman napangiti ako nang sa wakas ay sagutin na niya ang tawag. "Hi, Denden. What's up?" Masigla niyang bati. "Sorry, my phone was on silent kaya hindi ko narinig 'yung mga tawag mo."
I told her it's ok. "Pupunta ka ba?" Tanong ko sa kanya pagkatapos. "Ngayon na 'yung competiton." I'm hoping she would say yes. Sayang naman kasi kung hindi siya makakanood. Minsan lang kaya ako maging muse.
Hindi agad siya sumagot. There was a long pause followed by ruffled sounds na para bang may ginagawa siya. After another few seconds of silence, I finally heard her exhale a breath. "Sorry, Denden. As much as I want to go, I can't kasi ang dami ko pang ginagawa."
Pagdating sa building ay tinulak ko ang pintuan gamit ang katawan ko dahil puno ang mga kamay ko. "Ganon ba?" Napasimangot ako sa narinig. "Sayang naman."
"Don't sound so sad. I'm sure you'll enjoy the event. Nandiyan naman 'yung other friends mo." Sagot niya kaya naman bigla kong naalala na hindi ko pa pala nasasabi sa kanya ang nangyari sa'min ng barkada. Well, it's not like I was planning to in the first place dahil sigurado akong mas lalo lang siyang mag-aalala kapag nalaman niya na siya ang dahilan kung bakit kami nag-away ng mga kaibigan ko. "You'll have fun without me." She adds with a laugh.

BINABASA MO ANG
Don't Look Back (A Depression Awareness Story) [Revising]
Teen Fiction[ 𝙼𝚎𝚗𝚝𝚊𝚕 𝙷𝚎𝚊𝚕𝚝𝚑 𝙰𝚠𝚊𝚛𝚎𝚗𝚎𝚜𝚜 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 #𝟷 ] 𝐆𝐄𝐍𝐑𝐄: 𝘛𝘦𝘦𝘯 𝘍𝘪𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯 𝐋𝐀𝐍𝐆𝐔𝐀𝐆𝐄: 𝘍𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘰 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐔𝐒: 𝘊𝘰𝘮𝘱𝘭𝘦𝘵𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘤𝘶𝘳𝘳𝘦𝘯𝘵𝘭𝘺 𝘶𝘯𝘥𝘦𝘳 𝘳𝘦𝘷𝘪𝘴𝘪𝘰𝘯 « This novel is under c...