𝖘𝖊𝖛𝖊𝖓𝖙𝖊𝖊𝖓

923 34 5
                                    



[ c h a p t e r    s e v e n t e e n ]


Kinabukasan pagkatapos muling bumisita sa beach ay napagpasyahan na rin namin na umuwi. We also made sure to take some pictures to serve as memories dahil hindi namin alam kung kailan pa ulit kami makakapunta doon. Aya dropped me off pero hindi na siya pumasok sa bahay dahil may kailangan pa daw siyang puntahan. Gusto ko sana i-upload sa Facebook 'yung pictures namin pero nagkataon naman nawalan pa kami ng Wi-Fi. Panira.



I just slept for the whole day—regaining the energy I lost from that long travel. December 29, nakipagkita ako kila Lindsey para bumili ng costume ko sa contest sa January 14. Sabi nila umalis rin daw ang boys para bumili ng costume ni Gino pero dahil gusto nila na may element of surprise ay napagpasyahan nilang paghiwalayin kami sa pagbili. "Seriously, guys. Saan tayo maghahanap ng costume ni Kim Possible?" Tanong ko sa dalawang bruha—Keisha and Lindsey—habang sinusundan sila paakyat ng public bus. Malay ko ba sa dalawang 'to kung bakit hindi nalang kami mag-Grab papunta sa pupuntahan namin.



"Basta. Sumunod ka nalang." Sagot ni Keisha at pinaupo ako sa seat malapit sa bintana at siya ang naupo sa tabi ko habang si Lindsey ay sa kabilang side naupo dahil pang-dalawahan lang ang upuan.



"Oo nga. Maniwala ka nalang sa powers namin, Denden!" She says with a grin bago nagsaksak ng earphones sa magkabilaan niyang tenga.



Napabuntong hininga na lamang ako. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana at pinanood ang mga taong nag-uunahang makasakay sa mga tumitigil na bus na akala mo'y isa itong paligsahan at may premyo ang mauuna. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga ito. Hindi ko naman matawagan o ma-text si Gino dahil kinuha nila ang phone ko. Alam daw kasi nila na ite-text ko 'yon at itatanong kung nasaan sila. They weren't wrong though. Balak ko pa sana sabihin sa kanya na kini-kidnap ako nitong dalawa at ibigay ang address ng pupuntahan namin para puntahan niya ako.



Sa tagal ng byahe namin ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako na inaalog ni Keisha na halatang bagong-gising din tulad ko. "Gosh. You guys are such sleepy-heads!" Pairap na saad ni Lindsey habang hinihila kami patayo sabay tulak pababa ng bus kasunod ng iba pang mga pasahero na nagbabaaan din. 



Pagkababa ng bus ay sinalubong agad ako ng napakaraming tao na parang mga langgam na nagtipon-tipon. Napaka-ingay ng paligid. Para akong nasa isang palengke—except hindi isda o karne ang binebenta nila kun'di mga bags, damit, sapatos, at iba pang mga gamit na alam kong mura lang ang presyo. "Welcome to Divisoria—a place where you can find everything you need!" Masayang sambit ni Lindsey na akala mo'y endorser ng lugar.

Don't Look Back (A Depression Awareness Story) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon