𝕺𝖓𝖊

5K 93 29
                                    


【chapter one】



Monday will always be the worst day of the week for me.



I mean, seriously, why does this day even exists? Hindi ba pwedeng pagkatapos ng Sunday ay Tuesday na agad? Pakiramdam ko kasi ay ako lang 'yung palaging nagca-cram tuwing Monday, but can you even blame me? Kasalanan ko ba na masarap talagang mag-relax tuwing weekends at kapag Sunday night na ay tinatamad na akong gumawa ng mga schoolworks ko?



"Hija, bilisan mo diyan kumain at mala-late ka na!" Pumasok si Manang Flor sa Dining Room nang may hawak na spatula sa kaliwang kamay para muli akong paalalahanan na kailangan ko nang bilisan kumilos. She's our house helper and since inaalagaan na niya ako simula bata pa, she's almost like a mother to me. "Oh, hindi mo pa rin nagagalaw itong pagkain mo?" Tanong niya nang makita 'yung plato sa harap ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin bawas ang laman na pagkain.



I've been sitting here for almost an hour now, but I still haven't touched my breakfast.



"Wait lang, 'nang. Tatapusin ko lang po ito." Sagot ko nang hindi siya tinitignan dahil nakatuon ang atensyon ko sa nakabuklat na libro sa harap ko. Alam kong konti nalang ang oras na natitira kaya naman mas binilisan ko pa ang pagsusulat. Wala na akong pakialam kung mababasa pa ba 'to o hindi. Bahala na. Nakakainis naman kasi! Aasenso ba ako sa buhay kapag natuto akong mag-determine ng probability kung ilang itim na bola ang mapipili sa isang random selection?



"Ikaw naman kasi! Hindi ba't sinabihan na kita kahapon na tapusin na ang lahat ng homework mo?" Sermon niya sa'kin.



"Pero kagabi 'yung season finale ng Stranger Things, 'nang! Syempre papanoorin ko 'yon!" Aksidente akong napamura sa inis nang makita na mali ang solvings ko dahilan para agad akong sawayin ni Manang Flor na mahinang hinampas ang bibig ko habang pinandidilatan ako.



I decided to just give up. Padabog kong sinara ang notebook ko bago napabuga ng hininga. I really can't understand the point of all of this. I'm an ABM student who's planning to take up Accountancy next school year. Anong kinalaman ng Statistics and Probability sa plano ko sa buhay?



Kumain na lamang ako ng breakfast habang si Manang Flor ay napagpasyahang ayusin nalang ang bag ko para sa'kin. Alam niya kasi na hindi na ulit ako pwedeng ma-late ngayon dahil paniguradong tatawagan na ng DO si Daddy and I obviously don't want that to happen unless gusto kong mamatay nang maaga. "Nilagay ko na sa loob ng bag mo ang Strawberry Milk, hija." Rinig kong sambit niya na ngayon ay school shoes ko na ang hinahanda. Oh gosh. I'm really thankful that she's here.



Tinanguan ko siya bago sinubo ang huling piraso ng bacon na kinakain ko. "Thank you talaga, 'nang!" Pagkalunok ay tsaka ko naman inubos 'yung gatas na tinimpla niya sa'kin kanina tapos ay pinunasan ang bibig ko, kinuha ang school bag ko sa couch, at tsaka nagsuot ng sapatos. "Aalis na po ako!" Nagmamadali kong sigaw pagkatapos habang palabas ng bahay.

Don't Look Back (A Depression Awareness Story) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon