Thirty-Five

911 32 2
                                    




[ CHAPTER 35 ]


I felt like a stranger in my own life. All these years, pinaniwala ko ang sarili ko na ako ang nag-iisang tao dito sa mundo na kilalang-kilala si Aya; na ako ang nag-iisang taong alam at naiintindihan ang mga pinagdadaanan niya. I've never felt so wrong in my whole life. I feel betrayed. I feel stupid. I don't know what to feel anymore.



As I lie on my bed, I tried imagining Aya going through all of those things. I try to imagine her sitting on a chair, talking to someone about her feelings but not entirely telling all of it because she's too scared to become vulnerable. I try to imagine her on the floor, attempting to kill herself and then hating life for stopping her after giving her a lot of shits.



Hindi ko na alam ang dapat gawin. Nasagot na ang mga tanong ko at dapat payapa na ang loob ko. Dapat magagawa ko nang maka-move on sa pagkamatay niya pero parang mas lalo lang dumagdag ang sama ng loob ko sa mga nalaman. Parang mas lalong hindi natahimik ang kaluluwa ko. Is this really the aftermath of a suicide grief?



I was so lost in my own thoughts that I forgot to sleep. Umaga na at sumikat na ang araw. Pinikit ko ang mata ko at sinubukang matulog pero kahit anong gawin ko ay ayaw ako dalawin ng antok. Pagod ako pero parang tinatanggihan ako ng tulog. Kaya naman bumangon na lamang ako at nagpunta sa baba para magtimpla ng kape. I didn't even bother to check myself in the mirror. I know—and I'm sure—that I look like a terrible mess. "Can't sleep?" Tanong ni Tita Venus nang pumasok siya sa kusina at makita akong nakaupo sa harap nito habang nakatitig sa baso ng kape sa harap ko.



She poured herself a drink as I nod before answering yes. Pagtapos magsalin ng kape sa isang tasa ay naupo siya sa harap ko at sinamahan akong titigan ang mga kape namin. "Aya had her reasons..." Rinig kong bulong niya. "May rason kung bakit hindi niya sinabi sa'yo ang mga nangyari sa kanya dito." The way she said it, it's like alam na alam niya kung ano ang tumatakbo sa isip ko.



Hindi ako sumagot. I wanted to believe that there is a reason, but I want to know what the reason is. I want to know why. I want to understand why.



"Alam mo, hija. Ang akala ko talaga ay magaling na si Aya. Matagal-tagal din siyang nag-therapy kaya naman naisip ko na hindi na niya ulit tatangkain na patayin ang sarili niya. Nang lumayas siya, pinilit kong 'wag magalit. Sinabi ko sa sarili ko na kaya siya umalis ay dahil gusto niyang magsimula ulit ng bagong buhay at hindi sinabi sa'min dahil ayaw na niyang balikan ang lahat ng nangyari sa kanya dito.

"Matalino si Aya. Alam niya ang dapat gawin sa bawat sitwasyon. Pero hindi lahat ng malalakas na tao ay palaging malakas, Denise. Dadating at dadating ang punto sa buhay nila kung saan magiging mahina sila at matatalo. Some win the battle, others don't." Tumingala si Tita Venus at nginitian ako nang malungkot. "Sa tingin mo? Nanalo ba si Aya?"



She didn't get an answer from me and she looked like she wasn't expecting an answer—for now, at least.



Hindi na ulit kami nag-usap at tahimik na lamang ininom ang mga kape namin. Pagkatapos ng isa pang mahigpit na yakap, pinaakyat niya ako sa taas para ayusin ang mga gamit ko.









I had to leave early since kailangan ko pang bumyahe papuntang Nagoya. Hanggang sa station lang ako hinatid ni Tita dahil may trabaho pa siya, pero nangako siya sa'kin na pupunta siya sa Pilipinas—maybe next week or next month—para bisitahin ang puntod ni Aya. Puntod... it's so funny hearing that from myself.



"Magiging okay ang lahat, Denise. Balang-araw ay maiintindihan mo din kung bakit 'yon ang pinili ni Aya na gawin. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na magmove-on. Take your time, hija. It's okay to feel angry, but don't hold onto it. Okay?" Hinawakan ni Tita ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako sa noo.



Don't Look Back (A Depression Awareness Story) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon