[ c h a p t e r e i g h t e e n ]
Holiday break ended too fast. Pakiramdam ko ay lumipas lang ang Christmas at New Year. Two weeks of getting as much sleep as I want felt like two days. The next thing I know ay nakahalumbaba nanaman ako sa desk ko habang tulalang tinitignan si Sir Nat sa harap. Bakit ba kasi dalawang linggo lang ang break? Hindi ba pwedeng 1 month 'yung holidays?
"Welcome back, Pilots!" Nakangiti niyang bati pagkatapos mag-attendance checking. He got nothing but groans in return dahil lahat kami ay bitin na bitin sa bakasyon at ayaw tanggapin na balik-eskwela nanaman kami.
"Oh god. I should've stayed home." Rinig kong bulong ni Lindsey na tulad ko ay parang gusto nalang din mag-teleport pabalik ng bahay niya.
"Parang wala pang energy ang lahat, ah?" Nilibot ni Sir Nat ang paningin sa buong klase at hindi ko siya masisisi kung natawa siya sa mga hitsura namin. Para kaming pinagsakluban ng langit at lupa. Halos lahat ay nakahalumbaba lang o nakahiga ang ulo sa desk. 'Yung mga maiingay nga tulad nung dalawang patay-gutom sa barkada ay on-hold muna ang mga bunganga. "Magbibigay pa sana ako ng welcome-back quiz pero 'wag nalang muna dahil baka puro itlog ang ibigay niyo sa'kin."
Tignan mo 'tong si Sir, kitang kababalik lang namin galing ng bakasyon tapos binalak pang magbigay ng quiz. Tao ba 'to?
"Anyway, Ms. Zuniga and Mr. Castañeda?"
"Yes, sir?" Tanong ko at napaayos ng upo. Hindi ko narinig na sumagot si Gino kaya naman saglit akong lumingon sa direksyon niya at nang makita siyang natutulog na sa kanyang desk ay mahina ko siyang sinipa. "Huy, tawag tayo ni Sir."
"Huh?" Bumangon siya at kunot-noong tinignan si Sir Nat na natawa na lamang. "Bakit, sir?"
"Kamusta na ang costumes niyo para sa competition?"
"Buhay pa naman po." Inaantok niyang sagot habang nagkukusot ng mata kaya naman nagtawanan ang mga kaklase namin.

BINABASA MO ANG
Don't Look Back (A Depression Awareness Story) [Revising]
Fiksi Remaja[ 𝙼𝚎𝚗𝚝𝚊𝚕 𝙷𝚎𝚊𝚕𝚝𝚑 𝙰𝚠𝚊𝚛𝚎𝚗𝚎𝚜𝚜 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 #𝟷 ] 𝐆𝐄𝐍𝐑𝐄: 𝘛𝘦𝘦𝘯 𝘍𝘪𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯 𝐋𝐀𝐍𝐆𝐔𝐀𝐆𝐄: 𝘍𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘰 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐔𝐒: 𝘊𝘰𝘮𝘱𝘭𝘦𝘵𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘤𝘶𝘳𝘳𝘦𝘯𝘵𝘭𝘺 𝘶𝘯𝘥𝘦𝘳 𝘳𝘦𝘷𝘪𝘴𝘪𝘰𝘯 « This novel is under c...