[ CHAPTER 33 ]Nagsimulang umandar ang mga kotseng nakahinto at bago pa siya mabangga ng mga ito ay hinawakan ko na siya sa braso at hinila papunta sa gilid. Agad siyang nabalik sa katinuan na para bang hindi niya alam ang mga nangyari. "Baliw ka ba?!" Sigaw ko sa kanya—not even minding if he understands me or not. But by the way he looked at me, mukhang Pilipino din siya at naiintindihan niya ang sinabi ko. I press further. "You do know that suicide is not the answer, right?"
Matagal niya akong tinitigan—at muntikan ko nang isipin na baka mali ako ng akala at hindi niya talaga ako naiintindihan—pero maya-maya'y napasapo siya ng ulo. "S-Sorry... nawala ako sa sarili." Lutang niya pa din na sagot habang hawak ang ulo.
Nakahinga ako ng maluwag nang malaman na hindi niya pala sinasadya na tumayo sa gitna ng daanan at magpakamatay. At least he's not depressed like I thought he was. "Sa susunod, siguraduhin mong hindi ka na mags-space out sa gitna ng daanan. 'Wag mo nang dagdagan ang bilang ng mga taong nagpapakamatay." I said, my tone coming out as bitter without me meaning to.
Tinignan niya ako pero hindi na ako muling nagsalita at tinalikuran na siya. I didn't bother asking for his name or asking him what his problem is. Nagpara ako ng taxi at sumakay dito habang siya ay pinanood lang ang taxi umandar papalayo.
~*~
Tuluyan nang nawala ang isip ko sa lalaki kanina nang makarating ako sa hotel. Pagpasok sa loob ng hotel room ko ay hindi na ako nag-abalang magpalit at agad ibinagsak ang sarili sa kama. Nakipagtitigan ako sa kisame ng mga ilang segundo at tsaka bumangon. Inabot ko ang backpack kong nasa sahig at binuksan ito. I take out the notebook and placed it on my lap. I stare at it, fighting with myself whether to open it or not.
Huminga ako nang sobrang lalim. Inipon ko ang lahat ng lakas na mahahanap ko sa sistema ko at pagkatapos ay tsaka ko na binuklat ang notebook.
A lettering of the words Property of Aya greeted me as soon as I turn on the first page. It was designed by various kind of flower drawings—all colored by a black ink.
The next few pages were empty ones. There were also signs of pages ripped. Maybe five or seven. Nakailang lipat pa ako bago ako tuluyang mapunta sa isang page kung saan may sulat ni Aya, although it wasn't entirely words. It was just this messed-up pen strokes. Nilipat ko ang page at ganun din ang sumunod, at ang sumunod, at ang sumunod.
I expected this notebook to be filled with words—considering Aya's love for deep words with deep meanings—not these messy scribbles. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya habang sinusulatan niya ang notebook na 'to.
Was she losing hope when she was doing these? Was she feeling suicidal?
Malapit na akong mawalan ng pag-asa na may mahahanap akong clue sa notebook na 'to. Baka ginawa lang itong stress reliever ni Aya o kaya pantanggal ng pagka-bored niya sa classroom. Isasara ko na sana ang notebook nang aksidente ko mailipat papunta sa huling page at halos tumalon ang puso ko nang makita ang mga salita. It's only six words but it can have a lot of meanings.
I know you'll eventually find this.
~*~
Nag-check out ako sa hotel kinabukasan at muling bumyahe papuntang Komaki-Shi. This time, nang makarating ako sa station ay nandoon si Tita Venus at naghihintay sa'kin. Napagpasyahan namin na kumain muna ng tanghalian bago dumiretso sa bahay. We settled for McDonald's.

BINABASA MO ANG
Don't Look Back (A Depression Awareness Story) [Revising]
Novela Juvenil[ 𝙼𝚎𝚗𝚝𝚊𝚕 𝙷𝚎𝚊𝚕𝚝𝚑 𝙰𝚠𝚊𝚛𝚎𝚗𝚎𝚜𝚜 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 #𝟷 ] 𝐆𝐄𝐍𝐑𝐄: 𝘛𝘦𝘦𝘯 𝘍𝘪𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯 𝐋𝐀𝐍𝐆𝐔𝐀𝐆𝐄: 𝘍𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘰 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐔𝐒: 𝘊𝘰𝘮𝘱𝘭𝘦𝘵𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘤𝘶𝘳𝘳𝘦𝘯𝘵𝘭𝘺 𝘶𝘯𝘥𝘦𝘳 𝘳𝘦𝘷𝘪𝘴𝘪𝘰𝘯 « This novel is under c...