𝖋𝖎𝖛𝖊

1.4K 41 3
                                    


【chapter five】


"Hay, nakakapagod! Parang bibigay na 'yung buong legs ko!" Reklamo ni Clara bago napabuga ng hininga.



"Seryoso talaga si Coach na kailangan natin manalo." Natatawa kong sagot habang hinihilot ang kaliwang balikat ko. Saglit kong inikot ang paningin sa paligid habang naglalakad kami palabas at nakitang halos wala nang tao sa paligid. Not surprising. It's 45 minutes past 8 at 9:30 nagsasara ang campus. Everybody has gone home. Kaming mga football varsities nalang ang natitirang estudyante dito dahil nag-overtime kami sa practice. "But we can't blame him dahil gusto niya talagang mabawi 'yung huling talo natin."



Coach Benji is a competitive man. Although he doesn't pressure us to win, he also doesn't accept bare minimum. He wants his players to always do their best and to give their everything in every meets and competitions. The last meet that we had was one of our few losses at medyo hindi 'yon natanggap ni Coach dahil para sa kanya ay hindi namin binigay ang best namin nung oras na 'yon.



"Yes, but technically, si Ate Klaire naman talaga 'yung may kasalanan kung bakit naapektuhan 'yung laro natin." Pairap na sagot ni Clara habang sinasabayan akong maglakad palabas ng campus.



Parehas lang ang daan namin papuntang bahay kaya naman nagsabay nalang kami dahil gabi na rin at delikado nang umuwi mag-isa. Actually dapat susunduin ako ni Gino nung nalaman niya na gabi na natapos ang training namin pero pinilit ko siyang 'wag na dahil ayoko naman na gumastos pa siya ng pamasahe para lang mahatid ako. Ang layo-layo kaya ng bahay nila dito sa school. At least 'yung sa'kin walking distance lang.



"Well, the worst already happened and it's not like may magagawa pa tayo doon." Ate Klaire used to be one of the forwards of the team and during that meet ay injured siya pero hindi niya sinabi kay Coach Benji dahil natakot siya na baka hindi siya payagang maglaro. I guess she undermined the severity of her sprain dahil sa kalagitnaan ng game ay biglang nag-collapse ang kanan niyang paa at kinailangan siyang itakbo sa ospital. Na-stress si Coach sa nangyari at sa'min niya nalabas 'yon kaya naman hindi na rin naging maayos ang laro namin sa buong game. Ate Klaire was forced to leave the team because her right foot was paralyzed and since her parents thought na pinilit siyang paglaruin despite the injury, Coach Benji got blamed and even almost lost his job. I guess that's why hanggang ngayon ay hindi niya pa rin 'yon makalimutan because Ate Klaire and her family didn't really apologize. "Anyway, galingan nalang natin sa upcoming meet."



"It's not like may iba pa tayong choice." Natatawa niyang sagot kaya naman pati ako ay hindi naiwasang matawa. Nagpatuloy kami sa paglalakad pero pagdating namin sa tapat ng isang family mart ay bigla siyang huminto. "May kailangan pa pala akong bilhin. Hihintayin mo pa ba ako o mauuna ka nalang?"



"Malapit nalang naman 'yung bahay namin, so I'll just go ahead." Sagot ko dahil gabi na rin at baka matagalan pa ako kapag hinintay ko pa siya. Sigurado akong hinihintay na ako ni Manang dahil kaninag 7 pa ang curfew ko at hindi rin ako nakapagpaalam na gagabihin ako.

Don't Look Back (A Depression Awareness Story) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon