𝖙𝖜𝖊𝖓𝖙𝖞-𝖔𝖓𝖊

880 23 7
                                    



[ c h a p t e r    t w e n t y - o n e ]


I never thought na mararanasan ko kung ano ang pakiramdam ng isang it's complicated na relationship.



Hindi pa rin kami nag-uusap-usap ng barkada simula ng mga nangyari nung isang araw, ibig sabihin ay halos isang linggo na rin kami hindi nagpapansinan ni Gino. He used to send me texts during the first two days of the fight. Tumatawag din siya pero hindi ko sinasagot. Now he just gave up. Alam niya na wala pa rin akong balak na kausapin siya o kahit na sino sa barkada and since none of them are still willing to apologize and own up to their mistakes, sigurado akong matagal-tagal pa ang aabutin nitong away na 'to.



Nagpapataasan kaming lahat ng pride and as much as I know that I'm not that type of person, sa pagkakataong ito ay ayokong magparaya. They did a horrible thing and they should be held accountable for it. Hindi ko naman 'to ginagawa para sa sarili ko. Si Aya ang nasaktan sa ginawa nila so unless they apologize to her, hindi ako makikipag-ayos sa kanila.



Dalawang araw nalang bago ang competition kaya naman nagsisimula nang maging busy ang lahat. Classes have been cut in half para paglaanan ng oras ang pag-aayos ng venue. Everyone's excited na halos nakalimutan na rin ng lahat ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Thanks to Kuya Jason and some of his friends, tuluyan nang natanggal sa school website 'yung pictures. The rest of the popular squad seemed to have moved-on from the incident, as well.

             I'm just wishing na ganon din si Aya, but considering na mas malala 'yung pictures niya na kumalat kaysa sa iba niyang fake friends, sigurado akong matatagalan bago niya tuluyang makalimutan ang nangyari. Ayoko naman siyang madaliin. I'll just make sure that I won't leave her side as she moves on from this.



Palabas na ako ng classroom nang tawagin ako ni Clara. "Denise! Buti nalang. Sabay na tayo bumaba." Nginitian ko lang siya at hinintay muna na makuha niya ang kanyang bag mula sa room nila bago muling naglakad. Clara has been my lunch buddy for the past few days. I didn't ask her to accompany me. Nagkusang-loob lang siya kaya naman sobra talaga akong nagpapasalamat sa kanya.



"Pupunta ka ba kina Aya ngayon?" Tanong niya habang pababa kami.



Nakangiti akong tumango. "Yup. Ilang araw ko na rin kasi siya hindi nabibisita. I just want to check up on her." Sagot ko tapos ay tinanong siya kung gusto niya bang bumisita ulit ngayon dahil last Wednesday ay sumama siya sa'kin.



"I can't. May club meeting pa kami ngayon." Malungkot niyang sagot. "Ikamusta mo nalang ako sa kanya at tsaka pakibigay na rin ito. Marami-rami na rin siyang na-miss kaya baka makatulong 'to." Saglit niyang binuksan ang kanyang bag at inabutan ako ng tatlong notebook.



"Sure."


Don't Look Back (A Depression Awareness Story) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon