Ikadalawampu't Pitong Kabanata

4.9K 223 222
                                    

Ikadalawampu't Pitong Kabanata

Yixing's Birthday

Third Person's Point of View




Maagang nagising si Junmyeon para paghandaan ang birthday ni Yixing. Agad s'yang nag-luto ng kung ano ano para sa birthday ng kan'yang mahal na mahal na asawa.




Maya maya lang ay nagising na din ang kan'yang mga anak na sina Kyungsoo at Jongdae.




"Morning Inay," Bati ni Jongdae at Kyungsoo.




Tinanguhan naman silang dalawa ni Junmyeon, "Mabuti naman at nagising na kayong dalawa. Tulungan n'yo na ako dito. Jongdae pag-igib mo naman ako, tapos Kyung tulungan mo ko dito sa pag-luluto. Birthday ng tatay n'yo. Gusto ko s'yang sorpresahin bago s'ya magising," Ani ni Junmyeon. "Teka asan ba 'yung dalawang kapatid n'yo? Si Sehun at Baekhyun?" Baka gumagawa ng milagro 'yung dalawa. Hala Sebaek. Lol joke.




"Ayun tulog pa 'yung dalawa." Sambit ni Jongdae. "Teka? Bago magising si Itay? Edi baㅡ" Biglang tinakpan ni Kyungsoo 'yung bibig ni Jongdae.




"May sinasabi ka, Dae?" Tanong ni Junmyeon.




"Ah nay wala. Ang ibig hong sabihin ni Jongdae ay ano.. Galingan n'yo daw sa pag-sorpresa kay Tatay! Sana mabigla s'ya! Hehe." Sambit ni Kyungsoo. "Teka Jongdae, diba mag-iigib ka pa? Tarika samahan na kita," Ani ni Kyungsoo at hinila si Jongdae palabas ng bahay nila.




Sa totoo lang n'yan ang gustong sabihin ni Jongdae ay 'Kanina pa gising si Itay'. Totoo naman, nakasalubong ni Kyungsoo at Jongdae ang kanilang ama bago sila pumunta sa kanilang ina. Kanina pa gising si Yixing. Pagka-tayo ni Junmyeon para mag-ayos para sa sorpresa n'ya kay Yixing agad din namang nagising si Yixing at pinanood n'ya si Junmyeon na mag-effort para sa kan'ya. #RelationshipGoals. Kaiyaq.




Sa katunayan, hanggang ngayon pinapanood pa rin ni Yixing sa Junmyeon mag-luto. Nakita n'yang pawis na pawis na si Junma. Gusto sana n'ya 'tong lapitan at punasan 'yung pawis na pumapatak sa may noo nito kaso natatakot s'yang masira 'yung sorpresa ni Junmyeon para sa kan'ya.




Sakto naman kakalabas pa lang ni Sehun sa may kwarto nilang magkakapatid, "Oh tay, magandang umaga." Bati ng isang walang t-shirt na Sehun. Ehem. Luhan. Ehem. Asan ka na ehem. Ulam 'to. HAHAHA.




"Se," Biglang inabutan ni Yixingsi Sehun ng isang face towel. "Bigay mo sa nanay mo. Sabihin mo wag na s'yang mag-papawis." Ani ni Yixing.




"Eh? Pa. Bakit di na lang kayo ang gumawa. Tinatamad pa ako." Ani ni Sehun. Tinatamad asawa ni? Huehue.




"Aish. Wag ka ng mag-tanong ng mag-tanong, basta gawin mo na lang." Ani ni Yixing at tinulak si Sehun papunta sa may kusina.




Mukhang napansin ni Junmyeon ang kakadating pa lang na si Sehun, "Oh nak? Ang aga mo ata. Good morning." Ani ni Suho at nginitian si Sehun bago ipag-patuloy ang pag-luluto ng kung ano ano.




"Ma," Biglang pinunasan ni Sehun 'yung pawis ni Suho. "Wag kang mag-papawis masyado." Ani ni Sehun at sinabit kay Suho 'yung face towel.





"Salamat 'nak!" Ani ni Suho at pinunasan 'yung pawis n'ya.




"Actually nay si Tㅡ" Biglang inakbayan ni Kyungsoo si Sehun kaya napahinto ito sa pag-usao. Kaso nakatingkayad si Kyungsoo. Huehue. Siempre maliit, matangkad si Sehun. Kailangan talagang tumigkayad.




#Madrama | exo ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon