Ikatatlungpu't Siyam na Kabanata
Past, Help me remember them
Third Person's Point of View
"I-Ikaw? S-Si Kai? P-Pano?" Nag-guguluhang tanong ni Kyungsoo kay Jongin.
"I'll explain.. Kung papayagan ako ng pamilya mo." Sambit ni Jongin at sinulyapan ang pamilya ni Kyungsoo na nagulat sa rebelasyong sinabi ni Jongin.
Sinamaan s'ya ng tingin ni Sehun. "Bakit ka namin pagkakatiwalaan? Kung ikaw nga si Kai, sinaktan mo si Kyungsoo. Pano ka pa namin ulit pagkakatiwalaan?" Sambit ni Sehun habang ang sama sama ng tingin kay Jongin.
"I'm your brother, hindi ba sapat na rason 'yon para ikatiwala mo sa 'kin si Kyungsoo?" Tanong ni Jongin kay Sehun.
"Fine, pero kung may mangyaring masama kay Kyungsoo," Umamba ng suntok si Sehun. "Ako mismo, ang babasag sa pag-mumukha mo." Sambit ni Sehun.
"Okay, great. Ngayon kukunin ko na si Kyungsoo," Biglang binuhat ni Jongin si Kyungsoo kaya naman napasigaw ito. "Bye na! Bye po Tita Suho, Tito Yixing. Promise po ibabalik ko sa inyo si Kyungsoo." Sambit ni Jongin at tinakbo si Kyungsoo.
"Sure ka bang sa ginawa mo? Pinamigay mo lang si Kyungsoo sa lalakeng nanakit sa kan'ya." Sambit ni Jongdae habang naka-busangot.
"Wag kang mag-alala, Jongin is also my brother. Alam kong wala s'yang gagawing masama kay Kyungsoo. At kung meron man.." Biglang ngumiti si Sehun yung nakakatakot. "Ako mismo ang babasag sa pag-mumukha nya BWAHAHAHA."
"May gana ka pang mang basag ng mukha? Nang basag ka na nga ng puso pati ba naman mukha mangbabasag ka. Wow. Matindi ka. Lahat na lang kaya basagin mo." Sambit ng kakadating palang na si Luhan. "Dumaan sana ako para bisitahin si Kyungsoo, pero dahil wala na s'ya aalis na ako. Bye po Tita, Tito, Jongdae." Ani ni Luhan at umalis na.
Natahimik naman si Sehun don.
Narinig n'ya ang pag-halakhak ng pamilya n'ya. "Anong nakakatawa?! Broken hearted na nga 'tong anak n'yo pinag-tawanan nyo pa! Pisti!" Ani ni Sehun at nag-walk out.
ㅡㅡㅡ
"San mo ba ako dadalhin? Yah Jongin!" Sambit ni Kyungsoo. Hanggang ngayon buhat buhat pa rin s'ya ni Jongin. "Teka Jongin, baka madulas tayo! Baka mahulog ako!"
"Pag nahulog ka, sasaluhin kita." Nakangiting sambit ni Jongin.
"Pano pag sabay tayong nahulog? Pano mo ko masasalo?" Asar na sambit ni Kyungsoo.
"Edi mas maganda. Sabay tayong mahulog. Mas maganda sana kung sa isa't isa din." Sambit ni Jongin tyaka ngumiti kay Kyungsoo.
Maya maya pa ay nakarating na silang dalawa sa kinakaroonan nila. Playground. Andito silang dalawa sa may playground.
"Anong ginagawa natin sa playground?" Kunot noong tanong ni Kyungsoo kay Jongin.
"Diba sabi ko sa 'yo ikekwento ko sa 'yo kung sino si D.O at Kai? Ngayon ikekwento ko silang dalawa, sisimulan natin sa pinaka-umpisa." Ngumiti si Jongin.
BINABASA MO ANG
#Madrama | exo ff
Fanfiction#Madrama, sa isang hacienda kung saan nakatira ang mga mayayaman ay mag-anak na Minseok, Sehun, Jongin at Chanyeol. Mga anak nila Senyorito Kris at Senyorita Tao. Paano kaya kung makilala nila ang mga dukhang dina Jongdae, Luhan, Kyungsoo at Baekhyu...