Ikatatlungpu't Apat na Kabanata
A new character in their lives
Third Person's Point of View
Napa-irap na lang si Baekhyun, andito nanaman s'ya sa likod ng bahay nila. Gusto daw s'ya kausapin ni Kyungsoo. Kakausapin nanaman s'ya tungkol kay Chanyeol. Maya maya lang ay dumating na si Kyungsoo.
Tinaasan s'ya ng kilay ni Baekhyun, "Ano nanaman bang gusto mong malaman? Tungkol nanaman ba kay Chanyeol? Kyung, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo? Mahal ko nga si Chanyeol. Ano pa bang gusto mong malaman?" Iritadong tanong ni Baekhyun.
Kinagat ni Kyungsoo ang labi n'ya. Pakagat mo na lang kay Jongin para di ka mahirap. Juk. "Gusto ko lang itanong.. Bakit kay Chanyeol pa Baekhyun? Marami namang lalake d'yan? Bakit sa taong mahal ko pa?" Tanong ni Kyungsoo habang kinakagat ang kan'yang labi upang pigilan ang pag-iyak. Di pa rin n'ya kasi matanggap na iisang tao lang ang minahal nilang mag-kapatid.
Umiwas ng tingin si Baekhyun. "Kyungsoo, kung pwede ko lang turuan mag-mahal ang sarili ko edi sana sa ibang tao na ako mag-mahal. Alam mo namang ayaw kong makaagaw ka pero di kasi ako ang nag-tuturo eh. Di ko kayang turuan mag-mahal ng iba." Sambit ni Baekhyun. Whogoat.
Pareho silang nabalot ng katahimikan. Wala man lang nag-balak na mag-salita ulit. Ang awkward nga eh.
"Eh ikaw Kyung.." Pangbabasag ni Baekhyun sa katahimikan. "Bakit di ka na lang sa iba umibig? Bakit hindi ka na lang kay Jongin umibig? Bakit kailangan si Chanyeol pa?" Tanong ni Baekhyun.
Napakagat ulit ng labi si Soo. Ang hilig n'yang mag-kagat labi. Sabi ko nga bakit di na lang si Jongin ang pakagatin n'ya? Edi sana di na s'ya mapapagod. Huehuehue. Di n'ya alam kung bakit pero di s'ya naka-imik ng mabanggit ang pangalan ni Jongin.
"Si Jongin?" Tanong ni Kyungsoo sa sarili n'ya. Isa isang nag-flash sa utak ni Kyungsoo si Jongin. 'Yung way ng pag-ngiti ni Jongin, 'yung way ng pag-tawa ni Jongin, 'yung mata ni Jongin na laging nakangiti sa kan'ya. Bakit nga ba hindi na lang si Jongin ang mahalin n'ya?
BINABASA MO ANG
#Madrama | exo ff
Fanfiction#Madrama, sa isang hacienda kung saan nakatira ang mga mayayaman ay mag-anak na Minseok, Sehun, Jongin at Chanyeol. Mga anak nila Senyorito Kris at Senyorita Tao. Paano kaya kung makilala nila ang mga dukhang dina Jongdae, Luhan, Kyungsoo at Baekhyu...