Chapter 1-Hatinggabi sa Lawa

1.7K 34 9
                                    

Ilang linggo na akong may lihim na pinupuntahan tuwing sasapit ang hatinggabi. Nandito ako ngayon sa lugar na iyon. Kung tutuusin ay hindi naman lihim ang lugar na ito dahil nandito lang naman ako sa popular na Lawa ng Kalinisan ng Emperyo ng Libre. Ilang beses na akong nagbabakasakali na makita muli ang misteryosang babaeng iyon pero hindi ko na siya ulit nakita pa. Isang beses ko lang naman siyang nakita dito na sa pagkakatanda ko ay katatapos lamang ng kabilugan ng buwan.

Hinayon ko ng tingin ang lawa ngunit wala siya. Saan kaya nakatira ang babaeng iyon? Hindi kaya isa siyang diwata sa alamat na sinuwerteng nagpakita sa akin? Naipilig ko ang ulo ko sa kahibangang naiisip. Nanghihinayang akong napabuntunghininga. Tumingin ako sa kalangitan. Napakaliwanag ng buwan. Bilog na bilog ito,kahapon nga pala ang kabilugan ng buwan.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang lawa at gayak aalis na sana nang mapadako ang tingin ko sa talon na umaagos sa maliit na kweba nito. May anino akong nakita hanggang sa lumitaw ang isang babae mula sa kweba. Tila ako nabatobalani..

Hindi ako maaaring magkamali..siya iyong babaeng iyon!

Itim na itim ang kanyang buhok na kumikislap sa liwanag ng buwan. Kasing itim ng gabi ang kanyang mga mata na tila mawawala sa dilim ang sinuman na mapapatitig sa kanya. Napalunok ako nang mapasadahan ko ang kanyang basang basa na katawan na natatakpan lamang ng mahabang buhok. Maalindog. Sa tantya ko ay nasa desisais pa lamang siya. Mukhang mas matanda pa sa kanya si Yumi noong mapunta siya dito sa aming mundo dalawang taon na ang nakakalipas. Kakaiba siya at nakuha niya ang atensyon ko nga lamang ay si Miyata ang minahal niya at ngayon nga ay mag-asawa na sila at may isang anak. Ipinilig ko ang ulo ko pagkaano. Wala na naman sa akin ang bagay na iyon ngayon.

Bumalik na ako sa kasalukuyan at nakita kong papunta sa direksyon ko ang misteryosang babae. Nakabihis na siya ngayon at may hawak pang tuwalya. Nagkubli ako pero huli na dahil nakita na niya ako.

"S-ino ka?? L-umabas ka~~w-ag ka pala lalabas dyan!"natatakot niyang sabi.

Hindi ko napigilan na mapatawa at tuluyan ng lumabas. Nakakaaliw ang hitsura niyang natatakot tila kasi siya natatae. Tama ako itim na itim nga ang kanyang mata na mayroong mahahaba at malalantik na pilik mata. Mapula din ang kanyang labi na tila sa mansanas.

Nang tuluyan akong makalabas sa pinagkukublihan ko at masilayan ng liwanag ng buwan ay nakita ko na napaawang ang labi niya. Mayroong kung ano sa reaksyon ng kanyang mata na hindi ko mabasa. Napangisi ako.

"Alam kong gwapo ako Binibini..wag kang mag-alala lahat naman talaga ng kababaihan ay naaakit sa akin."kinindatan ko siya.

Namilog ang kanyang mata at namula ang mukha. Pagkaano ay naningkit itong tumingin sa akin.

"Ang yabang mo naman Ginoo!"

"May ipagyayabang naman kasi ako."

"Bakit ka nandito? S-inundan mo ako ano?! May balak ka sa aking masama ano?!"

"Naninilip~~~

"Bastos! Manyak!"lalong nanlaki ang mata niya.

"Tss, patapusin mo muna kaya ako sa sinasabi ko Binibini. Unang-una hindi mo pag-aari ang lawa na ito. Pangalawa hindi ako ang tipo na naninilip dahil mga babae ang nagpapasilip sa akin. Naninilip ang iba sa mga kawal dito sa palasyo, kaya ako nandito ay para manghuli ng maninilip dapat pa nga ay magpasalamat ka sa akin."inismidan ko siya kuno.

Tiningnan niya ako na tila hindi naniniwala. Wala akong balak sabihin na sadyang inabangan ko talaga siyang maligo muli dito! Aba sa gwapo kong ito!

"Sabagay ay hindi ko naman masisisi ang mga iyon kaakit-akit naman kasi ang tanawin.."nginisian ko siya habang nakatingin ako sa pagitan ng maumbok niyang dibdib.

Bahagyang nakalabas ang kaunting parte ng dibdib niya dahil hindi pa gaanong nakasara ang kimono. Gayon na lang ang pagpipigil ko na lapitan siya at hawakan ang kanyang dibdib. Agad niyang kinipkip ang kanyang kimono pasara. Nabakas ko ang galit,takot at pagkailang sa kanyang mata.

Nagulat ako nang biglang may ibato siya sa akin at nagdilim ang paningin ko. Inilagay ko sa mukha ko ang kamay ko at tinanggal ang ibinato niya. Ang kanyang kulay itim at rosas na tuwalya. Nang matanggal ko ito sa mukha ko ay nangunot ang noo ko. Nawala iyong babae.

Nasaan na siya?

Nang mapabaling ang tingin ko sa may kalayuang parte na ng kakahuyan. Nakita ko siyang tumatakbo.

"Binibini! Anong pangalan mo?!"pero nawala na siya sa paningin ko.

Napakamot ako sa ulo ko. Ang bilis naman niyang tumakbo?

Naiusal ko na lang sa isip ko..

Hindi naman kalakihan ang Libre pasasaan ba't makikita kitang muli....

******

Hinihingal pa ako nang tumigil ako sa pagtakbo. Ramdam ko pa ang malakas na pagtambol ng dibdib ko. Mabuti na lang at hindi ako hinabol ng lalaking iyon. Kilala ko siya! Siya si Ginoong Kira! Isa siya sa mga mandirigma ng Libre. Napaka-presko niya pala. Pero totoong karamihan sa mga kababaihang kasamahan kong tagasilbi sa palasyo ay may gusto sa kanya. Kahit naman iyong ibang kasamahan niyang mandirigma ay makikisig din. Pero hindi naman ako isa sa mga babaeng may gusto sa kanila. Hindi naman ako nagpunta dito sa Zairo---ang pinaka-kapital na bayan ng Libre---para maghanap ng lalaki. Napakadami kong problema na kailangang harapin para maisip pa ang bagay na iyon. Nagpapasalamat na lang ako ng malaki at kinupkop ako ni Tandang Kaika ang manggagamot ng palasyo. Mayroon siyang kapangyarihang magpagaling katulad na lang ng ibang salamangkero na may kanya-kanya namang abilidad. Kasama niyang namumuhay ang apo niyang si Nanami na ulila na sa magulang. Namana niya ang kakayahang magpagaling sa kanyang lola.

Ni wala sa hinagap ko na makikita ko si Ginoong Kira sa Lawa ng Kalinisan sa dis oras na ito ng gabi. Gusto ko lang namang maligo dito sa lawa dahil ayon sa sabi-sabi ay banal ang tubig dito na nakakapagpagaan ng pakiramdam nakakapaglinis ng katawan panloob o panlabas maging ang kaluluwa ng isang tao at kasamaan nito. Napabuntunghininga ako.

Natanaw ko na ang munting kubo ni Tandang Kaika. Tulog na si Tandang Kaika kanina noong umalis ako. Si Nanami naman ay katabi ko ngayon sa aking silid. Binasahan ko kasi siya ng libro.

Pumasok na ako sa silid ko.

"Inay Tamara..saan ka po galing?"nakita ko si Nanami na naghihikab pang nakaupo sa kama ko.

Napangiti naman ako. Inay ang tawag niya minsan sa akin kahit sampung taon lang naman ang tanda ko sa kanya at kung tutuusin ay mapagkakamalan kaming magkapatid. Minsan naman ay Ate. Sabik kasi siya sa nanay dahil wala siya noon kaya hinahayaan ko na lang. Nalungkot naman ako noong maalala ko ang nanay ko. Ipinilig ko na lang ang ulo ko.

"Nagpahangin lang ako sa labas Nami.."tumabi na ako sa kanya.

Yumakap naman siya kaagad sa akin.

"Nalungkot ako nang magising ako na wala ka sa tabi ko eh..."ipinikit na niya ang mata niya hanggang sa makatulog na siya.

Naisip ko na lang bigla si Ginoong Kira. Tila gustong mamula ng mukha ko ngayon kahit hindi ko na siya kaharap.
Iiwasan ko na lang makatagpo siya. Mayroon siyang kakaibang pakiramdam na idinudulot sa akin. Sa wari ay nagugulo ang sistema ko....

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at ipinasyang matulog...

Muryou:Midnight Temptress(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon