Namamalengke ako ngayon para sa pananghalian ng palasyo. Ang alam ko ay may kakayahan ang matataas na uri ng salamangkero na magpalabas ng kahit anong pagkain kaya nga tinawag na Libre ang emperyong ito na kadalasan ay hindi na bumibili. Kumikita nalang sila karamihan sa mga dayo mula sa ibang emperyo.
Kasalukuyan akong namimili ng sariwang karne ng baboy. Napalunok ako. Hindi ko alam pero nanunuyo ang lalamunan ko--mukhang nakakatakam ang mga karne. Napahawak tuloy ako sa tyan ko,walang duda gutom na ako kumbinsi ko pa sa sarili ko.
"Tami!"
Tami? Napatingin ako sa pamilyar na boses. Si Kira kasama ang isang lalake at sa akin sila nakatingin. Lumapit sila sa amin at noon ko napansin na matang pusa ang lalaking kasama niya.
Para tuloy akong kiti-kiti na hindi mapakali dito nang maalala kong hinalikan niya ako nung nakaraan.
Ano ba ang dapat kong gawin? Magtago kaya ako? Pero huli na dahil nakita na niya ako..
Bakit ba kahit saan ako magpunta ay nakikita ko siya? Kung nasaan ako ay nandoon siya at hindi iyon makabubuti sa akin nararamdaman ko.
"A-nong Tami ang sinasabi mo?"haist,heto na naman po nabubulol na naman ako..tss.
"Tss, hindi mo agad nakuha? Tamara, Tami iisa lang iyon pinaiksi lang. Hindi naman pwede na Tama dahil palayaw na iyon ng anak nina Miyata."wika ni Kira.
Pamilyar sa akin ang Miyata na sinasabi niya parang nadinig ko na iyon sa mga taga palasyo.
"Paano maiwan na ba kita dito ha Kira? Magmamatyag pa ako sa buong bayan."
"Sige Akeru,magkita na lang tayo sa palasyo."
Akeru pala ang pangalan noon, batay sa kanyang sinabi na magmamatyag marahil ay isa din siya sa siyam na mandirigma ng Libre.
"Bakit ka nagpaiwan sa kasama mo? Baka makarating sa emperador na iniwan mo ang trabaho mo."
"Nag-aalala ka ba sa akin ha?"nakangisi niyang sabi.
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.
"Hindi ah! Hindi talaga!"
"Sus, wag kang mag-alala si Hiromi lang iyong emperador at ako si Kira ang batas,hahaha!"
Eh? Paano niya nasasabi ang bagay na iyon patungkol sa emperador? Nababaliw na siya.
Wala na akong nagawa kundi ang mamalengke kasama siya.
"Bakit ba layo ka ng layo sa akin ha Tamara?"inis na sabi niya sa akin. Binuo niya ang pangalan ko siguro'y galit nga siyang talaga.
"Baka magalit ang mga kasintahan at babae mo sa akin.."ang sama naman kasi talaga ng tingin sa akin ng ibang mga babae na nadadaanan namin.
"Wala akong kasintahan. Siguro sila kasintahan nila ako ng hindi ko alam."mayabang talaga.-_-
Nang may mapansin akong mga pamilyar na nilalang. Napasiksik tuloy ako sa likod ni Kira. Bakit sila nandito? Hinahanap ba nila ako? Nalaman na ba nila na nandito ako sa Libre?
"T-ayo ng umuwi Kira..dali na.."hinihila ko na ang laylayan ng damit niya mula sa likod kaya napalingon siya sa akin na nangungunot ang noo.
"Akala ko ba ay may bibilhin ka pa? Hindi ba at titingin pa tayo ng prutas?"
"Wag na..sa ibang araw na lang iyon..magtatanghalian na baka magutom na ang mga tao sa palasyo.."
Nagkibit siya ng balikat. Nakahinga naman ako ng maluwag nang pumayag siyang umuwi na..
"Ate Tamtam! Oh kuya Kira bakit mo kasama ang nanay ko?"salubong agad sa amin ni Nami.
"Nanay?"napahagikhik si Nami sa reaksyon ni Kira na nanlalaki ang isang mata,nakakatawa naman kasi siya.
BINABASA MO ANG
Muryou:Midnight Temptress(Complete)
AdventureBukod sa apat na uri ng nilalang na namumuhay sa mundo ng apat na mandirigma na kinabibilangan ng mga salamangkero,samurai,ninja at mangkukulam ay may tatlong angkan pa silang pinangingilagan... ...ang angkan ng mga tagapaslang,angkan ng mga taong a...