"Tamara,Tamara,Tamara.."
napabangon ako sa pamilyar na tinig.Alas singko pa lamang ng umaga at madilim pa. Lumabas ako ng bahay papunta sa pinanggagalingan ng nadidinig ko. Humantong ako sa ilalim ng isang puno. May tumawag ulit sa pangalan ko kaya tumingala ako. Napangiti ako ng makita ko si Roro ang alaga kong itim na parrot simula noong limang taon pa ako. May kaunting pula ang balahibo niya at higit sa lahat ay nakakapagsalita siya. Siya ang kasama ko noong tumakas ako sa amin,hindi niya ako iniwan dahil gusto niyang malaman kung saan ako tutuloy.
"Kamusta Roro..natutuwa ako at napadalaw ka.."
"Nandito ako para balaan ka kamahalan..nandito sa Libre ang mga kawal sa ating isla."
Nakaramdam ako ng takot.
"N-akita na ba nila ako? Nakita ko nga sila doon sa bayan.."
"Sa ngayon ay hindi pa pero nagkalat sila sa lahat ng emperyo para hanapin ka kaya nandito ako para bigyan ka ng babala."
"Salamat Roro, mag-iingat ako. Kamusta sina ama at ina?"
"Nakakulong pa din sila."
Nabalot ako ng lungkot. Napabuntong-hininga na lang ako. Kailangan kong umisip ng paraan para mapakawalan sina ama doon ng hindi ako nahuhuli ng aking kalahi. Hayy! Paano ko gagawin iyon??
"Sige na Tamara,aalis na ako baka hanapin pa ako sa mansyon ninyo."
"Sa muli nating pagkikita Roro..alagaan mo si ina at ama ha.."kaway ko sa kanya habang siya ay lumilipad.
Nandito na din naman ako sa may kagubatan ay nagpasya na akong maligo sa lawa ng kalinisan. Malapit lang din ito sa kubo kaya nakakakuha agad si Tandang Kaika ng banal na tubig.
Inilubog ko ang katawan ko sa lawa matapos kong alisin ang damit ko. Napatingala ako sa kalangitan. Napagalitan ko ang sarili ko nang maghugis mukha ni Kira ang mga ulap.
Ano bang nangyayari sa akin?! Bakit ba hindi siya mawala sa isipan ko?!
Dalawang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin. Nagalit siguro siya sa sinabi ko na wag akong paglaruan. Hindi ba at ako naman ang may gusto na tigilan na niya ako kaya dapat matuwa pa ako na hindi na niya ako ginugulo pero heto ako at tila hindi na sanay na wala ang presensya niya?! Arghh! Ano ba ang dapat kong gawin?! Hindi pa naman ito ang panahon para sa bagay na iyon lalo at madami pa akong problema sa buhay ko! Hayzz..
Mga ilang minuto na paglulunoy sa lawa ay nagpasya na akong umahon. Umaagos ang tubig sa hubad kong katawan. Tinungo ko ang pinag-iwanan ko ng damit ko.
"AHHHHHH! WAAHHHHH!"napatili ako nang may bumagsak sa harapan ko nung dadamputin ko na ang damit ko kaya nabitawan kong muli.
Ang bumagsak kung saan ay isang nilalang na may kahel na buhok.
"Kira!"nag-angat siya ng ulo niya.
"Nasa langit na ba ako?"nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa katawan ko!
Omo! Hubad nga pala ako!
"Bastos!"dali-dali kong dinampot ang damit ko at hindi magkaintindihan kung paano tatakpan ang sarili ko. Nakita niya ang langit ko! Wahhh!
Nakakunot pa din ang noo ni Kira na bumangon. At siya pa ang galit?! Lumingon-lingon siya sa paligid. Ano ba ang nasa isip niya?!
"Tumalikod ka nga!"
"Ano pang magagawa ng pagtalikod eh nakita ko na? Tss, magbihis ka na."inis na sabi niya na tumalikod naman at naglakad palayo. Nakakinis siya. Siya pa ang may ganang mainis? Huh! Sasagot pa sana ako nang matigilan ako sa sinabi niya."Hindi ka dapat naliligo dito ng hubad lalo at maliwanag na..Baka mapatay ko ang sinuman na makakita sa'yo ng ganyan.."
BINABASA MO ANG
Muryou:Midnight Temptress(Complete)
AdventureBukod sa apat na uri ng nilalang na namumuhay sa mundo ng apat na mandirigma na kinabibilangan ng mga salamangkero,samurai,ninja at mangkukulam ay may tatlong angkan pa silang pinangingilagan... ...ang angkan ng mga tagapaslang,angkan ng mga taong a...