Nagmulat ako ng mata at mukha agad ni Kira ang aking nakita. Natutulog siyang nakaupo sa may gilid ko. Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa sahig. Lumapit ako sa kanya.
Natagpuan ko ang sarili ko na nakatitig sa kanya. Ang gwapo niya talaga,hindi nakakasawang titigan ang mukha niya. Astig ang dating niya sabi nga ni Lala. Nakasandal siya sa pader habang nakataas ang isang tuhod at nakapatong ang braso. Napababa ang tingin ko sa kanyang hubad na katawan kasi naman ay ibinigay niya sa akin ang damit niyang pang-itaas dahil nga sa noong magbalik ako sa taong anyo ko ay nasira na ang damit ko. Napalunok ako nang mapadako ang tingin ko sa kanyang matigas na dibdib..ih! Ang landi ko! Hindi dapat ito ang iniisip ko sa sitwasyon namin!
"Tapos ka na ba sa pagpapantasya sa kagwapuhan ko at katakam-takam kong katawan?"nanigas tuloy ako sa pagkakaupo ko sa gulat ko nung magsalita siya. Una niyang iminulat iyong isa niyang mata bago sinundan noong isa. Nakangisi niyang sabi sa akin pagkaano ay mapanukso niya akong tiningnan."Sabagay ay parehas naman tayo.."bumaba ang tingin niya sa may hita ko!
Naalala ko na damit na pang-itaas niya lamang ang suot ko na umabot lang halos sa kalahati ng hita! Tapos ay wala pa akong panloob man lang! Nakakailang tuloy!
"Eh~~h-indi pa naman gaanong nagtatagal noong tingnan kita.."umiwas ako ng tingin at naupo ng hindi na nakaharap sa kanya. Parehas na kami ngayong nakasandal sa pader.
"Sinabi mo eh."ramdam ko ang pag-ngisi niya.
Pinagsalikop ko ang kamay ko sa ibabaw ng kandungan ko at pilit hinihila ang laylayan ng damit niya para matakpan ang hita ko.
Ilang minutong katahimikan ang namagitan kaya hindi na ako nakatiis magsalita.
"H-indi ka ba nandidiri sa akin o kaya naman ay namumuhi?"nakagat ko ang labi ko.
Naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakasandal ang ulo niya sa pader at nakatingala.
"Ang taong minamahal hindi pinandidirihan at kinamumuhian."lumingon siya sa akin at ngumiti. Gusto tuloy ulit mangilid ng luha ko. Hindi kapanipaniwala na may katulad niya na magkakagusto sa akin.
"P-ero isa akong halimaw.."
"Na bumihag ng puso ko.."nakangisi niyang dagdag."Kahit ano ka pa at sino ka pa ay mahal kita Tamara tandaan mo iyan,ganoon talaga ang pagmamahal."
"Totoo kang talaga..hindi ko mapaniwalaan na gusto mo pa din ako sa kabila ng lahat.."
Katahimikan muli.
"Nga pala..bakit ka umalis sa Isla Basil? Hindi ba at iyon ang isla ng mga kanibal?"
Malalim akong napabuntong-hininga.
"Oo iyon nga ang isla namin. Nakita mo ba iyong tatlong kanibal na nakita mo na kasama ko noong unang araw ng kabilugan ng buwan?"
"Uhm,bakit?"humarap sa akin si Kira.
"Mga kawal sila sa isla namin,kaya sila nandito ay dahil hinahanap nila ako. Tumakas lang kasi ako sa amin.."
Seryoso lang naman siyang nakikinig at matamang nakatingin sa akin na hinihintay ang sunod kong sasabihin. Bumuntong hininga ulit ako.
"Noong nakaraang buwan lang kasi noong ikalabing anim kong kaarawan lang lumabas ang pagiging kanibal ko hindi katulad ng mga kalahi ko na bata pa lamang ay lumabas na ang tunay na anyo. Hindi ko matanggap noong una hanggang ngayon pero wala na akong magagawa pa. Wala sana akong balak umalis sa isla namin kaya lang ay may nangyaring hindi inaasahan.."
Seryoso lang naman siyang nakikinig.
"May taksil sa aming lahi na ninais na kunin ang pamamahala sa isla na nasa pamumuno ng aking ama..at ang taksil na iyon ay ang kanyang kanang kamay na tagapayo na si Yasake. Marami siyang kaanib kaya naman sila ay nag-wagi. Nag-aklas ang karamihan sa mga kanibal at binihag ang aking mga magulang at ilan nilang kasamahan,iyon ay dahil lamang sa patakaran na inilabas ng aking ama,ang patakaran na--- bawal ang kumain ng tao. Ayaw naman ng mga kaanib ni Yasake na kumain ng hayop dahil hindi daw iyon masarap."
BINABASA MO ANG
Muryou:Midnight Temptress(Complete)
AdventureBukod sa apat na uri ng nilalang na namumuhay sa mundo ng apat na mandirigma na kinabibilangan ng mga salamangkero,samurai,ninja at mangkukulam ay may tatlong angkan pa silang pinangingilagan... ...ang angkan ng mga tagapaslang,angkan ng mga taong a...