Nagpapasalamat ako at naging maayos ang lahat. Lumipas ang araw at nananatili pa din ako sa palasyo ng Libre. Pinayagan ako na manatili dito kahit ang iba ay tutol,sinabi din ni Kira na siya ang bahala sa akin. Walang tumutol dahil tingin ko ay batas ang salita noong Miyata dito sa emperyo,lahat ay iginagalang at kinatatakutan siya. Iyong si emperador Hiromi ay hindi ko pa ulit nakikita. Gusto ko na nga sanang umalis dito kasi naman ay ang bigat sa pakiramdam na masama ang tingin sa akin ng mga tao dito pero hindi ko magawa dahil kay Kira. Karamihan sa mga taga palasyo kapag nakikita ako ay nagbubulungan panay at iyong iba ay masama ang tingin sa akin at tila ba ayaw akong lapitan na para bang may nakakahawa akong sakit.
May mga bisita ngayon sa palasyo kaya abala ang lahat sa paghahanda.
May bitbit akong mga gamit na dadalhin ko sa kusina nang may humarang sa akin na tatlong pigura. Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ako ng tingin. Hindi ko kilala ang tatlong kaharap ko,marahil ay mga bisita sa palasyo..pero tatlo sila? Ipinilig ko ang ulo ko sa biglang pumasok sa isip ko.
"Mawalang galang na po..makikiraan po.."pero tila wala silang balak na umalis sa daan ko.
"Kamahalan.."
Ano daw?!
"Kayo!"nanlaki ang mata kong nakatingin sa tatlong lalaki sa harap ko.
"Kami na nga.."lalaki1.
"Hindi mo ba kami namukhaan."lalaki2.
Tumawa iyong isa.
"Tanga,ang pangit mo kasi sa anyong kanibal kaya nagtaka ka pa!"lalaki3.
"Pareparehas lang tayo oy!"lalaki2.
Sumeryoso ang mukha ko. Hindi ko alam na sila iyong mga kanibal na kaharap ko noong unang araw ng kabilugan ng buwan. Kasi naman ay hindi ko masyadong kilala ang mga kawal sa isla namin dahil hindi naman ako laging nakakalabas ng mansyon namin. Alam ko na kung bakit hindi ako masyadong pinapalabas nina ina,siguro ay dahil ayaw nilang makita ko ang hindi kanais-nais na pagkain ng tao ng mga kalahi ko. Saka pareparehas lang naman na mapangit ang mga hitsura namin kapag nagpalit anyo.
"Paano kayo nakapasok dito? Umalis na kayo."
"Aalis lang kami kapag kasama ka na namin."seryosong sabi nung unang lalaki.
"Hindi ako sasama sa inyo. Nagsasayang lang kayo ng oras."matigas kong sabi.
Aalis na sana ako nang magsalita iyong isang kawal sa mapangit na boses kaya napalingon ako.
"N-agpalit anyo ka.."hindi pa din talaga ako sanay makakita ng kanibal na anyo na nabitawan ko iyong hawak ko na kaserola. Nakakatakot kasi.
"Pagmasdan mong maigi kung ano tayo kamahalan. Wag kang mag-alala kaya ko naman ng kontrolin ang anyo ko nga lamang minsan ay hindi."
Napalingon ako sa paligid dahil baka may makakita sa kanya pero wala namang tao. Nasa may bahagi kami na hindi masyadong nadadaanan ng tao.
"Alam mo umibig ako sa isang ninja..inibig din naman ako. Alam niya na isa akong kanibal pero tinanggap niya pa din ang katotohanang iyon kaya labis ko siyang minahal. Nagsama kami at nagkaanak. Pero kalaunan ay iniwan niya din ako at kinamuhian...."nasa tinig ng kawal ang kalungkutan. Nakuha niya ang interes ko.
Hinintay ko ang sunod niyang sasabihin.
"Pinatay ko at kinain ang anak namin noong naging anyong kanibal ako...Pinagsisisihan ko iyon pero sadyang ganoon ang kapalaran ko kaya pinilit ko na lang tanggapin.."bumuntong hininga ito.
"Ikinalulungkot ko ang nangyari.m"sinsero kong sabi. Tumango ang kawal sa akin.
Nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil kahit kanibal kami ay may puso din kaming nasasaktan.
BINABASA MO ANG
Muryou:Midnight Temptress(Complete)
AdventureBukod sa apat na uri ng nilalang na namumuhay sa mundo ng apat na mandirigma na kinabibilangan ng mga salamangkero,samurai,ninja at mangkukulam ay may tatlong angkan pa silang pinangingilagan... ...ang angkan ng mga tagapaslang,angkan ng mga taong a...