Walang tigil ang pag-agos ng luha ko habang nakayupyop ako sa may sulok na bahagi ng kweba sa may talon ng lawa ng kalinisan. Naksandal ako sa may pinakasulok at yakap ko ang mga tuhod ko. Ang tubig ay tumutulo sa ulo ko pababa sa katawan ko at hinuhugasan ang dugo sa hubad kong katawan kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Kagabi ay nagalusan ko si Kira. Tanda ko iyon nga lamang ay tila ako nalagyan ng matapang na alak na hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko!
Tapos ngayon ay nakita niya ang tunay kong anyo! Hindi ko na maitatago pa sa kanya! Alam na niya ang lihim ko! Na isa akong KANIBAL!
Kitang-kita ko ang halo-halong emosyon sa kanyang mga mata. Nagdilim din ang kanyang mukha at malamig akong tiningnan. Alam kong sa oras na iyon ay bigo na ang pag-ibig ko. Nasasaktan ako dahil alam kong hindi niya ako matatanggap at tiyak na kamumuhian.
Hindi ko na kinaya pa ang tingin na ibibigay niya sa akin kaya mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. At dito nga ako dinala ng mga paa ko,sa lawa ako nagkubli.
Sigurado ay sasabihin niya sa mga kasamahan niya na ako ang kanibal. Pero kailangan kong harapin ang lahat,ang kapalaran ko. Hubad na lumakad ako pabalik sa kubo na hindi alintana na wala akong kasuotan. Alas dos ng madaling araw pa naman at tiyak na tulog pa si Nami at Tandang Kaika. Ganitong oras din naman ako umuwi kagabi.
Sumikat ang araw sa silangan. Wala kahit anino ni Kira akong nakita. Hindi nalipas ang buong maghapon na hindi siya magpapakita sa akin kahit gaano siya kaabala pero ngayon ay wala talaga. Sumapit na muli ang gabi pero wala pa din siya. Ang sakit ng puso ko.
Wala namang kakaibang nangyari. Normal ang pakikitungo sa akin ng mga mandirigma niyang kasamahan.
Dalawang gabi na akong nagpalit anyo bilang kanibal at dalawang gabi na akong kumakain ng laman ng hayop. Kahit hindi ko pa makontrol ang anyo kong iyon ay hindi ko talaga masikmurang kumain ng tao. Ang labis na disgusto na iyon marahil ang dahilan kung bakit hindi ko magawang kumain ng tao kahit kanibal ako.
Sumapit ang hatinggabi at nagpalit ako ng anyo. Nagpunta ako sa bayan dahil wala na akong makitang hayop sa gubat. Alam kong delikado doon pero huling gabi na naman ito ng kabilugan ng buwan.
Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na sa halip na makasilo ng hayop ay ako ang nasilo.
"Pakawalan nyo ako!"sa mapangit kong boses ay sigaw ko.
Nasa loob ako ngayon ng lambat na kadena.....
******
Hindi ako sumama kina Shin sa pagmamatyag. Wala din akong sinabi sa kanila tungkol sa nakita ko kagabi. Hindi ko kayang sabihin. Nagkulong lang ako sa kwarto ko at nung mainip ako ay nagpunta ako sa silid sanayan at doon ko ibinuhos ang lahat ng nararamdaman ko.
Hindi ko mapaniwalaan ang natuklasan ko. Hindi ko alam kung kaya kong tanggapin. Si Tamara ang babaeng kanibal!
Hindi ko pa nga pala siya gaanong kilala,dayo lamang siya dito sa palasyo. Pero hindi ko naiwasang mahulog sa kanya.
Hindi ko makalimutan iyong mga mata niya kagabi. Iba't-ibang emosyon ang nakita ko sa mga mata niya.
Wala pa akong kinakain buong maghapon.Iyong sakit kasi ng puso ko ang aking nararamdaman sa halip na iyong sikmura ko.
Hatinggabi na noong lumabas ako sa sanayan. Bakit parang bukas pa halos lahat ng ilaw? Dapat ay sa may pasilyo na lamang ang bukas pero maging sa mga silid ay bukas din? May mga ingay din akong nadidinig? Dapat ay tulog na ang mga tao dito ng ganitong oras..
Nakita ko si Shin na mabilis na lumilipad na nilagpasan lang ako.
"Hoy pangit saan ka pupunta? Anong mayroon at nagmamadali ka yata?"
BINABASA MO ANG
Muryou:Midnight Temptress(Complete)
AdventureBukod sa apat na uri ng nilalang na namumuhay sa mundo ng apat na mandirigma na kinabibilangan ng mga salamangkero,samurai,ninja at mangkukulam ay may tatlong angkan pa silang pinangingilagan... ...ang angkan ng mga tagapaslang,angkan ng mga taong a...