Chapter 3-Akin si Tamara

735 25 0
                                    

Nagmadali akong naligo at nagbihis. Maaga pa lang ay gumising na ako. Nagsaing ako at nagluto ng pang-ulam para kay Tandang Kaika at Nami. Hindi ko ginagawa sa amin ang magluto kaya noong una ay nahirapan ako kahit ang gumising ng maaga. Sa isang buwan ko dito ay nakasanayan ko din naman.

Martes ngayon kaya nagmamadali ako. Tuwing martes at huwebes ay mayroon akong pasok sa klase ni maestro Uji bago ako magsimula sa pagtatrabaho. Ipinasok ako doon ni Tandang Kaika. Naalala ko tuloy noong bago ako umalis sa amin..nag-aaral din ako nga lamang ay sa mansyon lang namin ako nag-aaral at hindi sa paaralan. Hindi sa pagmamayabang ay galing ako sa mayamang pamilya, sa katunayan ay ang pamilya namin ang namumuno sa isla na tinitirahan namin. Maganda sa lugar namin,napapalibutan ito ng dagat nga lamang ay hindi naman ako palagiang nakakalabas dahil hindi ako pinapayagan ng magulang ko,ngayon ay alam ko na kung bakit. Napabuntong hininga ako sa kaisipan na iyon.

Nagpasya na akong lumabas ng kubo ni Tandang Kaika---sa loob lang din ito ng palasyo nakatayo nasa may bandang malapit na nga lang sa kakahuyan kung saan makakapanguha ng halamang gamot.

Maaga pa akong nakadating sa silid kung saan nagtuturo si maestro Uji. Naupo ako sa may malapit sa bintana at nanungaw.

Sa ngayon ay tahimik pa ang buhay ko dito sa palasyo pero alam ko na sa malaon at madali ay magugulo din ito.

Wala pa si maestro. Ang mga kaklase kong babae ay nagkukwentuhan pa habang ang mga lalaki ay naglalaro gamit ang kapangyarihan nila.

"Sshh..."

Nakadinig ako ng may nasutsot sa akin sa may malapit sa tenga ko kaya naman lumingon ako para lang mahintakutan!

"WAAHHHHHH! WAHHHH!"natumba ang kinauupuan kaya pati ako kasamang nagdagasa sa sahig.

Aray ang sakit!

Napahawak ako sa balakang ko habang takot na takot akong nakatingin sa kobra na nasa harap ko! Kyaahhh! Ang laki at nakahanda na akong tuklawin!

"WAHHHHH! L-umayo ka sa akin!"umurong pa ako sa sulok ng pader.

Nakadinig naman ako ng malakas na tawa.

"Ano ka ba Lee..napakasalbahe mo talaga! Akina nga yan!"

"Ang pakialamera mo talaga Lala!"inis na sabi naman ni Lee noong hablutin ni Lala ang papel na hawak niya.

Lalaki si Lee at babae si Lala. Kambal silang dalawa. Si Lee ay may kulot na buhok parang salot! Habang ang kakambal niya ay kulot din ang buhok na parang sa manyika. Matanda sila sa akin ng isang taon.

Pinunit ni Lala ang papel at kasabay noon ay ang pagkapunit ng kobra sa harapan ko.

"Takte Lala bakit mo sinira! Naman talaga oh!"

Nakahinga naman ako ng maluwag.

Ang kapangyarihan ng kambal ay gumamit ng papel. Iginuguhit lang nila ang mga bagay na gusto nilang palabasin o kaya naman isinusulat ang bawat letra nito at lalabas na ang gusto nila. Hindi ito iyong ilusyon na ginagawa ni maestro Uji, totoo ang kobra kanina, makakapanakit iyon kung tinuklaw ako. Nasa ilalim iyon ng kontrol ni Lee nga lamang kapag napunit ang papel ay maglalaho na ito o kaya naman ay kapag ibinalik siya mismo ni Lee sa pinanggalingan niya.

"Pasensya ka na Tamara, nagpapapansin lang sa iyo iyang hudas kong kakambal."

Si Lee nagpapapansin? Ano ba ang sinasabi ni Lala?

"Lala nga! Pinagsasasabi mo!"inis na sabi ni Lee.

Bakit nga naman siya magpapapansin sa akin? Pero bakit namumula yata siya?

Nagkibit balikat lang si Lala at hindi na sinagot pa si Lee. Kumuha siya ng panulat at papel. Gumalaw ang kamay niya para gumuhit at pagkatapos ay umilaw ang papel at lumabas mula doon ang isang balot ng tsokolate.

Muryou:Midnight Temptress(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon