Chapter 7-Tagapaslang,Anino,Kanibal

651 24 1
                                    

"Kira,sino ang nagbigay ng permiso sa iyo na tumambay sa klase ko?"nakapamaywang na sabi ni maestro Uji na bagong dating lang sa klase.

Napangiwi naman ako. Nandito kasi si Kira sa tabi ko. May magandang puting pusa na may mahahaba at makintab na balahibo na nakasampa sa balikat niya. Wala naman si Lee dito sa klase kaya nakahinga ako ng maluwag,walang magiging gulo.

"Sabi ko na sa iyo,lumabas ka na bago pa ako mapagalitan.."siko ko pang bulong kay Kira.

"Hindi yan, maestro hayaan nyo na ako dito nanliligaw lang naman ako."

Ano daw?! Namilog ang mata ko..Nag-ingayan ang buong klase. May mga naiinggit,nang-aasar at naiinis.

"Hindi po maestro! Hindi po iyon totoo!"napatayo naman ako.

Nang hilahin ako pabalik ni Kira sa pagkakaupo ko,napasalampak tuloy ako sa sahig. Masakit sa pwet huh!

"Wag kang lumayo sa tabi ko..gusto mo bang itali kita sa puso ko?"sinadya pa niyang ilakas ang pagkakasabi kaya naman namula ako ng husto.

"N-akakahiya ka talaga.."

"Nakakakilig nga ako eh.."

"Siya Kira, manahimik ka kung gusto mong manatili dito sa silid aralan. Palalabasin kita kung gagawa ka ng eksena."

Nakakainis si maestro!

"Eh maestro...hindi nyo naman sila masisisi magandang lalaki naman kasi ako."

"Kira gusto mo bang manatili dito?"nakataas ang isang kilay ni maestro.

Napakamot naman sa ulo si Kira.

"Eh..oho..tss."

Lihim naman akong napangiti. Para kasi siyang bata na napagalitan ng kanyang ama.

Hindi umalis sa tabi ko si Kira. Tahimik lamang naman siya pati ang pusa na alaga niya ay nakayupyop lamang sa sahig. Hanggang sa matapos na ang tatlong oras ay tumayo na si maestro. Sinaluduhan naman ito ni Kira na sinagot ni maestro ng ngisi bago lumabas.

Nang makalabas na si maestro ay agad naman niya akong hinila palabas.

"Kira saan mo ba ako dadalhin? May trabaho pa ako..."

"Wag ka na munang magtrabaho ngayon..ipapasyal kita..pahinga-pahinga din pag may oras.."

"Hindi maaari..baka makarating sa emperador ay mapagalitan ako..."

"Kailangan ko pa bang ulitin sa iyo?..."

"Na si Hiromi lamang ang emperador habang ako si Kira ang batas.."ako na ang nagtuloy ng sasabihin niya. Nanghahaba ang nguso ko.

"Alam mo naman pala eh..iyan ang gusto ko sa iyo eh..wag kang mag-alala ako ang bahala sa iyo."kinindatan niya ako na nakapagpalaglag sa panloob ko.

Pakiramdam ko kapag nasa tabi ko siya ay walang magiging problema.

"Saan mo ba ako ipapasyal?"

"Sa langit."

Napaangat ang isa kong kilay. Anong langit? Hindi pa naman kami patay ah?

"Ang libog mo Kira.."bago pa ako nakapagtanong kung ano iyong sinasabi niya ay may nauna ng magsalita sa akin.

At err..anong m~alibog sa langit? Kahit isipan ko ay nahihirapang isipin ang salitang iyon.

Nang lingunin ko ang nagsalita ay isang malaking tigre na may pakpak ang nabungaran ko. At nagsasalita siya.

"Kai talagang sumasabat ka pa."

Muryou:Midnight Temptress(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon