Chapter 4-Parusang Halik

709 20 4
                                    

Nakatambay ako ngayon dito sa malapit sa silid paliguan kung saan naglalaba ang mga tagasilbi. Nakikita na ang mga panloob nila sa pagkakaupo nila dito sa kinatatayuan namin na mukhang sadya naman talagang ipinapakita. Kundangang manyakis ang mga kasama ko at dito pa napiling tumambay..sabagay ako din naman pero kasi si Tamara lang ang gusto kong manyakin ngayon.

Nasaan kaya iyon? Hindi kasi siya kasama ng mga tagasilbi na naglalaba dito ngayon. Miyerkules naman ngayon at tuwing martes at huwebes lang naman ang klase niya kay maestro.

Pinepeste naman ako ngayon ng mga kasama ko na tatlong bugok na sina Ken,Shin at Shugen! Ang sarap lang pag-untugin ng mga ulol, sabi ba naman didiskartehan nila si Tamara! Ako ang unang nakakita sa kanya sa lawa! Laking tuwa ko nga at nakita ko siya dito sa palasyo tapos ganoon ang sasabihin nila?! Aba putang ina!

"Tang ina! Akin nga iyon!"

At sukat noon ay humalpak ng tawa ang tatlo. Pinapatay ko na tuloy sila ngayon sa tingin.

"Ano ka ba naman Kira dude..binibiro ka lang namin."lumapit sa akin si Ken at tinapik ang balikat ko. Iyong 'dude' na salita na iyon, banyaga, alam ko iyon, ginagamit iyong tawag sa kaibigan,kabarkadang lalaki sa mundo nina Yumi. Sa mundo ng mga mortal pa din lumaki si Yumi kahit sabihing kalahating salamangkero ang nananalaytay sa dugo niya. Hindi masabi kung isinumpa ang anak nila ni Miyata dahil mortal naman ang ina ni Yumi.

Madami na silang alam sa mga salitang banyaga palibhasa ay labas pasok na sila sa mundo nina Yumi. Binigyan nga din nila ako ng diksyonaryong galing sa mundo ng mga mortal. Paminsan-minsan ay binabasa ko iyon.

"Takte! Hindi magandang biro iyon! Biruin nyo na ako na magbibigti kayo sa puno ng talong, na magpapakapon kayo para na din kayong baog! Biruin nyo na ako ng ganoon wag lang iyong eepal pa kayo kay Tamara!"

"Gago ka Kira, ikaw na lang ang magbigti at magpakapon!"apela naman ni Shugen.

"Alam mong kaya kong paibigin siya sa iyo ay maagaw ko siya makiusap ka sa akin na manligaw na lang ako ng iba~~~Tang ina Kira nasaktan iyong buhok ko!"kinuha ko nga ang maliit na kunai sa tagiliran ni Ken at ibinato sa madaldal na si Shin nga lang nakailag tinamaan naman iyong buhok niya na naputol ang ilang hibla, nakakapikon eh!

"May pagkanta ka pa mali naman ang liriko mo! Sa susunod iyang bibig mo na ang patatamaan ko!"

"Seryoso pre hindi namin aagawin sa'yo si Tamara at baka mabaliw ka na."seryoso namang sabi ni Shin.

"Kaso lang parang ang bata naman noong si Tamara sa'yo Kira..kinse lang yata iyon..may tawag kina Yumi sa ganoon eh..ano nga iyon.."tumingala si Shugen habang nakahawak sa baba ang kamay."Alam ko na! Dirty old man!"

Nangunot ang noo ko.

"Ano naman iyon?"

"Eh di gurang na manyakis na pumapatol sa bata! Hahaha!"si Ken ang sumagot.

Nagtawanan silang lahat.

"Mga gago! Tang ina bente lang ako at sariwa pa!"

Sa iyamot ko ay hinugot ko ang espada ko para sugudin sila. Nanlaki ang mata nila habang natawa.

"Sibat na mga pre!"sabi ni Shin.

Agad silang humawak kay Ken at nawala sa paningin ko. Napipikon akong naiwan.

"Oh Kira anong problema?"napalingon ako sa nagsalita.

Si Yona, buntis na siya ngayon. Ang kupad nila taon na noong magkaanak si Rima at Yumi tapos ngayon pa lang sila nakabuo. Kasama niya si Liu,kakambal ni Liu na si Yuri at ang nakababatang kapatid ni Yuri na tagapaslang na si Ren. Ang gulo ano? Inampon si Yuri at lumaki sa pamilya ng mga tagapaslang. Mayroon siyang magkaibang mga mata na nakakatakot kung titingnan. Bisita sila ngayon ng palasyo.

Muryou:Midnight Temptress(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon