Nandito ako sa balkonahe ng bahay namin ni Tamara at nakatingala sa kalangitan habang nakatanaw sa bilog na buwan. Nakaramdam ako ng lungkot. Hindi mababago ng pagmamahal ko ang pagiging kanibal ni Tamara. Hindi mababago ng pagpapakasal ko sa kanya ang kapalaran niya. Napabuntong hininga ako.
Dito kami sa palasyo ng Libre nananatili isang taon mahigit na ang nakalipas. Nagpatayo kami ng bahay malapit sa bahay ni Tandang Kaika. Madami pa din ang hindi tanggap si Tamara,may mga nadidinig pa din ako na bulong-bulungan at ang lahat ng iyon ay hindi ko pinapalagpas. Wala silang magagawa dahil kami ang batas dito sa Emperyo ng Libre sampu ng aking mga kasamahang mandirigma. Malakas ang kapit namin dahil kay Miyata kasama na din si Emperador Hiromi na minsan sa buhay niya ay nabaliw. Napailing na lang ako.
"Pogi ko.."napangiti naman ako nang mapabaling ako ng tingin kay Tami.
"Dyosa ko.."gumanti siya ng ngiti sa akin.
"A-ma!"ang utal na wika ng anak namin na si Kiyo.
Lalaki ang anak namin at si Yumi ang nagpangalan sa kanya. Wala pa siyang isang taon pero bahagya na siyang nakakapagsalita. Dahil din sa kanya kaya dito namin napiling manatili sa Libre para hindi siya mamulat sa pagiging kanibal. Hindi naman sa hindi ko tanggap ang pagiging kanibal na kumakain ng sariwang laman ng hayop,ang sa amin lang ay hindi pa naman nalabas ang kakayahan ng anak namin,hindi pa namin alam kung magiging kanibal ba siya o salamangkero. Isa na din siyang isinumpa kung maituturing katulad ng anak ni Liu dahil magkaiba ang lahi namin ni Tami. Sinasanay namin ang anak namin sa normal na pagkain katulad ng mga kanibal sa isla Basil na sinanay ng hindi kumain ng tao.
Nawala ang lungkot ko nang makita ko ang mag-ina ko. Sila ang nagbibigay liwanag sa buhay ko. Kapag nakikita ko sila nawawala ang isip ko tungkol sa pagiging kanibal ni Tami na para bang normal lang kaming nilalang na umiibig sa isa't-isa.
"Kamusta ang dalawang pinakamamahal ko.."nang makalapit sila sa akin ay wika ko.
"Inaantok na itong si Kiyo hinahanap ka.."kinuha ko si Kiyo at ako na ang bumuhat. Tuwang-tuwa naman ang anak ko.
"Napadede ko na siya pwede na siyang matulog.."nag-init naman ako sa sinabi niya.
Nauna ng pumasok si Tami sa silid namin. Kasama pa namin doon si Kiyo dahil maliit pa siya pero pag malaki na siya ay hindi na ako papayag na hindi siya nakabukod kasi naman eh nauunsyami ang pagmamahalan namin ng dyosa ko sa gabi.
Hinabol ko siya.
"Ako din padede dyosa ko..."bulong ko sa tenga niya. Ramdam ko ang reaksyon ng ibaba ko.
Humarap sa akin si Tami na namumula ang mukha.
"Kira nga! Alam mo naman hindi pwede ngayon..sa ibang araw na lang.."napapalabi niyang sabi.
Napabuntong-hininga ako. Alam ko iyon,hindi pwede ngayon. Wala akong magagawa kundi kalmahin ang alaga ko.
Hindi bale kapag pwede na ay susulitin ko naman..
*****
"Pogi..tulog na si Kiyo..gawin na natin.."abot hanggang tenga ang ngiti nga asawa ko kapag tinatawag ko siya ng ganoon,sabagay ay totoo namang gwapo siya. Kasal na kami ni Kira ang unang lalaking minahal ko at siyang magiging huli. Napakawirdo nga ng paraan ng pagkakakasal namin. Sa gitna ng labanan ng mga kanibal at salamangkero kami ikinasal,si Kira kasi atat. At sa sobrang kaatatan niya ay nagkaanak kaagad kami ng isang lalaki na nakadagdag lang sa kaligayahan ko. Nag-iisa ding anak ni Kira kaya sabi niya ay gagawa daw kami ng isang dosenang anak,nanlaki nga ang mata ko nang sabihin niya iyon. Ang mga magulang niya ay sa Zairo nakatira.
Napatingin siya sa hawak ko na kadena na may mga papel na may orasyon ni Mito. Ginagamit namin ito tuwing kabilugan ng buwan at magpapalit ako ng anyo. Ikinakadena niya ako para hindi ako makapanakit at makapaminsala,ako ang may gusto ng bagay na iyon ayaw pa nga niya noong una. Sabi ko naman ay may anak kami at ayokong masaktan ko ang anak namin kapag nawala ako sa sarili ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa nakokontrol ang kanibal kong anyo,masyado kasi itong malakas. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Nabalutan ito ng lungkot. Laging ganoon sa tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan. Ngumiti ako sa kanya.
"Kira ko..hindi ka pa ba nasasanay..wala man tayong magagawa ay yakapin na lang natin ang katotohanan.."atubili na inabot niya ang kadena.
Nagtungo kami sa isang lihim na daanan papunta sa ilalim ng bahay namin. Tinahak namin ang isang makipot na hagdanan paibaba. Sadyang ipinagawa iyon para sa akin. Dito na kasi kami madalas manatili sa Libre para na din sa kapakanan ni Kiyo. Nagtatampo nga minsan si ina at ama. Sila ang namamahala sa Basil at ang masasamang kanibal ay nakakulong na sa ilalim ng mansyon sa may piitan namin. Nagugulat na lang kami pag biglaan silang napapadalaw nananabik daw kasi sila sa nag-iisa nilang apo. Wala naman kasi akong kapatid.
Sinimulan na akong itali ni Kira nang makarating kami sa may selda. Hindi niya ako tinitingnan.
"Kira ko..mahal na mahal kita..kaya kong tanggapin ang pagiging kanibal ko dahil sa iyo.. Wala ako dito kung wala ka sa buhay ko..."nakangiti kong sabi.
Bahagya ng umayos ang reaksyon ng mukha niya. Natapos na niya akong ikadena.
"Mahal na mahal kita Tamara at kahit anong mangyari hindi magbabago ang pagmamahal ko sa iyo.."
"Alam ko,salamat..Kaya sa isang araw ay may premyo ka sa akin.."mapaglaro ko siyang kinindatan.
"Tang ina Tamara! Wag mo akong akitin dahil baka pagsamantalahan kita habang nakakadena ka dyan!"
Napahagikhik naman ako.
"Sige na kapag natapos na lang ang kabilugan ng buwan tayo magmahalan..nararamdaman ko na ang pagpapalit ko ng anyo.."
"Argghh! Tang ina talaga! Tatlong araw pa iyon! Tigang ako ng tatlong araw!"
Napatawa na ako. Para kasi siyang bata na hindi mabigyan ng kendi.
Ilang sandali pa ay naiwan na akong mag-isa sa selda.
Hindi pa din nawawala ang ngiti ko. Hindi ko alintana ang pagiging kanibal ko. Kahit kabilugan ng buwan hindi mahahadlangan ang kaligayang natatamasa ko ngayon..
At iyon ay walang iba kundi si Kira..
Si Kira ang kaligayahan ko...
Kontento kong ipinikit ang mata ko at niyakap sa kaibuturan ko ang aking pagpapalit anyo.....
~~the end~~
BINABASA MO ANG
Muryou:Midnight Temptress(Complete)
AdventureBukod sa apat na uri ng nilalang na namumuhay sa mundo ng apat na mandirigma na kinabibilangan ng mga salamangkero,samurai,ninja at mangkukulam ay may tatlong angkan pa silang pinangingilagan... ...ang angkan ng mga tagapaslang,angkan ng mga taong a...