Hindi pa ulit nagtatanong si Kira tungkol sa kung saan ako nagmula na ipinagpapasalamat ko naman. Ilang araw din ang lumipas at naging maayos din ang relasyon namin. Oo,kahit na wala kaming pormal na usapan ay parang nagkaintindihan na lamang kami. Lagi niya akong sinasamahan na mamalengke at sa tuwina ay lagi kaming magkahawak kamay. At ilang beses na din kaming ano..nag-ano! Basta iyon na iyon! Pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko ngayon nang maalala ko kung paano niya ako inangkin sa bahay ni Tandang Kaika sa may kusina sa mismong lababo muntik na nga kaming mahuli e. Tapos iyong sa may likod ng malaking puno sa palasyo..isinandal niya lang ako doon at itinaas ng kaunti ang palda ko at inilabas niya ang kanya. Ih! Ang libog ni Kira! Ang landi niya!
Naglalakad ako ngayong mag-isa sa pasilyo ng palasyo nang makita ko ang lalaking kasama noon ni Kira sa bayan na sa pagkakaalala ko ay Akeru ang pangalan. Nakasandal siya sa may poste habang nakapikit at nakahalukipkip. Ang lakas ng dating niya. Magandang lalaki siya pero sa bruskong paraan,na para bang hayop na may magandang lahi. Balbon siya,patunay nga iyong mabalahibo niyang dibdib na nakahantad sa bukas niyang damit. Nagpatuloy ako sa tahimik na paglakad at nilagpasan siya.
"Tamara..ikaw si Tamara hindi ba?"
Napatigil ako at napalingon kay Akeru. Nakakailang ang paraan ng pagkakatingin niya. Mataman at seryoso ang pagkakatingin niya sa akin na tila inuuri ako ng maigi ng kanyang mga mata na katulad ng sa pusa.
"A-ko nga iyon..bakit po?"hindi ko maiwasan na kabahan. May nakakatakot kasi siyang aura.
"Saan ka nagmula? Anong nilalang ka?"
Sa sinabi niya ay kumabog ang dibdib ko. May alam ba siya?
"P-o?"
"Lahat ng lihim ay nabubunyag. Mag-iingat ka."babala niya. May halong pagmamalasakit ba iyong sinabi niya?
"H-indi ko po kayo maintindihan..maiwan ko na po kayo.."mabilis ang hakbang na iniwan ko siya. Kahit nakalayo na ako ay ramdam ko pa ang mabilis na tibok ng puso ko.
"Ate Tamtam!"
Nakita ko si Nami na palapit sa akin. Kasama niya iyong batang lalaki na kapatid daw ng isang mandirigma na nasa mundo pa ng mortal na sinasabi ni Kira,Ken daw ang pangalan ng mandirigma nilang kasamahan at Kino naman ang pangalan nitong bata. Anim na taon si Nami at sa tingin ko ay sampu naman itong si Kino. Kasama din nila ang batang tagapaslang na si Ren na masama ang tingin sa akin. Katulad ni Akeru ang paraan ng pagkakatingin niya sa akin,nang-uuri. Sa tantya ko ay kaedad niya lamang iyong Kino.
"Nana tara na baka nagsisimula na sila doon."
"Ang sama mo talaga Kino! Sabi ng wag mo akong tawaging Nana!"
"Ang arte mo iyon ang gusto kong itawag sa iyo e."
"Saan ba kayo pupunta?"tanong ko.
"Sa silid sanayan po,sama ka sa amin ate Tamtam!"
"Naku..baka bawal ako doon.."
"Kuya Kira! Kuya Kira!"sigaw ni Nami.
Palapit naman sa amin si Kira na bagong dating. Ngumiti siya sa akin,nginitian ko din siya.
"Kuya hindi ba at pwede naman nating isama si ate Tamtam sa silid sanayan?"
"Syempre Nami bunso.. pwede natin siya isama."hinawakan niya ang buhok ni Nami at ginulo pagkaano ay masuyong tumingin sa akin.
"Yey! Tayo na Ren!"masiglang sabi naman ni Nami na ikinawit pa ang kamay sa nakapamulsang si Ren.
"Nene bitaw."inis naman na sabi ni Ren kay Nami na nanghaba naman ang nguso.
BINABASA MO ANG
Muryou:Midnight Temptress(Complete)
AdventureBukod sa apat na uri ng nilalang na namumuhay sa mundo ng apat na mandirigma na kinabibilangan ng mga salamangkero,samurai,ninja at mangkukulam ay may tatlong angkan pa silang pinangingilagan... ...ang angkan ng mga tagapaslang,angkan ng mga taong a...