"Kamahalang Tamara ipinapatawag kayo ng Kamahalang Yasake.."
Napabuntong hininga ako. Nandito na naman ako at nakakulong sa mansyon namin sa isla Basil. May tatlong araw na noong ako ay isama pabalik dito ng mga kawal. Hindi ako pinapayagan na lumabas ng mansyon na walang kasama na sandamakmak na kawal. Kahit nga sa loob mismo ng mansyon ay laging may nakabantay sa akin na kawal o kung hindi man ay mga tagasilbi.
Tumayo ako at sumama sa tagasilbi.
"Prinsesa ko natutuwa akong makita..."malawak ang ngiti na sabi sa akin ni Yasake. Prinsesa ang tawag niya sa akin at ang sabi niya ay siya lamang ang maaaring tumawag ng prinsesa sa akin. Nakakasuya.
Ako hindi natutuwa.
Gusto ko iyong sabihin sa kanya pero pinigilan ko lang.
"Bakit mo ako ipinatawag?"seryoso kong sabi.
"Gusto ko lang sabihin sa'yo prinsesa ko na bukas ay ikakasal na tayo kaya patutulungan kitang ihanda ang mga gagamitin at susuotin mo dito kay Sisi."binalingan nito ang tagasilbi na nagyukod naman ng ulo.
Ano daw?!
"I-kakasal? Hindi iyon maaari..ayokong pakasal sa iyo!"
Ayokong pakasal kay Yasake. Bukod doon ay halos edad ko na yata ang agwat niya sa akin,ang tanda na niya. Pero kung hitsura naman ay hindi naman siya mukhang matanda at makisig din naman..pero kahit na! Si Kira lamang ang nasa isip ko na maging asawa. Napabuntong-hininga ako. Pinipilit ko na siyang alisin sa isip ko. Hindi ko na dapat siyang isipin pa,kaya nga ako umalis sa Emperyo ng Libre ay para sa ikabubuti niya. Hindi ako nababagay sa kanya,magugulo ko lamang ang buhay niya. Hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal niya. Wari ko ba ay tila dinadakot ang puso ko.
Ngumisi na parang demonyo si Yasake.
"Gusto mong makalaya ang magulang mo hindi ba? Ngayon sabihin mo ayaw mo pa din bang pakasal sa akin?"
P-alalayain niya daw ang magulang ko? Iyon din ang pinag-iisipan kong pagplanuhan simula nang dumating ako dito pero ngayon hindi ko na kailangang mag-isip ng paraan dahil ngayon ay nakalatag na sa harapan ko ang solusyon. Pero makakaya ko bang pakasal kay Yasake?
Pero may mapagpipilian ba ako?
Mariin kong ipinikit ang mata ko.
"Pumapayag na ako."pikit mata kong tinanggap ang alok niya at malalim na bumuntong hininga.
Para sa mga magulang ko ito,iyon ang pilit kong isinisiksik sa isipan ko.
"Magaling!"napapalakpak pa si Yasake.
"Paano ako makakasiguro na tutupad sa usapan ang isang tusong tulad mo?"
Bumaba si Yasake sa kanyang trono at lumapit sa akin. May kinuha siyang kung ano sa bulsa ng kanyang kimono at iniabot sa akin.
"Ngayon din ay maaari mo nang palabasin ang mga magulang mo."napatitig ako sa susi na iniaabot niya sa akin.
Kung ganoon maaari ko na talagang mapalaya ang mga magulang ko? Agad ko ng kinuha ang susi at baka magbago pa ang isip ni Yasake.
"Pero tandaan mo prinsesa ko,huwag mong tatangkaing tumakas dahil hindi kayo makakalabas ng islang ito ng hindi namamatay ang mga magulang mo. Nagugutom ang ating mga kalahi..alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin."
Kinilabutan ako. Alam kong kayang gawin lahat ni Yasake ang anumang naisin niya dito sa isla namin,siya ang pinakamakapangyarihan dito ngayon.
Wala akong mapagpipilian talaga kung hindi ang pakasal sa kanya.
BINABASA MO ANG
Muryou:Midnight Temptress(Complete)
AdventureBukod sa apat na uri ng nilalang na namumuhay sa mundo ng apat na mandirigma na kinabibilangan ng mga salamangkero,samurai,ninja at mangkukulam ay may tatlong angkan pa silang pinangingilagan... ...ang angkan ng mga tagapaslang,angkan ng mga taong a...