Nagmamadali akong patungo sa silid ng mag-asawang Rima at Mito. Tinakbo ko na nga ang pasilyo ng palasyo habang bitbit ko ang nilabhan kong kimono ni Binibining Rima. Kagagaling ko lang din sa silid ng kanyang amang si Ministro Nakata. Linggo ngayon at pupunta silang mag-anak sa bayan para sumimba. Ang sabi pa naman sa akin ng mga kasamahan kong taga-silbi ay mataray daw si Binibining Rima sabi pa nga nila ay tila ito anak ng demonyo,kapatid ni satanas,pinsan ni lucifer at pamangkin ni hudas sa katarayan. Inang ko po! Ihh! Baka mapalayas kaagad ako dito sa palasyo..wala pa naman akong mapupuntahan. Kailangan kong magmadali!
Nang mabunggo ako sa isang bulto. Pag-angat ko ng tingin ay nanlaki ang mata ko kasabay ng pamumutla.
"G-inoong Kira!"
"Nagkita tayong muli Binibini. Kung ganoon ay kilala mo pala ako at isa ka sa mga taga-silbi ng palasyo."nakangisi niyang sabi sa akin at kumikislap ang mata. Hinagod pa niya ng tingin ang uniporme kong itim na may kulay pulang rosas na disenyo.
Naku naman! Nalaman niya tuloy na taga-silbi ako dito! Tss.
"E-h..s-ige maiwan ko na po kayo Ginoo, kailangan ko na pong umalis..."dumiskarte na ako ng alis nang hawakan niya ako sa braso ko. Pakiramdam ko ay umangat ang dugo sa mukha ko. Ang init sa pakiramdam ng pagkakahawak niya sa akin.
"Kinakausap pa kita taga-silbi, kilala mo pala ako, kung ganoon ay alam mong mandirigma ako ng palasyo at lahat ay iginagalang ako."tinatamad na wika niya habang nakayuko sa akin.
Hindi ko naiwasang mapalunok sa lapit ng mukha niya at sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Ni hindi siya kumukurap kaya naman labis akong naiilang.
Kailangan ko ng maibigay ang damit ni Binibining Rima!
"Eh~ ano po k-asi..i-yong~~
"Tamara kanina pa kita hinihintay atrasado na kami sa misa. Ang sabi ko sa'yo ay alas syete ng umaga mo dalhin ang kimono ko sa aming silid. Anong oras na? Alas syete kinse na."
Nahugot ko ang hininga ko at napatuwid ng tayo nang madinig ko ang mataray na boses ni Binibining Rima. Yari na ako nito! Kasi naman itong Kirang ito hinarang pa ako e de sana sampung minuto lang akong huli! Pero err~~saan man daanin~~huli pa din..nanlumo tuloy ako..
Nakataas ang kilay sa akin ni Binibining Rima.
"K-asi po~~"sinamaan ko nga ng tingin si Ginoong Kira. Ngumisi lang ito sa akin at kay Binibini noong pinadaanan siya ng tingin, pagkaano ay bumaling muli sa akin ang tingin ni Binibini. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa damit niya sa nerbyos.
"Ina kalma lang po,bawal ang salbahe, sige po madudungisan ang inyong kagandahan."
Napabaling ang tingin namin sa nagsalita. Isang batang babae na nasa edad dalawa na buhat ni Ginoong Mito ang sumulpot. Ang gandang bata. Anak marahil siya ng mag-asawa. Iglap namang napawi ang pagkakakunot ng noo ni Binibining Rima ng bumaling sa kanyang mag-ama. Malawak na ngayon ang ngiti niya,kitang-kita ang pagmamahal sa mga ito.
"Oo nga naman Rima ibalato mo na sa akin itong si...Tamara.."hinayon ako nito ng tingin na tila sinasabi na Tamara pala ang pangalan mo pagkaano ay inakbayan niya ako. Nanlaki naman ang mata ko at sinubukang alisin ang kamay niya pero hindi ko matanggal. Lalo pa niya akong hinapit palapit sa kanya. Ano ba ang ginagawa niya?!
Nginisian lang naman ni Binibining Rima si Ginoong Kira at lumapit na siya sa mag-ama niya. Inakbayan naman siya ni Ginoong Mito.
"Hindi ba at napaganda ko na ang umaga mo ngayon mahal ko..bitin pa ba iyong ginawa natin?"bulong ni ginoo sa tenga ni binibini pero sapat para madinig namin.
Ano ba iyong sinasabi ni ginoong Mito at namula ang mukha ni Binibining Rima? Bitin ang alin?
"Ano ka ba mahal! May nakakadinig sa'yo!"kinurot ni Binibining Rima si Ginoong Mito sa tagiliran at tila kinikilig pa. Kinindatan naman siya ni Ginoong Mito.
BINABASA MO ANG
Muryou:Midnight Temptress(Complete)
AdventureBukod sa apat na uri ng nilalang na namumuhay sa mundo ng apat na mandirigma na kinabibilangan ng mga salamangkero,samurai,ninja at mangkukulam ay may tatlong angkan pa silang pinangingilagan... ...ang angkan ng mga tagapaslang,angkan ng mga taong a...