"Ano ba?! Tang ina! Bitawan nyo nga ako! Magkaka-germs ako sa kakahawak nyo!"nagkatinginan ang mga pipitsuging kawal na nakahawak sa amin ni Tamara na hindi yata naintindihan yung salitang germs,mga bobo kasi!
Inilabas nila kami para dalhin sa bulwagan para litisin. Mabuti nga at nagkaisip sila na bigyan kami ng damit dahil kung hindi ay hindi talaga ako lalabas sa hawla na iyon ng hindi maayos ang damit ni Tamara,magkamatayan pa kami! Syempre sila ang patay,sisiw lang sila eh! Kung ako lang ay ayos lang na nakahubad ako maganda naman kasi ang katawan ko.
Kung bakit naman kasi may posas pa ako na nagpipigil sa enerhiya ko! Parehas kaming nakaposas ni Tami. Nang lingunin ko si Tami ay tahimik lang siya. Aba! Hindi maaari na manahimik ako!
"Kapag ako naabsuwelto babaugin ko kayong mga gago kayo!"
"Pasensya na sumusunod lang sa utos.."
"Walang pasepasensya!"
Napabaling ako kay Tami na siniko ako.
"Tama na Kira masasayang lang ang boses mo sa kanila.."
Nababasa ko sa mga mata niya ang pangamba.
"Ayos ka lang ba?"
Umiling siya.
"Kinakabahan ako.."nanghahaba ang nguso niya.
"Nandito lang ako..ako ang bahala sa iyo.."
Hanggang sa makarating kami sa bulwagan. Dinala kami ng mga kawal sa may pinaka-gitna.
Nandoon si Hiromi sa kanyang trono. Kasalukuyang wala ang kanyang ama na si dating emperador Hajime at emperatris Kazume,nasa Jumon sila para sa isang pagpupulong. Ang alam ko pagkabalik nila ay pupunta sila sa mundo ng mortal para dalawin ang kanilang apo,hindi kasi sila nakarating noong kaarawan nito.
Nandito ang lahat ng mga kasamahan kong mandirigma pati na din ang mga tagasilbi sa palasyo. Nakapalibot silang lahat sa amin. Si Shugen at Yona ay nag-aalalang nakatingin sa amin. Si Liu,Mito at Rima ay seryoso lamang. Hindi ko mabasa kung nag-aalala ba sila o kung ano ang iniisip nila. Si Akeru lang ang tila kalmado at hindi nag-aalala. Nakakangisi pa nga siya. Nag-dirty fingers nga ako sa kanya. Fuck you Akeru! Nag-mouth word pa ako! Napansin ko na wala si Ken. Teka,wala din si Shin?
Nasaan na kaya ang mga iyon?
"T-andang Kaika.. Nami.."garalgal ang boses na anas ni Tami kaya napabaling ako sa kanya.
Hinayon ko ng tingin ang tinitingnan niya. Nasa hindi kalayuan si Tandang Kaika at Nami. Panay ang iyak ni Nami at gusto niyang lumapit kay Tami pinipigilan lamang ni Tandang Kaika. Nakita ko naman si Ren na inirapan si Tami. Tss,ang batang yun talaga,likas na sa kanya ang disgusto kay Tami kasi ay magkakalaban din ang tagapaslang,anino at kanibal. Nagpapaligsahan kasi sila sa pagsakop sa mga emperyo. Napasimangot naman ako nang mapansin ko na doon naman kay Lee nakatingin si Tami. Nung mapatingin naman sa akin ang ulol na iyon ay sinamaan ko ng tingin.
"Sa lahat ng salamangkero dito,siguro naman ay alam na ng karamihan sa inyo na ang babaeng ito ay ang halimaw na gumagala sa ating emperyo,isa siyang kanibal! Dapat sa kanya ay binubura sa mundo! At isa pa ay dapat managot din ang taksil na si Kira! Tama ba ang sinabi ko?!"
Naghiyawan ang salamangkero na tila nagbubunyi sa sinabi ni Hiromi.
"Tang ina ang daldal mo! Palibhasa kinse ka na nagpatuli!"inis kong hiyaw.
Nadinig ko pa ang mga kasamahan kong mandirigma na bahagyang napatawa. Nakita ko naman na tumalim ang tingin ni Hiromi kaya nginisihan ko siya.
"Kunin ang halimaw at parusahan!"
BINABASA MO ANG
Muryou:Midnight Temptress(Complete)
AdventureBukod sa apat na uri ng nilalang na namumuhay sa mundo ng apat na mandirigma na kinabibilangan ng mga salamangkero,samurai,ninja at mangkukulam ay may tatlong angkan pa silang pinangingilagan... ...ang angkan ng mga tagapaslang,angkan ng mga taong a...