Chapter SEVEN

1.9K 32 2
                                    

Kurt's POV

Lahat kami na gulat, lahat kami nabigla. Ng malaman namin na natagpuang patay si Marvs sa loob ng boys cr sa night bar na pinagtugtugan naming magkakaibigan.

Tangna! Sino ang walanghiyang tao, na gumawa nito sa kaibigan ko?! FCK!

" Kurt! Leo! Jerick! " sigaw ng isang pamilyar na boses pero hindi ko iyon pinansin. Dahil... Galit parin ako sa kanya.

" Anong nangyare? " tanong nito ng makalapit sa kinaroroonan namin, niyakap naman niya si Jermaine na kanina pa iyak ng iyak ng malamang wala na ang kanyang nobyo.

" We don't know. Nagpaalam lang siya kanina na mag ccr lang siya, tapos isang oras na siyang hindi bumabalik kaya naisipan na namin siyang puntahan doon. Then yun, patay na namin siyang nakita sa cr " paliwanag ni Leo.

" May naging kaaway ba si Marvs? "

" Kilala niyo si Marvs, Angelie. Hindi siya mahilig makipag-away " singit ni Jermaine sa gitna ng kanyang pag-iyak. Tama sinabi niya. Kilala namin si Marvs na hindi mahilig sa gulo, lalo na ang makipag-away. Kaya malabo na ginantihan lang siya ng naging kaaway niya.

" Kung ganun... Sino naman ang gagawa nito sa kanya? " umiling ako at alam kong ganun din yung tatlo. Dahil wala kaming alam kung sino ang pwedeng gumawa nito sa kanya.

" Kinausap na ba kayo ng mga pulis? "

" Yeah, may nakita silang kutsilyo na ginamit na pangpatay kay Marvs, ngunit wala silang makitang finger prints na magtuturo kung kanino pagmamay-ari ang kutsikyong iyon " Jerick

" Ano? "

" Walanghiya! Walanghiya ang taong gumawa nito sa kanya! Walanghiya! Ahhhh! " sigaw ni Jermaine na nagwawala na sa bisig ni Angelie. Kinuha naman siya ni Leo at doon pinaiyak sa bisig niya.

" You're hurting Angelie, kaya diyan ka umiyak at magwala! At kahit suntukin mo pa ako, kagatin----ARAYYYYY! JERMAINE MASAKIT! JERMAINE!! " sigaw niya dahil kinagat nga siya ni Jermaine sa braso.

" Alam na ba ito ng parents niya? "

" Yeah, tinawagan ko na sila kanina. And their on the way here " si Jerick.

" Tss! Kapag tama lang ang hinila ko, ako mismo ang papatay sa kanya! " tumaas ang kilay ko at Nilingon ko siya. Kahit hindi niya sabihin kung sino ang hinila niyang iyon, alam kong siya ang gusto niyang ipahiwatig. Si Algianna ko.

" Try it, Angelie. At ako mismo ang makakalaban mo! " I said in a greeted teeth. Nakipagtitigan sa kanya ng matalim.

" Sino pinag-uusapan niyo diyan? Kayo talagang mag bestfriend may sarili talaga kayong mundo! " naguguluhan na ika ni Leo na nakangiwi habang hinahaplos nito ang braso na kinagat ni Jermaine na nakayakap parin sa kanya at umiiyak.

" Kung kakampihan mo pa siya, sa oras na malaman mo ang baho niya " pagsasawalang bahala namin sa sinabi ni Leo " I'll proved that to you, that I'm right Kurt! Mark my word! "

" Bring it on! " hindi na talaga siya ang Angelie na nakilala ko, ibang iba na siya. Ibang iba na! Dahil hindi ko na siya kilala.

Algianna's POV

My world is turn into a darkness, when I heard the news about Marvs death. Paanong...

Don't be startled! I'm just starting my plan, oh my new plan pala! I received a teks for her. What the! Changed plan? Wala naman sa usapan namin iyon ah?

Stop that new plan of yours! They are still my friends! At wala silang ginagawa na masama!

Ghad! Anong ginagawa niya?

No one can stop me now. Even you... My evil twin. Break my plans Algianna, hindi lang si Marvs ang buburahin ko sa mundo. Kundi lahat ng mga kaibigan mo at mahal mo, sa skwelahang ito. You know me, Algianna. I'm a woman with a one word.

Adrianna! Pero hindi na ako nakakuha pa ng reply mula sa kanya. I try to call her, pero nakapatay na ang phone niya. That bitch! Ughh! Anong gagawin ko nito? Anong dapat kong gawin?.

Adrianna's POV

Masiyado yatang maaga na nareveal ang pagkatao ko? Oh by the way. Who cares? E kayo palang naman ang nakakakilala saken. At hindi ang mga taong kikitilan ko ng buhay.

Haaa! Feels good, but not at all dahil hindi ko pa siya napapatay. Bakit ko pa ba ito pinapatagal, kung pwede ko namang tapusin agad?. As I've said... Ipapakita ko muna sa kanya ang tunay na impiyerno bago ko siya burahin sa mudong ibabaw!

Nasa funeral kami ngayon ni Marvs, nakikiramay. Tss!

" Condolence po, " I said with a hide smirk on my lips, to the mother of Marvs. Bineso ko siya at ganun din si Kurt.

" Maraming salamat sa pagpunta niyo dito, Ija at Kurt "

" Wala po iyon, Tita. Obligasiyon ko po na pumunta sa burol ni Marvs dahil naging mabait na kaibigan po siya saken at saming magkakaibigan " mabuti? Saan ang ikinabuti niya doon? Ang humithit ng droga? Oh c'mon! Iyon ba ang matino? I think so. Haha.

Masiyado kasi kayong nagpapaniwala sa mga ipinapakitang kilos sa inyo ng lalaking iyon eh, hindi niyo alam. May itinatago ring kulo iyon!

Kaya nga siya ang inuna ko eh, para makita niya kung saang impiyerno siya babagsak kapag namatay na siya! Oh di ba? Nagawa ko? Masaya na siguro ang ugok na iyon ngayon dahil kasama niya na ang mga adik na tulad niya!

Umupo na kaming dalawa ni Kurt sa harapan na upuan, ngunit nagpaalam ito saken na, tutulong muna siya sa pagseserve ng pagkain. What a hearted asshole! Alam kong may kilo ka rin, at iyon muna ang ilalabas ko sa'yo, bago kita kitilan ng buhay!

" Please! Gawin niyo lahat ng makakaya niyo, mahuli niyo lang ang kriminal na pumatay sa anak ko " lumingon ako mula sa likuran, at doon, nakita ko ang Mommy ni Marvs na iinakausap ang dalawang pulis. I hide again my lips to smirk.

Mahuli? Huh!! Kung kaya niyo! Dahil hindi ako magpapahuli sa mga pulis, hanggat hindi pa ako tapos sa plano ko. Oh, ayoko pala talagang magpa huli. Dahil ayoko sa kulungan. Kaya bago nila ako mahuhuli, nasisigurado ko na sa sementeryo na ang bagsak ko at hindi sa isang mabahong selda!

Nakatanggap ako ng teks kaya sa cellphone ko na natuon ang pansin ko.

I'm here outside. I want to talk to you.

Humigpit ang pagkaka hawak ko sa cellphone ko ng mabasa ko ang Teks ng magaling kong kambal!

Tss! Huwag niya lang akong subukang kontrahin at kalabanin, dahil kapag ako nainis pati siya ipapakita ko kung anong impiyerno ang meron dito sa mundo!

Editing ~~

Dark Pretender ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon