Kurt's POV
Hinahaplos ko ngayon ang buhok ni Algianna at tinatanggal ko ang buhok nito na tumatabing sa kanyang maganda at makinis na mukha.
Masasabi ko na... Ang nangyare kahapon sa Burnham park ay ang pinaka masayang nangyare sa buhay ko kasama siya. Ang babaw hindi ba? Pero iba kasi ang feeling eh.
Pero napapaisip parin ako sa sinabi niya nung nagluto ako para sa kanya na nung una ay hindi nito nagustuhan pero nung pangalawa ay nagustuhan niya na.
Sabi kasi nito saken na kahit anong sabihin niya, ay kasinungalingan at huwag na huwag ing papaniwalaan, dahil isa daw siyang magaling na sinungaling. Kahit ano. Kaya nung sinabi niya na 'Ako lagi ang kasama mo araw-araw' ay nagtakha na ako. Paano kasi, hindi ba sabi niya na kung anong sabihin niya ay kasinungalingan? Kaya paanong mangyayare na hindi siya yung lagi kong kasama?.
E kung hindi nga siya iyon, sino ang kasama ko? Sino ang Algianna na lagi kong kasama araw-araw?. Napaka imposble hindi ba? Kaya hindi na lamang ako nagsalita at tinawanan na lamang siya.
Hinawakan ko ang noo nito, napangiti ako nung maramdaman ko na bumaba na ang lagnat nito. Ang tigas kasi ng ulo kahapon eh. Magpaulan ba naman kasi! Parang ginawang probinsya ang Baguio para maligo ng ganun sa ulan. Ang lamig lamig kaya! Buti na lamang ako ay may lahi yatang kabayo dahil hindi ako tinablan ng lamig, kundi pati ako may lagnat narin ngayon.
Dahan-dahan akong tumayo sa kinahihigaan ko dahil kailangan ko siyang ipagluto ng pagkain upang makakain na siya, hindi kasi siya nakakain kagabi dahil ayaw niya akong paalisin eh.
" I love you so much, baby " I give her a smooth kiss on her cheek before leaving her.
After I cooked her food, I took a bath first before going back to her room. I smiled when I saw her, still sleeping. Talagang napagod siya sa ginawa niya kahapon! Haha. Para kasing isip bata eh.
" Baby, its time to wake up! " I said with a loud voice to wake her up. This fast few days, ang tamad niya ng umaga na tumayo. Dati kasi nauuna pa siyang nagigising saken eh, pero ako parin lagi niyang pinagluluto kapag dito siya natutulog.
Nagtatakha ba kayo kung bakit hanggang ngayon nandito parin sa bahay ko si Algianna? Ayaw ko na kasi siyang umuwi sa kanila. Dahil ayoko na siyang mag-isa simula nung maaksidente siya. Natakot ako kung baga, dahil baka hindi lamang iyon ang una o ang huli at baka may kasunod pa iyon. At baka tuluyan na siyang mawala saken at iyon ang ayokong mangyare. Kaya as much as na kami pa, dit muna siya sa bahay ko, aalagaan ko siya at babantayan ko siya. Tutal, tulad ko rin naman ay wala sa bahay ang mga magulang. Pero hindi tulad ko na hiwalay ang mga magulang.
" Baby koooo! " natawa ako sa sinabi ko, dahil first time kong tawagin siya na baby ko, dahil baby lang lagi ang tawag ko sa kanya. Tinawag niya kasi akong Kurty ko eh, at una din iyon ha? Haha. Para kaming mga bagong magsyota lang. Haha.
Oo nga pala, malapit na ang 2nd anniversary naming dalawa, sa next month na! Ano kayang gusto niya? Panigurado kasi na ayaw niya ng material eh, kilala niyo yun, natandaan niyo pa ba kung ano lang gusto niya tuwing monthsary? Hahaha. Natatawa talaga ako dun kapag naaalala ko. Ibang iba talaga siya sa lahat! Kaya mahal na mahal ko siya eh!
Ayaw nitong magising, kaya ginawa o ang una ko ring ginawa sa kanya nung ginigising ko ito. Maraming beses ko siyang hinalikan sa mukha, at ang susunod na mangyayare? Papaluin niya nguso ko, but this time, Mabilis na reflexes ko para umiwas, medyo na trauma kasi ako nung una eh, ang sakit kaya. Huhu. Akala ko nga dudugo yung nguso ko dahil sa napaka lakas na pagsampal niya sa labi ko eh.
BINABASA MO ANG
Dark Pretender ( Completed )
Misterio / SuspensoAll the acts of me, are just all pretended. Nothing true. But, there's the only one true there. That... I love him.