Chapter THREE

3K 42 0
                                    

Kurt's POV

Pagbukas ko ng pintuan ng bahay ko, ay agad na bumungad sa harapan ko si Angelie. Mabilis na naman akong nakaramdam ng galit sa kanya ng dahil sa ginawa niya kanina.

" You have a guts to go here huh? After what you did, Angelie, really? " I said sarcastically and passed through her para umakyat ng hagdan at magtungo na sa kwarto ni Algianna. Yeah, nmay kwarto siya dito sa bahay ko, dahil sometimes or out of the blue moon. Bigla nalang siyang susulpot at sasabihing dito siya matutulog.

" Magagalit ka pa ba saken, kung sabihin kong... " huminto siya sa pagsasalita kaya huminto ako sa paglalakad at nakinig sa idurugtong niya " Si Algianna ang nagtatangka sa buhay mo? " pero sana hind ko na ginawa. Nonsense!

Pagak na tumawa ako at Nilingon siya " Really, Angelie? " muli akong tumawa ng pagak " O ano pang sasabihin mo tungkol sa kanya? Na magnanakaw siya? Na mamatay tao siya? Na kidnapper siya? Ano pa? Sabihin mo na lahat para makaalis ka na! You're so nonsense! Nonsense Angelie! Nonsense! "

" I'm just telling the truth Kurt! Masamang tao si Algianna, at siya ang papatay sa'yo! "

" And so? Wala kana don! Pero paano naman niya gagawin iyon? Mahal na mahal niya ako Angelie. Mahal na mahal namin ang isa't isa. O tama si Algianna sa sinabi niya? Na you're jealous! "

" What? No! Kurt, please! Maniwala ka saken! Ikaw lang ang inaalala ko dito! "

" Kung inaalala mo ako, lumayo kana saken and never go near me! I hate you Angelie, I hate you! " then left her. Ayoko ng pakinggan pa ang mga sinasabi niya kung paninira lamang ang lahat ng iyon kay Algianna.

Tss! For fcking ten years na magkaibigan kami, hindi ko alam na may ganiyang pag-uugali si Angelie. Ugh!

Pero mabilis rin akong lumabas ng kwarto ko na humahangos, when I got a call to someone gamit ang phone ni Algianna. What the hell! Bakit pati siya?.

Lalagpasan ko na sana si Angelie, ng makita ko ito na naglalakad na para bang pagong. Hinarap ko siya na galit na galit habang may luha sa mga mata na ikinabigla niya.

" Napaka imbintera mo, Angelie! Napaka sinungaling mo! " gigil na ika ko sa kanya.

" Hindi ako nag-iimbento, Kurt. Totoo lahat ang sinasabi ko sa'yo, hind ako nagsisinungaling sa'yo! "

" Talaga? E kung si Algianna ang gustong pumatay saken, e bakit nasa ospital ngayon si Algianna, na hit and run kahit na nasa side walk siya! Tulad ng nangyare saken! " her eyes widened. Ako naman ay walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko.

" Hindi ka makapag salita diyan?! Tss! I really don't know you now, Angelie. You're not Angelie Guevarra that I met, that I know And my bestfriend " then left her again. Mabilis na sumakay ng cab.

Be safe, Algianna. Be safe baby, please. Please!

" Nurse, saan dinala yung babaeng na hit and run? " I asked at the nurse station ng makarating ako ng hospital.

" Nasa, ER parin siya ngayon Sir " hindi na ako nakapag pasalamat dun sa nurse dahil nagmadali akong nagpunta ng ER. Pumasok ako doon at mabilis na hinanap ang ward nito.

I want to break down ng makita ko kung ano ang itsura ni Algianna. May benda sa kanyang noo, maraming galos sa katawan at Naka benda rin ang kanyang kanang braso. Jusko, anong nangyare sa mahal ko?.

" Algianna! " sigaw ko sa pangalan niya at nagmadaling lumapit sa kanya't niyakap ito ng mahigpit.

" Kaano-ano po kayo ng pasiyente Sir? " lumingon ako sa nagsalita, isang nurse. Pinunasan ko ang luha ko atsaka ko ni linis ang lalamunan ko.

" B-boyfriend po niya ako, Nurse " tumango ito " A-ano po pala ang sabi ni Doc, is she okay? Kailan siya magigising? "

" The doctor said earlier, is... She's okay, but she need to monitor dahil sa natamong damage sa kanyang ulo " napasinghap ako " But don't worry, wala namang grabeng nangyare sa ulo niya, we just need to monitor her head because our head is sensitive. You know that right? " nakahinga naman daw ako ng maluwag sa sinabi niya atsaka na ako tumango " And that's all, maraming scratches na nakuha, pasa sa katawan, konting bali ng buto sa braso, but nothing to worry about, dahil kung baga sa napilayan, ganun lang siya and last... She will awake after two days "

" Ahh, thank you! Nurse! Jusko pinakaba mo ako dun! " natawa naman saken yung nurse. Maya't maya lang ay nagpaalam na siya saken.

Two days? Two days na hindi ko makakausap ang mahal ko. Bwisit! Sino ba ang walanghiyang gumagawa saming magsyota ito? Anong nagawa naming kasalanan sa kanya para gawin niya ito samen?. Pero sana kung may nagawa man kami sa kanya, ako nalang sana ang gantihan niya. Huwag na si Algianna.

After two days...

Someone's POV

" Are you ready? " I smirk when I got an answer. Nagsimula na akong mag-alis ng damit ko hanggang sa undergarments nalang ang natira saken.

Kurt's POV

" Baby! " tumakbo ako patungo kay Algianna ng makita ko na patayo ito sa kanyang kinahihigaan. Gising na siya. Thank God.

" I want to pee, " tumango ako sa sinabi niya atsaka ko inilagay sa side table ang pagkain na binili ko. Inilalayan ko siya hanggang sa makarating kami ng banyo. Pumasok din ako sa loob na ikinatingin niya saken na para bang nababaliw na ako " Out, "

" Are you sure? You're hurt baby, atsaka baka mabinat ka, kaya alalayan kita "

" Fine, talikod! " ginawa ko naman iyon, atsaka hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

" I'm happy that you're awake, baby. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon "

" Shallow fun. " Aww, wala pa siguro sa mood makipag-usap ngayon si Baby. Sige, mamaya ko nalang siya kakausapin. Pero masaya talaga ako at gising na siya. Makakasama ko na ulit siya at makakausap ng matagal. Na miss ko siya ng sobra.

-

" Gusto mo bang ilabas muna kita baby? Dalawang araw ka na kasing hindi naarawan eh " I suggest habang inililigpit ang pagkainan naming dalawa.

" No, what am I? A baby? A infant? No thanks " napatigil ako sa ginagawa ko, pero Mabilis rin akong gumalaw. Medyo kasi naninibago ako sampagsasalita ni baby eh, lalo na ang pakikipag-usap niya saken ngayon. O baka naman...

Mabilis na nagtungo ako sa doctor niya, nagtanong ako sa kanya kung nagkaroon ba ng damage ang ulo ni Algianna para mag-iba ang pakikitungo nito saken. Pero sabi ng doctor niya, wala namang naging damage at baka dala lamang daw ng trauma ang ikinikilos niya ngayon. Kaya suhestiyon ng doctor, ay intindihin ko daw muna siya. Naiintindihan ko, baka iyon nga muna ang kailangan ngayon ni Algianna.

Hindi narin nagtagal si Algianna sa hospital at nadischarge narin ito agad. Gumagaling na kasi ang mga pasa nito, lalo na ang kanyang mga natamong sugat. Mag i-stay pa sana siya doon ng isang araw pa eh, dahil may benda pa ang kanyang ulo. Pero ayaw na nito, kaya iniuwi ko nalang siya.

Nakita ko si Angelie pagbaba ko ng taxi na nakatayo sa harapan ng gate ng bahay ko. Pero hindi ko siya pinansin, at nilagpasan lamang siya.

Hindi ko muna kayang makipag-usap sa kanya ngayon, masiyado pang masakit ang ginawa niyang paninira kay Algianna. Hindi ko pa siya kayang patawarin. Hindi pa muna sa ngayon...

****

Editing~~~

Dark Pretender ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon