Chapter EIGHTEEN

2.1K 38 1
                                    

Kurt's POV

Kung isang panaginip ang lahat ng nangyayareng ito ngayon... Sana magising na ako. Dahil nasasaktan ako, nasasaktan ako ng sobra sa mga nalalaman ko tungkol sa mahal ko. Please! Someone! Wake me up! I don't want this nightmare! Please! Wake me up! Huhuhu.

Matapos magkaaminan, kaming tatlo dito sa loob ng kwarto ko ay natahimik. Lalo na si Algia-- I mean si Adrianna na natahimik nalang bigla ng aminin ni Angelie na siya ang dahilan kung bakit nasagasaan na ikinamatay ng mga magulang nito.

Hindi ko alam na pwede pa lang maungkat ang nakaraan kahit napa katagal na nito. Bata pa kaming lahat noon. Walong taong gulang. At hindi ko rin lubos akalain na, makakaisip ng ganito ang isang batang tulad niya noon na maghiganti, gamit pa ng pagpatay. At ang masakit pa sa lahat... Ay ang batang iyan ay ang taong mahabol ko ngayon.

Bakit? Bakit sa dinarami rami ng batang pwedeng maging iyon, ay bakit siya pa? Bakit sila pa? Huhuhu. Kung napigilan ko lang sana noon si Angelie na huwag pakialaman ang kotse ni Dad, hindi sana mangyayare ito. Hindi sana namatay ang mga magulang nila, at hindi na sana aabot ang lahat sa ganito.

Bumasag sa katahimikan naming tatlo ang pagbukas ng pintuan. At tumambad doon ang mga kaibigan ko, kasama nila si... Napatayo ako sa kinauupuan ko.

" Algianna! " tumakbo ako sa kanya atsaka ko siya niyakap ng mahigpit " Thank God, you are safe! " b-bakit, bakit parang may iba? May kakaiba?.

" Boss, hulihin niyo na po siya " ika ni Leo na halata ang galit sa boses " Siya po ang pumatay sa mga kaibigan namin! " mabilis na kumawala ako sa pagkakayakap kay Algianna nh makita ko na kay kasama silang mga pulis. Huhulihin nila si Adrianna? Hindi Pwede!

" Boys! Cuff her and bring her to the jail! " kukunin na sana siya ng pigilan ko ang mga ito.

" Sandali! " atsaka ako humarang sa harapan nila " You can't do that! "

" Kurt! What are you doing? " Nilingon ko si Jerick " Siya ang pumatay sa mga kaibigan naten, baka nakakalimutan mo? Kaya hayaan mo na ang mga pulis na kunin siya at ikulong ng panghabang buhay sa kulungan! "

" But-- "

" Let them be, " napalingon ako sa likuran ko ng bigla na lamang siyang magsalita. Tumayo at wala ng mga tali sa kamay at paa. Paanong-- bigla siyang may hinulog kutsilyo sa gilid niya " May ginawa akong kasalanan, kaya marapat dapat lang saken ang makulong "

" Adrianna... " pagtawag ko sa kanya na ikinaangat ng tingin nito saken.

" Patawarin mo sana ako sa lahat ng ginawa ko sa'yo.. Kurt " she said then passed through me.

" AHhhh! " tili nila sa likuran ko, kaya mabilis na lumingon ako sa kanilang lahat at ganun nalang ang pagkabigla ko ng !makita ko si Adrianna na may hawak-hawak na baril at nakatutok ito sa sentido niya.

" Adrianna huwag! Please! Please sumuko ka nalang! Huwag mo ng gawin iyan sa sarili mo! Please! "

" Ano ako tanga para magpahuli nalang? Siguro nga't naisahan niyo akong lahat kanina, pero hindi niyo na mauulit ngayon iyon! " ika nito habang umuurong patungo sa terrace ng kwarto ko. Pumasok na ang mga pulis atsaka pinalabas ang mga kaibigan ko, ngunit ako ay nanatili lamang sa loob ng kwarto ko at pinanuod siya. Tinutukan narin siya ng baril ng mga pulis at sinasabihan na sumuko nalang ito. Pero ayaw talaga nito.

" Adrianna " pagtawag kong muli sa kanya, lumingon naman ito saken " P-please, sumuko ka na " umiling ito

" Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako papahuli sa mga pulis hanggat hindi ko kayo napapatay lahat, kaya hindi ko isusuko ang sarili ko. Dahil kilala akong may isang salita, na kung anong sinabi ko, gagawin ko. Pero may nagbago, nagbago dahil sa maling akala. Nagbago dahil hindi ikaw ang pumatay sa mga magulang ko. Kaya babaguhin ko nalang ang sinabi ko. Na imbis na patayin kayong lahat... Ay papatayin ko nalang ang sarili ko "

My heart beats fast ng dahil sa sinabi niya. Maraming beses na umiling ako sa kanya.

" N-no! You can't do that! "

" I can, Kurt. I can "

" Adrianna! "

" No please! I love you! " and there, I said it. Mahal ko siya, mahal na mahal ko siya. Hindi bilang si Algianna, kundi bilang siya... Si Adrianna.

" Hahaha, you're insane! I'm not Algianna to love me! "

" Adrianna, totoo ang sinabi ko. Mahal na mahal kita. Ikaw na ang mahal ko, at hindi si Algianna! "

" Stop making this hard Kurt! You don't love me! You just love me because you know that I'm Algianna! But truthfully say to you, I'm not her. Kaya stop pretending and saying that you loved me because you're not! "

" P-please, believe me! "

" Whatever if you're telling me the truth Kurt, I can't love you back at mawawala rin iyan, kapag na laman mo na ako ang nagtatangka sa buhay mo ng maraming beses, kaya lagi kang nasa ospital nag-aagaw buhay, but in the end, naililigtas ka ng mga doctor. Nabubuhay ka. "

" Pero nagawa mo iyon dahil akala mo, ako ang pumatay sa magulang mo. Hindi ba? Kaya naiintinihan kita at hindi sapat na dahilan iyon para hindi na kita mahalin "

" Tumigil ka na Kurt, pagod na ako, pagod na pagod na ako " napasinghap ako at hindi ko na alam ang gagawin ng ibalik niya sa pagkakatutok sa ulo niya ang baril " Ikaw na bahala sa kapatid ko ha? At... Patawad sa inyong lahat "

" ADRIANNA! HUWAG! "

Editing ~~

Dark Pretender ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon