1 (Dennise)

3.3K 59 0
                                    

Hello Philippines and hello world!!! Wew! Nakakapagod maging maganda. Hehehe... At bakit ko po nasabing nakakapagod maging maganda? Ikaw ba naman dumugin ng mga fans, mapalalaki o babae man. Ngayon, I therefore conclude, nakakabahala na talaga ang magiging maganda.

Heto ako ngayon, hinihingal sa kakatakbo. Mabuti naman at nalusutan ko ang mga nerd na yun. Kung makapagyaya ng date akala mo kung sinong makapangyarihang nilalang na hindi pwdeng tannggihan. Nakakatakot ang mga aura kaya no choice ako kundi ang tumakas.

"Dennise? Anong ginagawa mo jan sa halamanan?" Takang tanong sakin ng kung sino yun. Kaya dahan-dahan akong lumingon sa pinanggagalingan ng boses na yaon.

"Ate Fille... Kumusta?" Patay malisya kong tanong sa kanya.

"Okay lang.. Teka, di mo sinasagot ang tanong ko." - Fille

"Ha? Ano yun ate Fille?"

"Bakit ka nanjan? Lumabas ka nga dito. Pinagtitinginan na tuloy ako ng mga estudyante dito. Akala nila kinakausap ko yung mga Santan." - Fille

Lumingon-lingon muna ako bago lumabas.

"Hehehe... Nakakatakot kasi yung kambal na nerd. Namimilit na i-date daw ako. Mga katakot kaya sila." - Dennise

"Hahaha... Nakita ko nga sila dun sa pathway, umiiyak habang sinasambit ang pangalan mo." - Fille

"See!!! Baliw na yata sila e. San mo sila nakita ate Fille?" - Dennise.

"Sa pathway nga! Nag-uunahang umagos yung mga luha at uhog nila. Kadiri..." - Fille

"Yuccckkk... I mean, saang pathway ate." - Dennise

"Dun sa Science Bldg. Parang paalis na rin, rinig kong kausap nung isa na pasundo na sa driver nila e." - Fille

"Ahh.. Mabuti naman. Nakakatakot na maging maganda ate Fille." -Dennise.

"Lumakas yata ang hangin. Ikain mo na nalang yan Den, halika. Samahan mo ako sa cafeteria, ilibre mo ako ng siopao." -Fille

"Wow! Lakas natin magyaya tapos papalibre lang pala. Dun ka sa singkit mo magpapalibre!"

"Naku, wag mo ng asahan yun. Busy lage sa training. Alam mo na, malapit na intrams." - Fille

"Hmmm... Tara na nga, nakakagutom tumakbo. Pero, sa labas na lang tayo kakain."

"Sa caf nalang Den, may ireresearch pa kasi ako sa library pagkatapos mo akong ilibre. So, tara na?" - Fille

Aba! Lakas talaga magyaya. Papalibre lang naman. Kung di lang kita kaibigan, sinapak na kita.

"Tara na nga!"

_______________________

"Magboyfriend kana kaya para wala ng mangungulit sayo para i-date ka."

Sabi sakin ni ate Fille. Nagbabalat siya ngayon ng sunkiss.

"Ayoko. Istorbo lang yan sila sa carreer ko ate."

"O baka naman, hindi boyfriend ang hanap mo?"

Huminto siya ng pagbabalat at ngingiti-ngiting tiningnan ako.

"Hay naku! Nilalason na talaga yang utak mo ni singkit! Wag mo nga akong gayahin sayo. Never yan mangyayari ate."

Sabi ko sabay sip sa juice ko. Siya kasi may girlfriend. Ang team captain ng Vanguards Softball, si Gretchen Ho. Atsaka sobrang PDA nila.

"Naku! Sinabi ko na rin yan dati Dennise. Pero look at me. Masaya na ngayon with Gretch. Dennise, masaya magmahal at mahalin. Ang pagmamahal kasi walang pinipili yan. Kusa mo nalang yan mararamdaman. At pag dumating yun, wala kanang magagawa kundi sundin yung nararamdaman mo."

Sabi ni Fille na kumikinang pa ang mga mata. Halata ngang inlababu kay Gretch. Hindi ko nga inakala na ganun pala siya, dalagang Filipina kasi ang dating niya. Nene na Nene pero, sa Nene rin pala ang bagsak.

"Dennise, ito lang masasabi ko sayo. WAG KANG MAGSALITA NG PATAPOS!!! Balang araw, kakainin mo rin yang sinabi mo."

Sabi niya at pagkatapos ay hinagod ako ng tingin. Kaya kusang kumunot ang noo ko. Ano na naman problema nito.

"Duhh! Whatever ate Fille."

Ooppsss.. So rude of me. Di pa pla ako nakapagpapakilala sa inyo. Ako nga pala si Dennise Michelle  Garcia Lazaro. Isang super maganda, at super talented na tao. Mayaman pero salat sa pagmamahal ng magulang. Lumaki ako na Lola at mga katulong lang kasama sa bahay. Ngunit laking pasalamat ko na rin kasi mahal na mahal ako ni Meme.

Kumusta? Sensya na medyo sabaw. Don't worry, pa-intense nang pa-intense ang bawat susunod na kabanata dito. Sa ngayon, pagtiyagaan niyo muna to.

-kithako88

"Miss Green" (AlyDen - GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon