4 (Maddie)

1.5K 35 2
                                    

Dahil nagugutom ako, lumabas nalang ako at nagpunta sa park. May park malapit sa dorm namin kaya naisipan kong doon nalang tumambay. Lilibangin ko nalang ang aking sarili.

Umupo ako sa bakanteng bench doon. Marami ring magkasintahan na nagdi-date.

"Hmmpp!  Walang forever oy!"

Bitter ko ba. Bahala nga sila dyan, anlalandi. Humiga nalang ako sa bench. Ginawa kong unan ang kanang braso ko. Andaming stars. Maya-maya ay napansin kong may isang malaking puno. Kaya bumangon ako at pinuntahan yun. Umupo ako at sumandal sa doon at pumikit.

"Kumusta kaya si Ma'am Caymo ngayon?"

Tanong ko sa sarili ko. Di ko pa kasi siya nakita ulit nang pinasok niya ako sa VSU.

"Sino yun?"

"Fuck!!!

Napatayo agad ako sa sobrang gulat. Sa pagkakaalam ko, mag-isa lang ako dito.

"Sino ka? May tao ba dito?"

Tanong ko.

"Hahahaa... Ang epic ng mukha mo!"

Sabi ng maputing babae na nakaputing dress.

"Napaganda mo.... Mahal na diwata!!!  Huwag niyo po akong parusahan. Wala po akong  masamang balak na gagawin sa tahanan ninyo. Ang tanging pakay ko lamang ay magpahinga. Paumanhin po kung nagambala ko po ang inyong pananahimik. Hindi na po mauulit mahal na diwata."

Mahabang turan ko at lumuhod pa ako para makuha niya na sersoyo-seryoso talaga ako sa aking sinabi.

"Tumayo ka nga diyan! Ang O.A mo. Tao po ako at hindi diwata. Ano bang ginawa mo dito sa ganitong oras?"

Sabi niya sakin at pigil na pigil sa pagtawa.

"Seryoso ka?"

Naku! Nakakahiya naman. Lumuhod pa talaga ako. Shit!

"Oo nga!"

Sagot niya at umupo.
Umupo na rin ako at tumabi sa kanya.

"Actually di ako makapasok sa room ko sa dorm kasi may kumuha ng bag ko."

Paliwanag ko sa kanya.

"Ahh.."

Sabi niya.

"Ahm, ikaw? Anong ginawa mo dito? At nakadress pa talaga ha?.."

Tanong ko sa kanya.

"May tinakasan kasi akong date. Kaso ayaw ko pang umuwi, bilin kasi sakin ni Daddy ay magpahatid ako sa ka-date ko."

Paliwanag niya.

"Ah, bakit ka naman tumakas? Pangit ba yung ka-date mo?"

Tanong ko.

"Hindi naman. She's pretty though kaso may sabit ata kaya di na ako nagpakita."

Malungkot na sabi niya.

"Pretty? Sabit? You mean, May asawa na? Pardon?"

Nalilito talaga ako swear.

"Maganda siya as in magandang gwapo. Kaya lang nakita kong may kahalikan siya sa parking area ng restau na pagkikitaan sana namin kaya di ako tumuloy."

Pagkasabi niya nun ay umiyak siya. Loko yun ah!

"Hush... Don't cry please... Di siya dapat iniyakan. Mabuti nga't nalaman mo na agad na may jowa na pala yun.."

Pagpapagaan ko ng loob niya. At niyakap ko na rin siya. Hmm... Ambango ng buhok niya.

"Hahaha.... I'm Maddie nga pala. Kanina pa tayo nagdadramahan dito pero di pa tayo nagpapakilala sa isa't-isa."

Sabi niya. Loko to, tumawa ba naman bigla. Pero tama nga naman siya, di pa kami magkakilala.

"Ahehe... Charmagne. You can call me Cha."

Sabi ko at inabutan siya ng kamay pero bigla niya akong hinalikan sa pisnge at niyakap.

"Hello Cha, pwede bang ikaw nalang ang date ko? Please.. Gutom na ako e. Kakain tayo sa favorite restau ko. I'm sure magugustuhan mo doon."

Masaya niyang Sabi at hinila ako patayo.

"Ha? T-teka Maddie.... Anong date?"

"Let's have our first date.. Let's go."

Sabi niya at hatak hatak ako sa kamay.

"Maddie... S-seryoso ka? E pareho tayong babae..."

"Wag ka nga jan. Panu naman kung pareho tayong babae? E sa nagmamahalan naman tayo!"

Sabi niya na hila hila pa rin ako.

"A-anong nagmahalang sinasabi mo?"

Winaksi niya ang kamay ko at tiningnan ako ng masama.

"Wala!! Sige na uuwi na ako. Ganun ba ako kapangit ha?!"

Sabi niya at humagulgol ng iyak saka tumakbo. What the! Naku naman.. Ano bang ginawa ko?

"Hey Maddie!... Maddie ano ba?"

"Pabayaan mo na ako! At wag mo akong sigawan! Oo na! Pangit na ako. Nakahiya... Anlakas ko pang magyaya ng date.. Huhuhu"

Hagulgol niya habang tumatakbo. Kaya ako naman panay habol sa kanya.

"Maddie... Please wait.. Huminto ka nga muna.. Pagod na ako, di kaba napagod?"

"Bakit sinabi ko bang habulin mo ako?"

Hay naku naman.. Bata ba tong kausap ko?

"Maddie! Ano ba!"

Ayan, sa wakas huminto rin. Wew... Pinawisan ako ng maraming singot.

"Hmp! Nakakainis ka!"

Sabi biya while stomping her feet.

"Sorry na... Nabigla lang naman ako e. Tapos, unusual kasi sakin yung ganun.. Alam mo na."

Paliwanag ko. Nilapitan ko na rin siya at pinunasan ang luha. Nakatitig lang kami sa isa't-isa.

"Ang ganda mo."

Out of nowhere kong sabi. Teka? Lintek na bunganga to.

"Talaga? So, inlove kana sakin niyan?"

Panunukso niya sakin at ngumiti. Wow! Hangkyut niyang ngumiti, nawawala ang mga mata niya't nakakabighani. Teka? Ano ba yung pinagsasabi ko?

"H-ha?"

"Hehehe... Let's go? I'm hungry na po talaga.

Sino ba tong kausap ko? Kanina may paiyak-iyak pa siya ngayon naman super excited na naman.

"Ahm, Maddie... Ano kasi.. Ah.."

Panu ba to? Nakakahiya naman na sabihin kong wala akong pera. 50 pesos lang meron ako dito.

"Yes Menmen?"

Hanudaw? Menmen? At ang clingy niya pa ha. Ano ba tong babae na'to?

"Teka, di kaba natatakot sakin? Panu pala kung masamang tao ako?"

"Hay naku. Wag ka nga jan! Unang kita ko palang sayo, alam ko ng di ka masamang tao. At pwde bang kumain na tayo? Gutom na talaga ako. Nd don't worry, ako ng bahala sayo Menmen."

Sabi niya at pumara agad ng taksi.

"Baka naman, ikaw nga ang bahala ako naman ang kawawa."

Sagot ko.

"Pasok ka na nga, dami mo pang satsat. Manong sa Kilithako Resto and Grill po tayo."

Sabi niya at pinaharurot naman ng driver ang sasakyan. Di kalaunan ay dumating na rin kami sa sinabi niyang kainan. Siya na rin ang nagbayad sa taxi.

"Miss Green" (AlyDen - GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon