"Dad.... Don't daddy. Please, don't do that!!! Daaaadddd...."
"Cha, gosh.. Wake up! It's just a dream sweetie. Sssshhhh... It just a dream." Angsakit sa puso. Anhirap huminga. Hinihingal ako. Parang totoo talaga ang nangyari. Pero, dahil yakap-yakap ako ni Dennise. Unti-unti na rin akong kumakalma. Nagiging kalmado na rin ang pahinga ko.
"Thank you..." Sabi ko kay Den, hinahagod niya ang balikat ko hanggang likod. Nandito kami ngayon sa apartment ko, lumipat ako dito, mas malaki sa dorm ko dati. It's been 1 week na ring nakalabas ako ng hospital at it's been 1 week also that I'm dreaming about dad. But since my lovely girlfriend is with me, I'm okay atleast.
"Hmmm, thank you for what Moo? Nanaginip kana naman... Okay kana ba?" Tanong niya sakin. Sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya.
"I love you.. Thank you for staying, thank you for loving me, thank you for understanding me..." Sabi ko habang inaamoy amoy ang leeg niya. Ewan ko, basta naaamoy ko sya, kumakalma na ako.
"And I love you more Moo... Hmm... Ano na nararamdaman mo ngayon? Okay kana ba?" Sabi nya while cupping my both cheek. She then give me a peck in my lips.
"Um uh!" Sagot ko sabay tango-tango sa kanya. Ngumiti naman siya sakin ang pinanggigilan ang pisnge ko.
"Cute cute talaga ng mahal ko.." Sabi niya at pinugpog ako ng halik. Pagtingin ko sa relo ko ay 4:45am na pala kaya naisipan naming maghanda ng agahan. Plan kong puntahan si mommy or si Kuya today. Bale option lang si Kuya kapag di available si Mom. Binubully kasi ako nun e.
Kararating ko lang galing sa bakery, paborito ko kasi tong hot padesal e. Para bang di kompleto ang araw ko pag di ako nakakain nito. Nagluluto na ako ngayon ng scrambled egg at hotdog. Si Dennise naman ay naliligo pa sa loob.
"Mmmm..... Ambango naman niyan mo. Natatakam na ako.!" Sabi ni Den habang inaamoy ang likod ko.
"Hmm, ako yata ang gusto mong kainin e! Hahaha!" Sabi ko sa kanya, mas sinuksok pa niya ang mukha niya sa likod ko. Nakikiliti tuloy ako. Pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagtimpla ng kape ko.
"Let's eat na..." Sabi ko sa kanya pero ang mahal ko ayaw pang bumitaw. Hinarap ko sya at niyakap. Hinalikan ko ang buhok niyang medyo basa pa.
"Hmmm... Ambango naman.. Gusto kong puntahan si mom mamaya babe..." Sabi ko sa kanya. Siya naman hinahalik-halikan ang pisnge ko, ang ilong ko at ang jawline ko. Sh*t! Napahigpit tuloy ang hawak ko sa waist niya.
"Ahuh!" Sabi niya habang patuloy akong pinugpog ng halik. Minsan ay may marahan pa niya akong kinakagat-kagat.
"Babe..." Tawag ko sa kanya, bumibigat na ang paghinga ko. Shemay! Kaso nahihiya talaga ako. Lagi na siyang ganito at siguro ganun talaga sya, sweet.
"Hmmm?" Sabi niya at sa leeg ko na naman sya puwesto. Juice colored!
"Mainit... Ahhh.. Ahhh... Babe.." Biglang bigkas ko. Wala na yata ako sa katinuan. Sh*t! Ano ba to?
"What?" Tanong niya habang dinadampian ng halik ang labi ko sabay kagat-kagat ng marahan.
"Stop teasing me.... Baka ikaw ang kainin ko." Nahihirapan kong sabi sa kanya. Ngumiti lang sya sakin at nagtaas-baba ng kilay.
"Hehehe.. Effective ba Moo? I love you, kain na tayo." Sabi niya at dali-daling umupo. Napahugot nalang tuloy ako ng isang malalim na buntong-hininga at umupo.
Bago namin pinuntahan si mom ay dumaan muna kami flower shop, mahilig si mom ng flowers. Pasimple ko na ring inabutang ng isang tangkay si Den ng blues rose. Alam kong kinilig siya. Kinurot niya ako e. Aruy!
"I love you." Bulong ko sa kanya at inamoy ang leeg niya. Hmmm.. Sarap!
"Mahal din kita." Ganting bulong niya rin sakin. Ngumiti lang ako sa kanya. Yung kita lahat ng dimples sa mukha ko.
---------------------
"Hi Hanna, si Mommy?" Tanong ko sa secretary ni mom.
"Good morning Aly, nasa office niya po si Madam, nandun din si Sir Alden." Tumango lang sa kanya. Pansin ko kasi na masama ang tingin ni Den kay Hanna.
"Let's go babe." Sabi ko kay Den, magkahawak kamay kami mula pa kanina. Tumango naman sya siya sakin at tinungo na namin ang office ni Mom. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.
"Ayaysya! Hahaha...." Bati sakin ni kuya at niyakap ako ng mahigpit.
"Aishh... Bitaw na kuya. Papatayin mo yata ako e!" Reklamo ko kay kuya. Kung makayakap kasi wagas!
"Na-miss ko lang ang bulol kong kapatid. Hi bayaw!" Sabi niya at nagbeso kay Den. Lumapit naman ako kay mommy.
"Good morning mom, here.. Flowers for you. I love you." Sabi ko at humalik sa noo niya.
"Aww.. So sweet.. I love you too my baby..." Sagot ni mom at niyakap ako. Lumapit naman si Den kay Mom ay nagbeso.
"Mabuti pa si Alyssa binigyan ako ng flower, itong si Alden wala man lang kasweetan." Pagpaparinig ni Mom kay Kuya.
"Bleehh..." Sabi ko kay Kuya. Akala niya siya lang ang bully.
"Naku mommy, wag padala jan kay Ayaysha, may kailangan yan kaya ganyan!" Sabi ni kuya kay Mom.
"Oy! Wala. Gusto ko lang makausap si Mom." Depensa ko.
"Ikaw talaga Alden, wag mong itulad yang kapatid mo sayo!" Ganito kami kung mag-usap. Parang magkabarkada lang. Hinawakan ko ang kamay ni Den at ginawaran ng halik sa pisnge. Para di niya ma-feel na mao-OP sya.
"Oy! Mommy oh, PDA sila Ayaysha.." Sumbong ni kuya kay Mom pero ngumiti lang si mom.
"Mom, may balita na po ba kay dad?" Tanong ko. Bigla naman nalungkot si Mommy.
"Simula kasi nung nakalabas ako sa hospital, lage ko siyang napapaginipan... I missed him." Sabi ko. Niyakap naman ako ni Mom.
"Baby, andito naman si Mommy." Sabi niya habang hinahaplos ang balikat ko. Bigla naman pumintig ang ulo ko. Angsakit!
"Aray... Ahhh... Mom, my head.."
"Anak, anak anong nangyayari sayo?"
"Alden, tawagin mo si Dr. Fajardo." Rinig kong utos ni Mom kay Kuya.
"Charmagne! A-alyssa, ito tubig." Sabi ni Den at pinainom ako ng tubig. Ewan ko kung sino si Charmagne. Lagi nalang niya akong tinatawag na Charmagne, pati na rin yung barkada ganun din ang tawag sakin.
"Okay, relax Moo.. inhale.. Exhale.." Sinunod ko ang sinabi ni Den. Pagkatapos ay sumubsob ako sa leeg niya. Hay, ansarap sa pamiramdaman. Mabuti nalang lagi nandito si Den sa tabi ko at di ako iniiwan. May Narinig akong may umiiyak, paglingon ko.. Si Mommy.
"Mom! Why are you crying? Look I'm fine. Stop crying na po." Sabi ko sa kanya at niyakap sya.
"I can't bear to be separated again from you baby... I love you so much." Sabi niya habang humihikbi.
"Mom.." Si kuya Alden at niyakap na rin kami.
"Dennise, please alagaan mo si Alyssa namin. Wag na wag mo siyang sasaktan. Napakaimportante si Alyssa samin ni Mom." Sabi ni kuya kay Den.
"Seryoso niyo naman!" Sabi ko at niyakap ang mahal ko. Si Dennise, niyakap niya rin ako. Hmmm.. Heaven!
"Makakaasa po kayo kuya." Sabi ni Den kay kuya at ngumiti.
"Mom? Si Charmagne..." Sabi ko. May bigla kasi akong narinig na boses na "Hi, I'm Charmagne." Paulit-ulit at ang boses ang kaboses ko.
"Ha??!" Sabay nilang tatlo.
"Who is Charmagne? May, kambal po ba ako?" Tanong ko. Minsan kasi napaginipan ko si Charmagne pero ang sarili ko naman ang nakikita ko. At panu ko nalaman na Charmagne? E nagpakilala lang naman po. "Hi, I'm Charmagne."

BINABASA MO ANG
"Miss Green" (AlyDen - GxG)
Hayran KurguSa isang iglap, at dahil sa isang simpleng babae. Lahat ng paniniwala ko nawala. Lahat ng pinaghahawakan ko nawala. Lahat ng meron ako gusto ko sa kanya. Ayokong maging mali. Natatakot ako. Pero dahil sa kanya gusto kong subukan. "We live in awfull...