7 (dudes)

1.4K 35 0
                                    

Cha's POV

"Argghh... Litseng buhay to..."

Sambit ko nalang habang buhat buhat ko siya. Nakaramdam na kasi ako ng pagod. Muntik na akong mapaluhod habang inaakyat ang bawat baitang ng hagdan papasok sa bahay pagamutan.

"Tulong!!!  Tulong!!!... Nurse!! Guard... Please help me. Arghh.."

Sigaw ko nang makapasok sa hallway ng hospital. Shit! Sobra na ang paNangatog  ng mga tuhod ko sa katatakbo habang buhat buhat ang isang babae. Di ko na nakayanan at bumigay na rin ang mga tuhod ko kaya parang lantang gulay akong napaluhod at muntik pang mapasubsob sa sahig ang mukha ko. Mabilis namang inaasikaso siya ng mga nurse.

"Miss, tara dito tayo. We need to check you too."
Yun ang huling narinig ko and everything went black.

.

.

.

.

.

.

.

Nagising ako dahil sa ingay dulot ng nag-uusapang tao.

"Dude... Siya ang nagdala daw kay Fille dito sabi ng nurse."

"Siya? Parang familiar sakin ang mukha niya."

"Sakin din dude. Btw, kumusta na si ate Fille?"

"Stable naman ang kalagayan ni Fille. Hay... I can't wait to thank this brave woman here."

Sa tansya ko ay tatlong tao ang nag-uusap-usap at puro babae pero astig yung boses. Sino si Fille? Baka yung dinala ko sa hospital. Teka? Nasaan ako? Nakauwi na naba ako? Pakiramdam ko nakahiga ako.

"Hmmmm..."
Ungol ko at dahan-dahang minulat ang mga mata ko. Wait.. Puti? Wag niyong sabihin pati ako naospital din? Argg... Wala akong pambayad sa hospital. Naku naman. Nakita ko rin ang tatlong babae na nakadungaw sakin.

"Hi, how are you? Ahm, you want something? May masakit ba sayo?"

Sunod-sunod tanong sakin ng singkit. Parang nakita ko na 'tong singkit na to a.

"Where am I? Brrrrr... Brrrrrrrttt..."
Tanong ko at umipal kaagad ang tiyan ko.

"Oh, I guess I already knew what she needs dude. Let me handle this one. Hehehe.. I'll get you some food to eat... Ahehe.. Btw, I'm Mich."
Sabi nung isa at pakamot kamot pa sa batok niya. Ahay, nosebleed yata ako nito sa kanila.

"Charmagne, just Cha nalang."

"Hello Cha, I'm Marge."
Singit nung isang nakasalamin at inabutan ako ng kamay habang todo ngiti. Tinanggap ko naman yun at tumango.

"Grabe ka dude! Ako una nagpakilala e. Tks!" Reklamo ni Mich at kinabig ang kamay ni Marge. Angkulit nila.

"Dude! Lower your voice. At kumuha na kayo ng makakain good for us. Nagugutom na rin ako at kayo rin, lalo kana Marge." Sabi ni singkit at nag-smile sakin. Nakikita pa kaya niya ako? Lol

"Excuse us Cha, kuha lang kami ni Marge ng food natin." Paalam ni Mich. Tumango naman ako at bahagyang umupo.

"Hi, ahm.. Cha. Your such a good a person. How can I repay you?"
Sabi ni singkit. "Oh, how rude I am, I'm Gretchen. Gretch nalang or whatever you wanna call me." Dugtong niya at ngumuti.

"Ah, maliit na bagay Gretch. Makakalabas lang ako ng buhay dito ayos na sakin. Kumusta siya?" Sabi ko ay hinilot ang mga braso ko. Parang nangangalay e.

"Miss Green" (AlyDen - GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon